CHAPTER 16: WILL MIRANDA

13 5 0
                                    

Synopsis: May bagong character na papasok sino kaya siya at ano nga ba ang magiging layunin niya sa buhay nina Edward, Wave, Jasper, Athena, Clarisse, at Janice?

December 31, 2017

New Year na tiyak busy na naman ang pamilya nina Edward isama mo na ang pamilya nina Janice na ngayon ay magcecelebrate ng bagong taon kasama ang pamilya Gutierrez.

"Helen! ano bang lulutuin natin ngayon?" tanong ni Mang Toto na kakagising pa lang.
"Kahit pansit at spaghetti lang tsaka menudo na din ikaw na bahala sa iba" sagot ni Aling Helen.

"Ahh Tita baka makatulong ako, ano po bang pwede ko magawa para mas mapadali ang gawain niyo?" tanong ni Wave.

"Teka........ Ah, Wave magpasama ka kay Janice bumili kayo ng mga ihahalo ko sa pansit, bili na din kayo ng mga ingredients para sa menudo, tanungin mo nalang si Tito Toto mo kung ano pa idadagdag niya" sagot ni Aling Helen.

Agad namang pumunta si Wave kay Mang Toto na nagkakape kasama si Mang Dominic.

"Good Morning po Tito, Papa. Ahh Tito tanong ko lang po kung ano pa ipapabili niyo kasi sabi ni Tita Helen kami na daw bumili ng mga ingredients ehh" sabi ni Wave.
"Ahh, bumili kayo ng manok mga 2 kilo siguro, tas bumili na din kayo ng harina tsaka 2 kilo din ng isdang tilapia, okay na siguro yun" sagot ni Mang Toto.

Pagkatapos nito ay pinuntahan na agad ni Wave si Janice sa kwarto nito para isama sa pagbili ng mga pagkain na kailangan lutuin pero ito ay tulog pa kaya wala siyang choice kundi isama nalang ang kapatid nitong si Mila.

"Mila? andyan ka ba?" pagkatok ni Wave sa pintuan ng kwarto nito.
"Kuya Wave, bakit po?" tanong ni Mila.
"Magpapasama sana ako, punta tayo sa palengke" sagot ni Wave.
"Ahh sige po mauna na po kayo sa kotse magbibihis lang po ako" sabi ni Mila.

At iyon nga pumunta na si Wave sa kotse nila para hintayin si Mila bumaba.
Mga ilang minuto lang ay bumaba na si Mila at muntikan na nga itong makasakay sa kotse nila dahil di pala niya alam na nasa sariling kotse nina Wave si Wave nakaupo.

"Oh ano, punta na tayo wala ka na bang nakalimutan?" tanong ni Wave.
"Wala na kuya, tara na" sagot ni Mila.

Inandar na ni Wave ang kotse at umalis na sakto namang bumaba agad si Janice pero alam na siguro niya na sa palengke sila pupunta kasi ginising na siya ni Mila kanina nang pababa na ito.

*Sa Palengke*

"Andami palang tao dito noh, New year na kasi ehh" sabi ni Wave.
"Oo nga ehh" sagot ni Mila.

"Tara unahin na natin bilhin ang isda at manok, ako sa isda ikaw sa manok pareho lang namang 2 kilo kaya wag ka na mag alala" sabi ni Wave.

Pagtapos nito ay bumili na nga sila ng mga kailangan. Harina, Carrots, Hotdog, atbp.

Mga 1 oras din silang namalengke, pero sa paguwi nila ay nakita nila ang lalaking nakatingin sa bahay nina Janice. Di alam ni Wave kung bakit niya tinigil ang kotse pero siguro instincts na ito dahil mukha rin namang kahina hinala ang tao.

"Anong kailangan mo sa kanila?" diretsahang tanong ni Wave.
"Ahh, you must be her new boyfriend" sagot ng lalaki.
"Huh? sino ka ba?! ano kailangan mo sa mga Perez?!" sunod sunod na tanong ni Wave.
"Ahh di pa pala ako pinapakilala ni Janice sayo noh, ako si Will...Will Miranda. Ex ni Janice" nanindig ang balahibo ni Mila nang marinig ito kaya dumiretso na agad siya sa bahay nila at sinabi kay Janice ang nangyari.

"Huh?! si Will tas si Wave nagkita?!" sigaw ni Janice.
"Oo ate, at mukhang galit si Kuya Wave" sagot ni Mila.

Dahil dito ay lumabas si Janice at agad naman niyang nakita sina Wave at Will na naguusap.

"Wave" mahinahong sabi ni Janice.
"Janice!! Long time no see!" sabat ni Will.
"Hoy!........... wag na wag mong hahawakan si Janice kung ayaw mong may dumanak na dugo dito" sabi ni Wave na nanlilisik pa ang mga mata na para bang kakainin si Will.

Sa mga sinabi ni Wave ay napagtanto ni Janice na baka bumalik ang dating ugali ni Wave dahil kay Will.
Sa mga di nakakaalam si Wave ay isang badboy dati nagbago lang siya ng makilala niya si Janice.

"HAHAHA kaninong dugo ba ang dadanak ha?!" nanlilisik na din ang mata ni Will tulad ng kay Wave.
"Tumigil na nga kayo! baka makita kayo nina Mama" pagpigil ni Janice sa dalawa.

"Ito kasing "BOYFRIEND" mo ehh!" sagot ni Will.
"Gago ka ahh!!" sigaw ni Wave sabay suntok sa mukha ni Will.
"HAHAHA kala mo masakit? Kukunin ko si Janice di siya bagay sayo, di siya bagay sa dating leader ng gang" sa mga sinabi ni Will ay natulala si Janice at napatingin kay Wave.

"Wait babe, let me explain, dati pa naman yun ehh tsaka tinalikuran ko na ang pamumuhay na iyon" sabi ni Wave.

"Wag ka maniwala sa gagong yan, nakalaban na namin siya noon at nakita namin ang pagkabrutal niya, tumatawa siya habang tinatadyakan ang mga mukha namin at nagsasabing SINO PA?!!!!". mas lalong nabuo ang galit ni Wave nang marinig ito.

"Hoy, umalis ka na, di ka namin kailangan dito kung gusto mo ng gulo sa ibang lugar ka maghanap pero wag mo idadamay sina Janice dahil ako ang makakalaban mo" sabi ni Wave.
"Tandaan mo yang mga sinasabi mo Wave "Psycho" Gutierrez maaaring di mo ko kilala pero ako, kilalang kilala ko kulay mo! gago!!" sabi ni Will.

Dahan dahang umalis si Will, patalikod ito kung maglakad at may kasabay pang paturo kay Wave na agad namang iniwasan ni Wave.

"Wave, totoo ba yun?" seryosong tanong ni Janice.
Pagtingin ni Wave kay Janice ay umiiyak ito kaya naman pinatahan agad niya ito at inamin ang lahat ng mga katarantaduhan na ginawa niya dati.

Dahil dito ay pumasok na agad sila sa bahay nina Janice.
Nanatiling tahimik si Wave at Janice.
Pero lingid sa kaalaman ni Wave ay dito pa lang nag uumpisa ang paghihirap niya.

"Boss, anyare sa mukha mo?" tanong ng isang lalaki.
"Ahh ito, may baliw lang na sumuntok sakin sarap nga patayin ehh" sagot nung lalaking kakarating lang.
"Ano boss, upakan na ba natin?" tanong din nung isang matipunong lalaki.
"Wag ngayon, sa January 2 dun dadanak ang dugo" sabi ng lalaki sabay harap sa libo libong tao na nasa kanyang harapan.

"AKING KAMPON!!!!! AKO SI WILL MIRANDA!!!! AT MISYON NATIN NGAYONG PATAYIN SI WAVE GUTIERREZ!!!!!!" sigaw ni Will na sinabayan ng mga tao ng "HOOOOOOOOOO ISA PANG BIKTIMA!!"

Bilang na ang araw ni Wave, pero mapipigilan niya kaya ang bagsik ni Will Miranda? Mabubuhay pa kaya siya?

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now