CHAPTER 30: YOU'RE MY ONE

20 5 2
                                    

Edward's POV
Nakakatuwa lang isipin na sa biyernes ay kasal na namin ni Athena. Di ako makapaniwala na nangyayari talaga ito, I mean we're just 18 year olds nung una kaming nagkakilala tapos ngayon ikakasal na kami.

"Good morning Hon!" bati niya sakin na sinundan ko ng ngiti.
"Ang aga mo naman ata nagising"
"I'm trying to make you a breafast, kaso nahuli mo ko"
"Aww, how sweet"
"Malapit na to, umupo ka na dyan at ihahain ko na to"

Kitang kita ko sa mala porselanang mukha niya ang tuwa, nakapwesto ang lamesa sa bintana kung saan tanaw mo ang isang bundok na tila ba nagiging maliit dahil sa kalayuan nito, makikita mo rin dito ang berdeng mga halaman na lalong nagpaganda sa tanawin, isama mo pa ang matangkad na oak tree na kung minsan ay hinahangin na siyang dahilan para malagasan ito ng mga dahon.

Sumisinag ang araw sa mukha niya, talagang mapapaibig ka lalo na kapag nakita mo ang mga pula niyang labi na ang sarap halikan nang paulit ulit.

"Wow! fried rice with bacon and eggs!"
Tinikman niya ito at ang kanyang naging reaksyon ay walang katulad.
"Siyempre, ang akala mo siguro porket model ako di ako marunong magluto".

Bawat pagsubo ko ng kinakain ko ay di ko maiwasang mapatingin sa kanya, gumaganda siya lalo kada araw, kapag hinahangin ang straight, pixie at brown na buhok.
Kahit saang anggulo mo tingnan ay mapapaibig ka talaga.
Swerte nga talaga siguro akong nilalang.

Athena's POV
Nagising ako ng mag isa sa kwarto namin, siyempre instincts na naming mga babae ang mag alala, lalo na't alam kong may sakit ang soon to be husband ko.
Agad akong tumayo sa kama at dali daling sinuot ang robe ko.
Sa aking pagbaba ay amoy na amoy ko ang mabangong aroma ng pagkain, pagtingin ko sa kusina ay nakita ko siya, si Edward.

Tinanong ko kung bakit ang aga niya namang nagising ang naging sagot niya ay "I'm trying to make you a breakfast, kaso nahuli mo ko".
Agad niya akong pinaupo sa lamesa at sunod niya namang hinain ang pagkaing niluto niya.

Sa bawat pagsubo ko ng kinakain ko ay napapansin kong panay ang tingin niya sakin, di ko siya masisisi, umibig siya ng isang dyosa.
Kaso ang dyosa na ito ay umibig sa isang mortal na nagbigay ng mga magagandang bagay, ang mortal na ito ay siya ring nagpa oo sa dyosang ito.

Di ko mapigilang makilig sa mga tingin niya, sino ba namang hindi kikiligin sa mga mata niyang asul na sa sobrang linaw ay nakikita mo na ang repleksyon mo.
Idagdag mo pa ang itim, straight, at undercut na buhok niya.
Napatingin ako sa mga labi niyang kasing pula ng mga hinog na mansanas, mas lalo niya akong napaibig.
Swerte nga talaga siguro akong nilalang.

Wave's POV
Nagising ako sa isang panaginip na siyang nagpatibok ng mabilis sa puso ko.
Sa panaginip ko ay may kotse na tila ba balak pa kong sagasaan, sa panaginip ko ay hinahabol ako nito, para itong halimaw na akala mo kakainin ako, sa huli ay nadapa ako at dun na ko nagising.

Sa paggising ko ay nakita ko ang asawa kong dahan dahan pang pumasok sa kwarto namin. May dala siyang lamesita na may lamang kanin, itlog, pancake, at juice.

"Ay, ano ba yan nagising ka na!, nahuli mo tuloy ako"
"Ano ka ba, wag ka ng malungkot, sabayan mo nalang ako kumain"
Natatawa ako sa reaksyon niya, ang cute pa rin niya hanggang ngayon, sino ba namang di macucutan sa maliit niyang mukha, isama mo pa ang height niya na hanggang balikat ko lang, haircut na mala-dora, mala-coca cola na katawan, mapapasabi ka talaga ng "Thank you, Lord" ng wala sa oras.

Habang kumakain kami ay nakikita kong parang malungkot ang mukha niya, sa hula ko dahil ito sa di gumana ang sorpresa niya sa akin.

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now