CHAPTER 12: CREATION OF LOVE THIS CHRISTMAS PART 2

11 6 1
                                    

Synopsis: Habang nagcecelebrate ng Christmas Eve sila Edward ay pagusapan muna natin ang nangyari kina Wave at Janice sa Canada, at kung tanggap ba si Janice ng mga Gutierrez.

*Sa Canada*
"Wave!" sigaw ng nanay ni Wave habang nilalabas ang mga maleta sa taxi.
"Mom!, Merry Christmas!" bati pabalik ni Wave na sinundan naman ni Janice ng...
"Merry Christmas, Aunty Vivian!"

"Wave, come on in! let's talk about your life in the Philippines" sabi ni Aling Vivian habang tinutulungan si Wave sa mga maleta nito.

"Mom, where's dad?" tanong ni Wave.
"Oh! your dad is in the garage, wait let me get him" sabi ni Aling Vivian, papunta na sana si Aling Vivian sa garage nang hinawakan ni Wave ang kamay niya sinabing...

"No, mom let me get dad" sabay ngisi at dumiretso na sa garage.
Habang pinupuntahan ni Wave ang tatay niya ay kinausap naman ni Aling Vivian si Janice at tinanong kung anong relasyon nila ni Wave na sinagot naman ni Janice ng...

"Oh, Aunty we're just gonna tell later, I don't want to be the one who'll say about our relationship, Wave's just gonna get mad"
"Oh dear you don't have to keep it, we already know about your relationship" pagkasabi ni Aling Vivian nito ay hindi na napigilan ni Janice ang pamumula ng kanyang pisngi, sakto namang dumating na sina Wave at ang kanyang tatay.

"Vivian, what are you asking about our future daughter-in-law?" pabirong tanong ni Mang Dominic. Sobra na ang pamumula ng pisngi ni Janice ng marinig niya ang mga salitang lumabas sa bibig ni Mang Dominic.

"Mom! Dad! stop it! it's so embarrassing!" pagpigil ni Wave nang mapansin niya ang pagblush ni Janice.

"Hindi Wave okay lang, actually natutuwa ako sa kanila ehh" palusot ni Janice.
"Wait, nagsasalita ka ng tagalog, iha?" nabiglang tanong ni Mang Dominic.
"Ahhh Opo, Filipino din po kayo?" nagtatakang tanong ni Janice.

"Oo ehh, mamaya ko nalang sasabihin ang rason sa hapag kainan, sa ngayon pahinga muna kayo mag gagabi na din kaya tatawagin nalang namin kayo nina Wave mamaya para kumain" sabi ni Mang Dominic na sinangayunan naman ni Wave at Janice.

*Sa kwarto*

"Sorry babe, sinabi ko na kina mama yung about sa atin" seryosong sabi ni Wave.

"Ano ka ba!, okay lang yun tsaka mukha namang okay lang ako sa mama mo ehh especially on your dad" sagot ni Janice.

Sa mga oras na ito ay tumawag na sila kina Edward para kumustahin sila, at ito ay sinimulan ni Wave ng....

"Merry Christmas, Eddie-boy!"

"WAVE!!" sigaw ni Edward na narinig din nina Jasper.

Natapos naman ang kanilang usapan nang ibaba na ni Wave ang phone dahil sa magpapahinga na sila.

"Babe, tingin mo magkakaroon kaya tayo ng family sa future?" tanong ni Janice kay Wave habang nakahiga siya sa braso nito.
"Oo naman, tinadhana tayo noh tsaka walang makakapaghiwalay sa atin" seryosong sagot ni Wave.

Nagtagal ang usapan nina Wave at Janice ng mga 30 minutes at pagtapos nun ay magkayakap silang natulog.

*3 hours later*

"Wave!, come on down! dinner's ready!" sigaw ng nanay ni Wave na siya namang nagpagising sa kanya.

"Coming!" sigaw ni Wave na nakapikit pa ang mga mata.

"Babe, gising na kakain na tayo" mahinahong sabi ni Wave.

"Unghh! 5 minutes pa!" pagkasabi ni Janice nito ay tinawanan nalang siya ni Wave at sinabing...

"Okay, pero sumunod ka na ahh magagalit si mom pag nalate ka"
"Okay" sagot ni Janice na sinundan niya na ng tulog.

*Sa dining room*

"Good evening son" bati ni Aling Vivian.
"Where's Janice?" pahabol na tanong nito.

"She said she'll come down later, she's tired from our trip so she's trying to catch some Z's" sagot ni Wave.

"Uhh, mom can I ask you a question?" tanong ni Wave.
"Yes, of course" diretsong sagot ni Aling Vivian.
"Are you and dad support my relationship with Janice?" seryosong tanong ni Wave.

"To be honest, I'm not even on Janice's side when you tell me that she's your girlfriend but when I meet her earlier, I realized that she's on another level, just by looking at her you'll know that she will become future Janice Gutierrez" seryoso ring sagot ni Aling Vivian na sinangayunan naman ni Mang Dominic.

"Yeah I agree with your mom" pahabol pa ni Mang Dominic.

Lingid sa kanilang kaalaman ay nakikinig pala si Janice sa kanila at ito naman ay talagang nasiyahan dahil nalaman niya rin sa wakas na tanggap siya ng mga ito kaya naman nagdesisyon si Janice na....

"Wave" mahinahong tawag ni Janice.
"Oh! Babe!" nabulunang sagot ni Wave.
"Oh Janice sit down, the food's gonna get cold"  yaya ni Aling Vivian.

"Mr. and Mrs. Gutierrez, thank you for accepting me as your son's girlfriend!" sigaw ni Janice na ikinagulat nina Wave at ng kanyang parents.

Napatawa nalang sila Wave ng marinig nila ang sigaw ni Janice at nagsabi na rin si Wave ng....

"I'm lucky to find you"

YOU'RE MY ONETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang