CHAPTER 18: YEAR 2022

8 3 0
                                    

Synopsis: 4 years na ang nakakaraan at marami na ang nabago sa buhay nila Edward. Ano-ano nga ba ang nangyari sa kanila sa loob ng 4 na taon?

January 3, 2018

"Pa, sorry po sa mga nagawa ko kahapon, di ko na po napigilan ang sarili ko" sabi ni Wave sa amang sumundo sa kanya kaninang umaga sa kulungan.

"May.... masakit ba sayo?" tanong ni Mang Dominic habang nakatingin sa taas, senyales na pinipigilan lang niya ang kanyang mga luha.

"Wala naman po, sorry po talaga" pagpapatawad ni Wave.
"Tito sorry din po" sabi rin ni Edward.
"Salamat Edward sa pagbantay sa anak ko, pati narin sayo Jasper" pasasalamat ni Mang Dominic.

"Wala po iyon tito, by the way tito kumusta na po sila Tita Vivian, sure po ako ninenerbyos yun sa kagagawan ni Wave" tanong ni Jasper.
"Ayun, umiiyak kagabi pa, pero nang malaman niyang okay naman si Wave ehh kumalma na siya, ang di ko lang alam ehh kumusta na ang kalagayan nung tatlong kinawawa ni Wave" paliwanag ni Mang Dominic.

"P-Paano mo nalaman yun Pa?!" nabiglang tanong ni Wave.
"Sinabi sakin ni Leo, tsaka wag mo na guluhin sila Leo, last na daw yung ginawa nila kahapon di na nila gagawin ulit yun, natakot daw siya sa pinakita mong asal kahapon" paliwanag ulit ni Mang Dominic.

Mga 30 minutes ding nagdrive si Mang Dominic papunta sa bahay ng mga Perez, pero sa pagdating nila ay sumalubong sa kanila ang....

"WAVE!!!!!!!!!" sigaw ni Aling Vivian sabay takbo papunta kay Wave.
"Mom, I'm sorry for making you worry" sabi ni Wave.
"Wave, are you hurt? a-a-are you okay? tell me!" sunod sunod na sabi ni Aling Vivian.

"I'm fine Mom" sagot ni Wave sabay ngiti.

Tumingin naman agad si Wave kina Janice at sa mga iba pang tao sa loob ng bahay nila.

Di niya napigilang maiyak nang maisip ang tingin sa kanya ng mga Perez lalo na si Janice.

"Edward!!" sigaw ni Athena sabay yakap kay Edward.
"Thena!, sorry ah di ko na din napigilan ang galit ko" pagpapatawad ni Edward.
"May masakit ba sayo? okay ka lang ba?" sunod sunod na tanong ni Athena.
"Oks lang ako Thena" sagot ni Edward.

Wala ang mama ni Athena sa Caloocan dahil ito ay nasa probinsya at cinelebrate ang pasko kasama ang papa ni Athena pati narin ang pamilya nito. Pinayagan lang niya si Athena dahil kampante siyang aalagaan siya ni Edward.

"JASPER!!!!!!!!!" sigaw ni Aling Angel at Clarisse.
"T-T-Teka wala akong ginawa! tinawagan ko lang yung mga pulis yun lang!!" sabi ni Jasper, dahil halata sa sigaw nila Aling Angel na sila ay galit pero pagyakap ang sinagot nila Aling Angel sa sinabi ni Jasper.

"Woah, di kayo galit?" tanong ni Jasper.
"Bat kami magagalit ehh ginawa mo lang naman ang tama" sagot ni Clarisse.

Dahan dahan namang pumunta sila Janice kay Wave at sabay sabay nagsabi ng....

"SALAMAT SAYO!!"
"T-T-Teka di kayo galit sa ginawa ko?!" biglang tanong ni Wave.
"Galit kami pero wala kaming magagawa prinotektahan mo kami laban kay Will" sagot ni Janice.
"Tumawag si Will kahapon bago mangyari yung gulo, ang sabi niya ay pag di ka pumunta ay papatayin niya kami" sabi ni Mang Toto.

"Pero di ka parin pasado sa lasa namin, kaya wag ka!" biro ni Aling Helen.

Napangiti nalang si Wave at nagsabi ng...
"OPO!!"

*4 years later*

"Hoy, gising!" sigaw ni Janice.
"Anong oras na ba?" tanong ng matipunong lalaki.
"Alas nuwebe na ho! ano ba CEO ka ba talaga?! bilisan mo na magagalit na sila daddy" sagot ni Janice.
"Oo na, eto na po" sagot ng matipunong lalaki.

Maya maya ay may tumawag kay Janice sa telepono.
"Ahh hello Mrs. Gutierrez? may naghahanap po sa inyo dito sa lobby ano pong sasabihin ko?" tanong ng empleyado nila Janice. Yes tama ang nabasa niyo, kinasal na sila Wave at Janice at sila na ang namamahala sa company ni Mang Dominic.

"Sabihin mo na padating na kami, okay?" sabi ni Janice.
"Okay po" sagot naman ng empleyado.
"Sino yun Ja? si dad ba?" tanong ni Wave sabay halik sa braso ni Janice.
"Ano ba?! bilisan mo na may naghahanap daw sa atin sa lobby kaya magbihis ka na" sagot ni Janice sabay halik din sa lips ni Wave.

"Yes, I'm almost there.....yeah yeah nasa akin yung blueprints, ge na parating na ko hintayin niyo nalang ako dyan" sabi ng gwapong lalaki na halatang matangkad dahil sa suot.

"Sino yun?" tanong ng babaeng kasama niya.
"Sila Leo, hinahanap na daw ako ng mga investors HAHAHA ikaw kase ehh, sabi ko matutulog na ko kagabi tas bigla ka agad pumatong nalate tuloy ako ng tulog" sabi ng lalaki.

"Masanay ka na kasi kasal ka na tsaka anong masama dun? ehh mag asawa naman tayo" sabi ng babae.

Pagdating nila sa location na pupuntahan nila ay binati agad sila ng Leo....

"Jas G'Morning, bilisan niyo hanap na kayo nila Mr. Marquez"

Yes, si Jasper ang lalaking tinutukoy ko at si Clarisse naman ang babaeng tinutukoy ko.

"Asan sila, nang maumpisahan na natin to" tanong ni Jasper.
"Nasa room mo sila naghihintay sayo, bilisan mo na mukhang masama gising nun" sabi ni Leo sabay tapik sa likod ni Jasper.

Si Leo ang Vice Captain ng Psychotic Beasts ni Wave at siya ngayon ay nagtatrabaho bilang secretary ni Jasper.

"...yun lang ba yung kailangan ah? kung oo ehh aalis na ko pupunta na ko dyan" sabi ng lalaking mukhang mayaman sa mga suot.
"Pssst! aalis na tayo?" tanong ng babaeng kasama niya.

"Yeah yeah, just gimme one sec" sagot nung lalaki.

Pagsabi ng lalaki neto ay agad na rin silang lumabas ng bahay nila at dumiretso sa kotse para puntahan na ang pupuntahan nila.

"Wait, naasikaso mo na ba yung mga papeles para sa kasal?" tanong nung lalaki.
"Oo tapos na, mga iimbitahin nalang ang kulang, kung sina Wave kaya sure ako pupunta yun" sagot nung babae.

"Tapos na, sinabihan ko na sila"
"Edi kung ganon okay na pala ang lahat, yung rehearsal nalang" sabi nung babae.

Pagdating nila ay sinalubong sila ng manager ng lalaki.
"Ang tagal mo naman! san ka ba nanggaling?!"

"Bruh, siyempre nalate lang kami ng gising kasi inasikaso pa namin yung mga kailangan sa kasal" sagot ng lalaki.

"Ahh Mr.Garcia? ready na po yung set kayo nalang po yung inaantay" sabi ng isang empleyado.
"Bilis na pumunta ka na dun, galingan mo ahh" sabi ng babae na may pabaon pang halik.

"Gagalingan ko talaga, may pabaon si Athena Montefalco ko ehh" sabi ng lalaki.
"Correction, Athena Montefalco-Garcia"

Pagkatapos nun ay agad ng pumasok ang lalaki samantalang umuwi na ang babae sa bahay nila, at yes, si Edward ang tinutukoy ko, siya ay isang model sa isang company.
Si Wave naman ay CEO ng G Apparel na itinayo ng kanyang ama.
Si Janice naman ay isa rin sa shareholder ng company.
Si Jasper at Clarisse naman ay parehong architect at successful na rin sa buhay.

Apat na taon lang ang lumipas pero marami ng nagbago sa kanilang mga buhay buhay. Tuloy tuloy na kaya ang tagumpay nila?

A/N: Sana nagustuhan niyo ang Chapter na ito, pasensya na rin kung di ako naka publish nung sunday. But I promise this story will be worth it so stay tuned every Wednesday and Sunday.

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now