CHAPTER 25: MAN BEHIND THE SHADOW

6 5 1
                                    

Synopsis: Pilit hinahanap ni Wave si Janice sa lahat ng lugar pero di niya ito makita, asan na nga ba si Janice at sino ang kumuha sa kanya?

Nag aalaang bumalik si Wave sa opisina nito pero wala na si Patricia sa kanyang pagbalik.

"Mendoza!" tawag ni Wave sa isa niyang empleyado.
"Asan na yung babae dito kanina?" pahabol pa niya.
"Sir kakaalis lang po, dali dali nga pong lumabas ehh" sagot ng empleyado.

Kaagad namang tumakbo si Wave palabas sa opisina at sinubukang hanapin si Patricia pero bigo rin siyang hanapin ito.

Nagdesisyon siyang tawagan sina Edward at Jasper para sabihin at tanungin kung nasa bahay ba nila si Janice pero wala daw doon.

Maya maya pa ay dumating sila Jasper sa opisina ni Wave pero kapansin pansin ang lungkot sa mukha ni Edward pero di nila ito pinansin dahil sa nangyari kay Wave.

"Talaga bang may nangyari sa inyo?" tanong ni Jasper.
"Di ko alam, sa palagay ko may nilagay siyang drug sa juice na ininom ko kanina kaya ako nakatulog, ang problema dito ngayon ay kung nasaan si Janice, mababaliw na ko kakaisip kung nasaan siya eh" sagot ni Wave.

"Baka naman pumunta lang sa bahay nila Tita Helen, tinawagan mo na ba sila?" tanong ni Jasper.
"Tinawagan ko na wala rin daw sa kanila si Janice" sagot ni Wave.

"Meron ka bang nakaaway this past few days?" seryosong tanong ni Edward.
"Wala naman, kung meron man akong nakaaway si Will lang yung huli" sagot ni Wave.

"Wag mo na ipaalala yun, kung buhay man yun baka nasa kulungan lang yun ngayon kasi gago siya" sabi ni Jasper.

"Anyways, kung may kukuha man kay Janice, sure akong may hinanakit siya sayo" sabi ni Edward.

Samantala, nagising si Janice sa isang madilim na lugar at sa harap niya ay may tatlong taong nakaupo.
Di niya maaninag ang mga mukha nito dahil natatakpan ng anino ang mga mukha nila.

"Wiwo kawo!" di makapagsalita si Janice ng maayos dahil sa panyong nakatali sa bibig niya, di rin siya makagalaw dahil nakagapos siya sa upuang kinauupuan niya.

"Aww, iiyak ka na ba?, wag kang mag alala, susunod si Wave sayo in no time, sa ngayon enjoyin mo muna ang view dito" sabi ng lalaking nakaupo sa harapan niya.

"Boys, takpan niyo ulit yung mata, baka mamaya makita pa niya tayo, mahirap na" sabi ng lalaki na agad sinunod ng mga taong nasa likod ni Janice.

*Kinabukasan*

Nagising si Athena at agad niyang nakita si Edward na nakahiga sa sahig ng kwarto nila, naiyak nalang si Athena dahil sa sinapit ng pinakamamahal niya.

Pero di na niya ginising si Edward at bumaba na siya para magluto ng agahan.

Sa baba ay nakita niya ang libro na napansin niyang may pamagat na "How To Beat Dementia", bumuhos ulit ang luha niya ng malamang nilalabanan pala ni Edward ang sakit na ito ng di niya alam, masakit sa kanyang isipin na sinarili lang ni Edward ang sakit niya at di sinabi sa kanya.

"Hon?, nasaan ka ba?" tanong ni Edward habang pababa sa hagdan.
Agad namang pinunasan ni Athena ang mga luha at agad pumunta sa kusina.

"Galit ka pa ba?" mahinahong tanong ni Edward.
Walang imik si Athena dahil pinipigil niya ang luha niya na tumulo.
"Wag ka ng mag alala matatalo ko rin tong Alzheimer's na to, just you wait" sabi ni Edward sabay punta sa sofa na tumatawa pa.

"Is your disease a laughing matter?!, alam mo ba kung gaano kahirap saking makitang naghihirap ka dahil sa sakit mo?! ni hindi mo nga sinabi sakin na may Alzheimer's ka tapos ngayon tinatawanan mo lang yan?!" umiiyak na sigaw ni Athena.

"M-M-May Alzheimer's Disease ka?" gulat na tanong ni Wave na kakapasok lang sa bahay nila.

"Pano ka nakapasok?" kabang tanong ni Edward.
"Sagutin mo tanong ko!, may Alzheimer's ka ba?!" seryosong tanong ni Wave.
"Pumasok ka nga muna!" sagot ni Edward.

Sa sofa ay pinag usapan nilang tatlo ito at di rin napigilan ni Wave ang maluha nang malaman ang kalagayan ni Edward.

"Alam na ba nila Jasper to?" tanong ni Wave.
"Di pa.." sagot ni Edward ng nakayuko.
"Kailangan mo siyang sabihan, kilala mo ang ugali nun, ayaw niyang may tinatago sa kanya, tsaka wag kang mag alala tutulungan ka naming labanan yang dementia mo" sabi ni Wave.

"Nahanap mo na ba si Janice?" tanong ni Edward.
"Huh?! nawawala si Janice?!" nabiglang tanong ni Athena.
"Oo, kagabi lang, nahuli niya kasi kami ni Patricia na may ginagawang di niya gusto, di ko lang alam kung meron ba talagang nangyari samin kasi may nilagay siya sa inumin ko na naging resulta ng pagkatulog ko" paliwanag ni Wave.

"Nag report ka na ba sa pulis?" tanong ni Edward.
"Oo kanina bago ako pumunta dito, sasabihan daw nila ako pag may nakuha silang lead" sagot ni Wave.

"O siya sige, aalis na ko, may gagawin pa kong mga posters para mas mapadali ang paghahanap kay Janice" sabi ni Wave.
"Sige sige, mag iingat ka, babalitaan ka nalang namin pag may nakita kaming lead about kay Janice" sabi ni Edward.

Pagkatapos ay umalis na si Wave at ipinagpatuloy na ni Athena ang pagluluto na naudlot kanina sa biglaang pagbisita ni Wave.

"Hon?, galit ka pa rin ba?" tanong ni Edward.
Wala pa ring imik si Athena dahil na rin siguro sa lungkot na nadadama niya.

Pero merong sinabi si Edward na nakapag pangiti kay Athena.

"Ano kayang pwedeng ipangalan pag nanganak ka noh?" tanong ni Edward.
"A-A-Ano, ummm Aria pag babae? then Enzo pag lalaki" sagot ni Athena.

"Nakasagot ka rin ng maayos" sabi ni Edward sabay hawak sa baywang ni Athena, binulungan pa niya ito ng....
"What if gumawa tayo ng kambal ngayon?"

Napangisi nalang si Athena at napabulong rin.

"Malakas na ba stamina mo? baka mamaya hanggang round 2 ka lang"
"HAHAHA, are you threatening me?!, I'm Edward Garcia, of course my stamina is strong!" tumatawang sabi ni Edward.

"Ano pang purpose ng pagluluto ng breakfast kung pwede namang ako nalang ang kainin mo" sabi ni Athena.

"I like that" sabi ni Edward sabay takbo papunta sa kwarto nila.

And the rest is history.

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now