CHAPTER 27: HIS RETURN

7 4 0
                                    

Synopsis: Konti nalang at maliligtas na rin ni Wave si Janice, magtagumpay kaya siya at malalaman kaya niya kung sino ang kumidnap kay Janice?

Habang nag uusap sila Patricia at Wave ay di pa rin maalis sa isipan ni Jasper ang sakit ni Edward.

"Hoy, talaga bang may Alzheimer's ka?" tanong ni Iasper na nakatitig pa kay Edward.
"Bruh itigil mo yang titig na yan, tsaka oo nga may sakit ako, eh ano ngayon? malalabanan ko naman yun ehh" sagot ni Edward.

"Pano kung hindi?, pano kung iwan mo lang si Athena?!" seryosong tanong ni Jasper.
"Just relax, tsaka di ko iiwan si Athena, magkaka twin babies pa kami" sagot ni Edward sabay tingin kay Athena na kinakausap si Clarisse.

"Ay Athena, pakisabi kay Jas hahanap lang ako ng cr, mabilis lang ako promise" paalam ni Clarisse na sinangayunan naman ni Athena.

Pagkatapos nun ay lumabas si Clarisse at naghanap na ng cr, sa kanyang paglabas ay may nakasalubong siyang taong medyo pamilyar pero di na niya ito pinansin kasi naiihi na nga siya.

"Nasa lumang factory sa quezon si Janice ngayon at ang kumidnap sa kanya ay si...." di natapos si Janice dahil may lalaking biglang sumulpot sa harapan nilang lahat.

"Looks like you all are busy"

"WHAT THE FUCK!!" sigaw ni Edward.
"Nagulat ka ata"
"A-A-Anong ginagawa mo dito?" takot na tanong ni Patricia.
"C'mon, do you think I'm dumb? umiikot ka lang sa palad ko Patricia"
"Nananahimik na kami bat bumalik ka pa?" seryosong tanong ni Wave sabay tayo.
"Tumatapang ka lalo ah, anong nakain mo? Si Janice ba?"
"Anong ginawa mo kay Janice?!" nakahanda na ang mga kamao ni Wave pero nakapagpigil siya nang biglang pinakita ng tao ang isang litrato.

"Kung gusto mo pa siyang makitang buhay eh sumama ka sakin, walang masasaktan kapag sumama ka sakin"
"Lubayan mo na sila, ginawa ko na rin naman na yung utos mo ah, bat kailangan pa kong masama dito?!" takot na tanong ni Patricia.

"Aww, Patricia naman, wag mo kong gawing gago, alam kong tinutulungan mo sila, wag ka ng magsisinungaling sakin, malay mo bigyan pa kita ng chance"

"Akala ko ba nakulong ka?!" tanong ni Jasper.
"Shut the fuck up, wala ka na sa usapan namin"
"Ang sama ng tabas ng dila mo ah!" galit na sinuntok ni Jasper ang tao pero di nanlaban ang tao sa halip ay tumayo ito at sinabing....

"All of you was just running on my world, I'm God you sons of bitches, there's no way you can escape my world"

Pagkatapos sabihin ng tao ito ay lumabas siya pero sumunod sa kanya sila Wave.

YOU'RE MY ONEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz