3. TASYANG

94 3 7
                                    


NATASHA

"Gulay! Gulay kayo diyan! Sariwang-sariwa, mura pa!" sigaw ko. Ibinigay ko na ang lahat ng energy ko upang makatawag pansin sa mga namimili.

"Gulay! Gulay kayo mas sariwa, mas mura! Mas maganda pa ang nagtitinda!" sigaw naman ng katapat ng stall ko na si Pinang. Kung malakas ang boses ko, mas nilakasan pa niya.

Mataray niya akong tiningnan kaya inirapan ko siya. Ang kapal ng mukha nitong sabihin mas maganda siya sa akin. Hinaharap pa lang, lamang na ako. May dalawang bundok ako, samantalang puro kapatagan ang kanya. Mas makinis lang siya sa akin dahil alagang-alaga niya ang katawan. Ako naman tamang tig-bebenteng sabon lang, siya may turok pa ng gluta habang ako panghilod lang nag gamit.

Si Pinang na yata ang tinik ng lalamunan ko. Lahat na lang ng ginagawa ko gingaya niya. Noong magtinda ako ng kakainin, nagtinda rin siya sa tapat namin. Nang magtinda ako ng gulay dito sa palengke, aba kinabukasan nagtitinda na rin.  Minsan iniisip ko nang may saltik siya dahil ayaw niya akong tatantanan kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Suki, bili na. Trenta lang ang kilo," nakangiting alok ko. Daig ko pa ang endorser ng toothpaste commercial sa ganda ng ngiti ko pero agad din naglaho ng marinig ko ang matinis na boses ni Pinang.

"Naku, manang dito ka na lang bumili. Bente-nieve lang ang isang kilo."

Ang babae naman ay lumapit sa mga paninda nito. Binigyan ako ni Pinang ng mapagyabang na tingin. Ang sarap niyang sakalin. Nangigil ako sa kanya.

"Naku, manang hindi. Dito ka sa akin bumili, twenty eight pesos at fifty centavos na lang." Kinuha ko pa ang pinakamagandang kalabasa at ipinakita sa kanya. Todo ngiti pa ako pero umepal na naman si Pinang.

"Manang, dito bente otso na lang. Wala nang butal."

"Manang, dito ka na lang bumili. Fifty-five na lang dalawang kilo." Kumuha ako ng isa pang kalabasa. Parehong kamay ko na ang may hawak na gulay na habang nakangiti ng todo. Endorser na endorser na ng kalabasa ang dating ko. 

Hindi naman ako papayag na magpatalo sa kanya at agawan ako ng suki. Kahit na pakiramdam ko lugi na ako sa ginagawa ko. Pride na ang labanan dito hindi lang benta.

"Manang, huwag kang makinig sa kanya!"

"Manang-"

"Ang gulo ninyong dalawa, sa iba na lang ako bibili," saad ng babae at lunakad na palayo.

Hinayaan ko si Pinang na babatuhin ng kalabasang hawak ko sa sobrang inis. Umakto naman ito na babatuhin ako ng talong. Sabay naming inirapan ang sarili bago bumalik sa pagtitinda.

"H'wag mo na lang siyang pansinin. Inggit lang siya sa beauty mo masyado ka kasing gifted hinaharap man o pang-upo. Tingnan mo naman siya parang kawayan na kapag hinanginan yuyuko," pag-aalo sa akin ni Gerlie. Nagtitinda rin ito ng kilay sa kalapit ko pero hindi gaya ni Pinang na lahat yata ng suki ko balak agawin.

"Nangigil na talaga ako sa babaeng iyan. Masyadong bida-bida."

"Hindi ka pa nasanay." Naiiling pa ito.

Paano ako masasanay ay daig pa nito ang anino ko. Lahat na yata ng gawin ko alam niya at ginagaya niya. Isa siyang cheap immitation ko. Pwe!

Bago ko isara ang stall ko binilang ko muna ang perang kinita ko ngayong araw. Napasimangot ako. Hindi siya kalakihan dahil ang kakompetensya ko kulang na lang ipamigay ang paninda niya basta sa kanya bumili.

Naglalakad ako pauwi, hindi pa naman masyadong madilim kaya okay lang. Hindi rin naman kalayuan ang bahay namin kaya kayang-kaya kong lakarin. Sayang ang pamasahe. Pambili na rin iyon ng gamot ni nanay.

Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon