17. TASYANG

44 4 4
                                    

“Anong plano mo?” napatingin ako kay Pinang na prenteng-prenteng nakaupo sa maliit kong sala habang may hawak na isang bowl ng chips.

Hindi ko alam sa babaeng ito pero mula nang madala ang aking ina sa ospital hanggang sa mailibing ito. Kung dati puro bangayan lang ang giangawa naming dalawa ngayon may bangayan pa rin naman pero may improvements na, medyo close na yata kami kasi feeling close na ang babaeng ito.

Heto nga siya ngayon sa bahay, feeling at home masyado.

“Anong plano?” pag-uulit kong tanong sa kanya at naupo sa isahang sopang katapat niya.

“Wala ka bang plano?”

“Hindi ko pa alam.”

Ilang araw pa lang mula nang mamatay ang aking ina. Sinusubukan ko pa lang muling magsimulang mag-isa pero sa totoo lang wala akong plano. Basta susunod na lang ako sa agos.

“Mayaman kana. Yung perang kinita mo ng gabing iyon, hindi mo ba gagamitin para magsimula. Dapat sa operasyon yun ng nanay mo pero walang mag-aakalang biglaan siyang mawawala, na hindi kana aabot pa. Kaya bakit hindi mo na lang gamitin sa ibang bagay.”

Napatingin ako sa kanya. Kung hindi niya nabanggit ang tungkol sa perang iyon hindi ko na maalala. Masyado kasi akong abala sa pag-aasikaso sa lamay at libing ni Inay kaya nawala na sa isip ko.

“Hindi ko alam kong papaano ko gagamitin ang perang iyon. Ginawa ko lamang iyon para kay Inay. Ngayon wala na ako paggagamitan sa perang iyon.”

“Ano? Wala kang balak gamitin ang pera? Pera iyon Tasyang. Pera.  Isipin mo kapag ginamit mo iyon, hindi mo na kailangang magtinda sa palengke araw-araw. Pwede kana magbuhay donya. Kaya umayos ka nga.” Pinanlalakihan pa ako ng mga mata nito na para bang sinasabing gumising ako.

“Alam ko namang pera iyon. Hindi ko naman sinabing hindi ko gagamitin, hindi ko lang alam kung papaano ko gagamitin. Hindi naman ako baliw para sayangin ang perang iyon gayong malaking bahagi ng pagkatao ko ang naging kapalit noon.”

Hindi ako mukhang pera pero hindi ko rin sasayangin ang malaking halaga na iyon. Itatabi ko na lang muna siguro, baka balang araw may biglaan akong paggamitan. Pero sa ngayon wala akong balak galawin iyon.

“Huwag mo talagang sasayangin pero kung ayaw mo talaga pwede mo naman ibigay na lang sa akin. Ako naman ang nag-offer sayo kaya milyonarya kana ngayon.” Malaki ang ngising saad nito na ikina-irap ko.

“Ikaw ba ang nawalan ng virginity? Ikaw nga ang nag-offer pero ako ang bumukaka,” bumuga ako ng hangin. “Pero nahuli pa rin ako.”

I am really sound a whore because of what I have said pero iyon naman talaga ang totoo, naging puta ako ng gabing iyon.

“Hindi ka nahuli. Siguro hanggang doon na lang talaga ang buhay ng nanay mo. Ginawa mo naman ang lahat kaya pwede ba huwag mong sisihin ang sarili mo,”pagsesermon nito na ikinangiti ko.

Kahit na minsan maldita ito at tila walang ibang gustong gawin kundi ang sirain ang araw ko dahil sa mga kaartehan niya sa buhay hindi ko inaasahang magiging karamay ko siya. Kahit na madalas para kaming aso't pusa, nagpapasalamat ako na nasa tabi ko siya ngayon para damayan ako.

“Speaking of virginity. Masarap ba? Malaki ba? Kasi nilagnat ka. Halatang-halata rin sa lakad mo pero hindi ko pinapansin dahil nagluluksa ka.”

Gusto kong tanggalin ang malisyosong ngitin sa mga labi niya. Ayos na ang usapan e, siningit pa niya iyon.

Nilagnat talaga ako noon pero hindi ko na ininda dahil sa nangyari. Kahit na masakit ang buong katawan ko kailangan kong kumilos wala akong oras para isipin ang pisikal na sakit na nararamdaman ko dahil mas nangibabaw ang sakit sa dibdib ko sa pagkawala ng nag-iisang taong karamay ko sa buhay.

Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon