11. TASYA

39 2 1
                                    

Inilibot ko ang mga mata ko sa  kwartong kinaroroonan ko ngayon. Sa labas isang malaking gusali na may malaking computer shop lang ito sa ibaba pero kapag umakyat na sa third floor nandoon na ang mga magagarang kwarto. Nasa anim na palapag ang gusali.

Nasa isang malaking kwarto ako ngayon. Tila nasa isang VIP hotel room ako ng mga oras na ito, sa chandelier pa lang na nakasabit sa gitna tila malulula na ako sa halaga kapag nalaman ko ang presyo. May malaking kama sa gitna at glass ang buong bintana na tinatakpan lang ng makapal na kurtina.

Naupo ako sa harap ng vanity mirror na nasa gilid. Pinagmasdan kong mabuti ang sarili ko. Halatang-halata ang eyebags ko marahil dahil sa ilang araw na akong puyat mula ng maospital ang aking ina. Mapula pa rin ang pisngi ko pero hindi na siya kasing maga gaya kahapon.

Nang sabihin ko kahapon kay Pinang na pumapayag na ako sa alok niya ay mabilis nitong tinawagan ang pinsan. At nang lumabas ako kanina mula sa ospital ay isang sasakyan na ang sumundo sa akin papuntang Maynila para dalahin ako sa lugar na ito.

Magara ang buong kwarto pero hindi ko maapuhap ang oras para hangaan ito dahil ito ang kwartong magiging saksi sa pagkawasak ng puri ko. Siguro para sa iba masyado akong madrama para dibdibin ng husto ang aking gagawin pero hindi kasi ako kaladkaring babae. Umabot ako sa edad kong otso na kahit holding hands hindi ko pa nararanasa tapos ngayon itatapon ko lang ang virginity ko. Alam ko naman na para sa ina ko ang lahat ng ito, mahal ko siya kaya handa akong maging madumi, mabuhay lang siya. Pero alam ko rin na kapag nalaman niya ang gagawin ko ngayon hindi siya matutuwa. Baka nga mas atakehin pa siya sa puso kung sakali. Kaya kung ano man ang mangyayari ngayon, ako at si Pinang lang ang makakaalam. Wala nang ibang pwede pang makaalam dahil kalilimutan ko rin ang lahat.

Nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong bumubukas ang pinto pero tila nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang isang babaeng pumasok doon. Akala ko oras na.

Napatayo ako at humarap sa bagong dating.  Gusto kong manliit sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Para siyang modelo na lalakad sa runaway ano man oras. Matangkad siya kumpara sa akin na tama lang ang height para sa isang Pilipina. Hindi naman maliit ang dibdib ko pero masyadong pinagpala ang nasa harapan ko. Kitang-kita rin ang maliit niyang beywang dahil sa halter crop top na suot niya habang nagmamalaki ang makinis na hita niya dahil mini skirt lang ang suot nito. Samantalang ako ay naka simpleng jeans at shirt lang na pinarisan ko ng puting sapatos na tig-three hundred. Wala rin akong kolorete sa mukha hindi gaya nito putok na putok ang blush on.

May dala itong isang itim na spaghetti minidress, ipinatong nito iyon sa ibabaw ng kama bago humarap sa akin.

"Ito ang susuutin mo mamaya, kaya maghanda kana." Tanging isang tango lang ang naging tugon ko sa kanya."By the way, I am Pamela,"matamis ang ngiting pagpapakilala nito bago naupo sa kama kalapit ng damait na dala nito at pinag-ekis ang mahahabang binti.

"H-hello, Ako si Tasya."

"I know. Pinang has already told me everything. You need money for your mom's operation, and you came to the right place. You are a virgin, and those sharks are willing to spend millions for someone like you." 

Kinilabutan ako sa sinabi niya pero hindi ako kumibo. Kapag pumapasok sa isip ko na may mga kamay na hahawak sa katawan ko parang gusto kung mag-back out pero kailangang lunukin ko lahat ng kung ano man ang mangyayari ngayong  gabi para sa aking ina. Buhay ng nanay ang kapalit nito, kaya kahit nakadidiri ang gagawin ko, titiisin ko. Wala naman akong ibang malalapitan pa, kaya kapit sa patalim ang gagawin ko.

"Isang gabi lang."

"Yes, one night and you can get money more than you need. Pero kapag nagbago ang isip mo, always welcome kang bumalik dito. Sinasabi ko sayo, sa boss pa lang natin baka tumirik na ang mga mata mo kapag nakita mo siya." May maharot na ngiting naglalaro sa mga labi nito habang nagsasalita.

"Salamat pero pagkatapos ng gabing ito, hinding-hindi na ako muling tatapak sa lugar na ito."

Wala akong pakialam sa boss na sinasabi niya dahil pagkatapos ng gabing ito sisiguraduhin kong hindi na ako babalik sa lugar na ito. Isang beses ko lang gagawin ang bagay na ito, hindi na ako uulit pa.

Ngumisi ito sa akin na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Tingnan natin. Mahirap magsalita ng tapos lalo na kung nabubuhay ka sa paraang laging kapos."

Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama. "Ihanda mo na ang sarili mo, pagkatapos maglaro ni Mr. Bernardo sa ibaba, sigurado akong pupuntahan niya rito. Siya ang kliyente mo, pagbutihin mo dahil malaki magbigay ng tip ang matandang iyon kapag nagustuhan niya ang performance mo," anito bago pakendeng-kindeng na lumabas ng kwarto.

Nanlulumong napaupo ako. Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsimulang humakbang papalapit sa damit na susuutin ko. Masyado itong maiksi pero wala akong choice.

Kinuha ko ang damit bago nagtungo sa bathroom. Parang robot na tumapat ako sa shower. Matagal na nanatili ako sa tapat ng shower na walang ginagawa kundi nakatayo lamang. Tila ayaw kumilos ng aking katawan pero kinakailangan kaya napilitan akong magsabon. Ano pa ang silbi ng paglilinis ko sa katawan ko kung madudumihan lang rin ito ng kung sino ngayong gabi.

Matapos kong maligo ay sinuot ko na ang black minidress na binigay ni Pamela. Sa sobrang iksi nito tila makikita na ang pisngi ng mga pigi ko kapag humakbang ako dahil medyo tumataas ito. Masayado ring mababa ang neckline nito. Masyadong kapos sa tela ang damit. Kahit anong pilit ko na hilahin pababa ay hindi talaga nito matakpan kahit kalahati man lang ng hita ko.

Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding, alas otso na ng gabi. Ano mang oras ay darating na ang lalaking kukuha ng puri ko. Muling bumalik ang tambol sa dibdib ko, mas malakas kaysa kanina. Pakiramdam ko naririnig ko na ang pintig ng puso ko. Nanginginig rin ang kamay ko ng hawakan ko ang suklay para suklayin ang buhok ko.

Napabuga ako ng hangin. " Isang gabi lang ito, Tash. Isang gabi lang," paulit-ulit na bulong ko sa sarili ko. "Hindi lang naman ikaw ang gumagawa ng ganitong bagay kaya huwag ka nang mag-inarte. Lunukin mo na lang hanggat kaya mo." Parang tanga na pinapagalitan ko ang sarili ko para lang kumalma ako.

Bakit sa iba napakadaling gawin ang bagay na ito? Pero bakit ako, kahit alam kong para sa ina ko kaya ko ito ginagawa ay naduduwag pa rin ako.

Hinihiling ko na sana huwag na rin dumating si Mr. Bernardo na siyang magiging kliyente ko raw sabi ni Pamela pero kapag hindi ito dumating masasayang ang lahat at hindi ko maipapaopera si nanay.

Nang marinig kong nag-click ang pintuan ay mahigpit na napakapit ako sa mesang naharapan ko. Mariin ding akong napapikit bago muling humugot ng isang malalim na hininga mula sa dibdib ko. Pero nang imulat ko ang aking mga mata ay wala akong makita. Madilim na ang buong paligid. Bigla akong napatayo dahilan para tumunog ng malakas ang bangkong kinauupuan ko.

Napakagat ako sa labi ko nang marinig ko ang yabag na papalapit sa akin. Daig ko pa ang bibitayin sa mga oras na ito.

Napasighap ako ng bigla niyang hiklatin ang beywang ko para mapalapit sa kanya. Napahawak ako sa dibdib niya dahil sa sobrang gulat, matigas. Parang mga bakal naman ang isang braso nitong nakayakap sa beywang ko habang ang isa ay mabilis na naglumikot sa katawan ko. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit na tila gusto kong mangatal dahil sa ginagawa niya. Masyado namang mabilis ang matandang ito. Wala man lang seremonyas.

Tumaas ang balahibo ko sa batok nang maramdaman kong inaamoy niya ang buhok ko. Mariin akong napapikit nang dumampi ang mga labi niya sa leeg ko. 

"Finally."

Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon