7. TASYANG

94 3 0
                                    


NATASHA

Pagkagaling ko sa bahay ng mga Suarez ay dumiretso ako sa ospital.

Gising na si nanay. Pinilit kong pasiglahin ang aking mukha bago lumapit sa kanya. Alam ko nakapag nakita niya akong tila stress ay mas mag-aalala pa siya sa akin kesa sa kalagayan niya ngayon.

"'Nay, kumusta ang pakiramdam ninyo?" Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang umupo.

"Ayos na ako, anak. Napagod lang siguro akong masyado kahapon kaya bumagsak ako," sagot nito pero ramdam ko na nahihirapan itong magsalita. Tila kinakapos ito ng paghinga.

"Nay, hindi tayo lalabas hangga't hindi kayo magaling. Bakit hindi n'yo sinabi sa akin na may nararamdam na pala kayo?"

Hindi ko naman siya sinisisi pero paano kung may nangyaring masama sa kanya? Paano kung hindi lang simpleng pagkawala ng malay ang nangyari sa kanya?

"Tasyang, huwag mo na akong alalahanin. Ilabas mo na agad ako. Masyadong mahal kapag nanatili pa ako dito."

Umiling ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya ilalabas ng ospital hangga't hindi ko nasisisguro na maayos na ang kalagayan niya. May pera na kaming pambayad kaya  hindi na siya dapat pang mag-alala.

"Nay, hindi kayo lalabas dito hangga't hindi ko nasisiguro na ligtas na kayo. Kung nag-aalala kayo sa bayarin, huwag na kayong mag-alala. Ako na ang bahala.

"Pero anak maayos naman na ang pakiramdam ko," giit nito.

Tiningnan ko siyang mabuti. Mukha lang siyang ayos tingnan pero rinig ko ang hingal niya tuwing nagsasalita siya. Alam kong gusto lang niyang sabihi  at ipakita sa akin na okay na siya para hindi na ako mag-alala pero ang totoo nahihirapan siya.

"Nay, huwag na kayong makulit. Alam kong alam n'yo ang kalagayan ninyo. H'wag kayong mag-alala, pagkatapos ng operasyon ninyo. Ilalabas ko agad kayo dito." Tumayo ako at inayos ang kumot niya.

"Pasensya kana sa akin. Pasensya kana kong naging pasanin mo ako. Patawarin mo si nanay kong naging mahina siya noon at kung problema na naman ang dala ko ngayon," naiiyak na saad nito.

Naupo ako sa gilid ng kama niya at hinawakan ko ang isang kamay niya.

"'Nay hindi kayo problema. Hindi n'yo naman kasalanan na nagkasakit kayo. Kaya tatagan n'yo ang loob. Hindi ba sabi n'yo gusto n'yo pa akong makitang ikakasal." Sinubukan kong magbiro sa huling sinabi ko para pagaanin ang nararamdaman niya.

"Paano ka ikakasal? Bente otso kana pero hindi ka pa nagkaka-nobyo. Masyado kang mapili."

Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Hindi ako mapili ayaw ko lang na masaktan gaya nila ni Lola kaya kusa ko nang inilalayo ang sarili ko sa mga lalaking lumalapit sa akin. Sakit lang sila sa ulo at puso. Wala silang magandang dulot para sa akin.

"Saka n'yo na isipin ang lovelife ko. Magpagaling muna kayo. Kaya huwag na kayong makulit at magpahinga na lang muna kayo."

Nakatingin lang ito sa bawat kilos ko pero hindi na ito nagsalita pang muli. Napipilitang ipinikit nito ang mata para magpahinga.

Nang makita kong payapa na ang paghinga ni nanay ay tumayo ako. Susubukan kong magtinda pa rin ngayong araw. May pambayad na kami sa operasyon niya pero alam ko na kailangan pa rin namin ng pera para sa ibang gastuhin kaya kailangan ko pa ring kumita kahit papaano. Gusto ko mang bantayan na lang siya pero hindi pwede.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Ninang Malou bago ko pa maihakbang ang aking paa patungo sa pinto.

"Kumusta na siya?" mahinang tanong nito sa akin. Nag-aalalang maantala ang tulog ni nanay kapag nilakasan nito ang boses.

Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon