25. TASYA

38 3 1
                                    

"Salamat sa almusal," saad ko ng matapos kaming kumain.

Nabusog ako. Sa dami ba naman ng dala niyang pagkain. Pero mabuti na lang feel na feel kung kumain ngayon, pakiramdam ko nga palagi akong gutom at nanghihina. Hindi kaya may sakit ako?

"Teka, ako na," pigil ko sa kan'ya ng simulan na niyang ligpitin ang pinagkainan namin.

Nakakahiya na ng sobra sa kan'ya. Nagdala na nga siya ng pagkain tapos siya pa maghuhugas. Baka isipin naman niya, inaalila ko na siya.

Mabilis akong tumayo at niligpit ang pinagkainan namin. Ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin. Gusto kong mailang sa mga titig niya, pakiramdam ko kasi nanunuot iyon sa mga kalamanan ko. Hindi ko na lang sinalubong ang tingin niya para hindi magtama ang mga mata namin.

Bakit ba siya ganyan makatitig? 

"Wala ka bang trabaho?" hindi ko na mapigilang itanong sa kan'ya. Nanatili kasi siyang nakaupo sa pwesto niya kanina pa mula ng kumain kami. Pero ramdam ko ang mga titig niya mula sa likod ko habang naghugugas ako.

"My boss can understand," balewalang sagot nito.

Tumaas ang kilay ko dahil sa sagot niya. "Boss?"

Akala ko boss siya kasi kung may ganitong oras dapat nasa work na siya. Maliban na lang kung boss siya na pwede pumunta anywhere, everytime he wants.

Tumingin ako sa kan'ya. Naka-khaki short lang ito, puting plain shirt at tsinelas. Normal lang ang suot nito pero pakiramdam ko, hindi lang siya normal na empleyado. Napatingin ako sa relong suot niya. Rolex. Masyadong mahal ang relong iyon para ma-afford ng isang normal na empleyado. Kahit na casual lang ang suot niya, unang tingin pa lang mahahalata na agad na maykaya siya sa buhay.

"You can stare me the whole day, I won't mind."

Idadagdag pa ang tatas niya mag-English. He sounds expensive kapag nag-eenglish siya. Parang normal na normal na lang sa kanya ang magsalita ng wikang banyaga.

"Pwede magtanong?" Tumaas ang isang kilay nito na ibig sabihin ay kung ano ang itatanong ko. "Anong trabaho mo?"

"Driver slash assistant?"

"Ginagago mo ba ako?"

"Stop cursing, woman."

Sinamaan ko siya ng tingin.  "'Yong totoo kasi."

" I am telling the truth."

" Sige kunwari naniniwala ako," saad ko na lang at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan.

Kung ayaw niya sabihin sa akin ang totoo, hindi ko siya pipilitin pero hindi ibig sabihin na naniniwala ako sa sinasabi niya. Hindi naman siya mukhang mahirap. Kutis pa lang niya, halatang laki sa yaman na. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya aminin sa akin ang totoo pero hahayaan ko na lang siya.

May driver bang ganyan ka gwapo? Kung assistant naman siya, bakit nandito siya sa bahay ko ng mga ganitong oras? Hindi ba talaga mahigpit amo niya? Baliw lang maniniwala sa sinasabi niya.

"Hindi ka ba busy?" tanong ko. Tapos na ako maghugas pero hindi pa rin siya gumagalaw sa pwesto niya.

Ikiniling nito ang ulo bago nakangising tumingin sa akin. Tila napipilitang tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Okay, I'll go. Mukhang kanina mo pa ako gustong paalisin."

Binigyan ko siya ng pekeng ngiti na alam kong mahahalata niya. "Hindi naman," tanggi ko. Kahit na sa totoo lang kanina ko pa siya gustong mawala sa paligid ko. Naiilang na talaga ako sa lantaran niyang paninitig sa akin. 

Baka mamaya niyan mabighanin na siya sa ganda.

" Take care. Eat on time," saad nito bago dire-diretsong nagtungo sa pintuan para umalis.

Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon