23. TASYA

39 3 4
                                    

Gabi na. Buti na lang at nawala ang pagkahilo ko matapos kong kumain ng almusal. Salamat rin kay Poldo kahit na parang ang weird niya kanina. O baka nasanay lang ako sa unang impresyon ko sa kanya na pasaway siya kaya nabigla ako ng makita ang seryosong mukha niya. 

Hindi ko naman alam ang ikinagagalit niya kaya, wala na akong pakialam doon kahit pa curious ako. Ayoko naman magtanong, baka mamaya isipin pa niya tsismosa ako.

Nakarating ako sa may amin na walang bumubuntot na Anton. Siguro nga tatantanan na ako noon matapos ang nangyari kagabi. Siguro nga tama si Poldo, kailangan ko lang magpakita dito na may boyfriend na ako para tantanan na ako. Pero tama bang halikan ako paralang ipamukha kay Anton naboyfriend ko siya kuno? Kapag naalala ko tuloy iyon bumabalik ang inis ko.

Pagliko ko sa huling kanto bago makarating sa bahay ay nakita ko ang grupo ni Kaloy. Nasa pwesto na naman nila ang mga ito.

"Hi, Tasyang!"masayang bati sa akin ni Kaloy ng mapadaan ako sa lugar kung saan madalas sila nakatambay. Gaya ng dati, tumutuma na naman sila. Ang titibay talaga ng mga baga ng mga ito.

"Inabot na yata kayo ng gabi pag-iinom a," nakangiting saad ko. Pero mga mukhang hindi pa sila tinatablan ng alak. Kungsabagay parang tubig na lang ang alak para sa mga ito.

"Kasisimula pa lang namin. May trabaho kasi kami sa umaga kaya, busy na kami." NAsa tono ni Kaloy ang pagmamalaki. Mabuti naman kung ganoon.

"Talaga?"

"Oo, sa malaking bahay sa kabilang barangay. Iyong sinasabing hunted house kasi walang nakatira. Bumalik na ang may-ari at kami ang kinuha para mag-ayos at maglinis doon," paliwanag ni Berting bago sumubo ng sitserya.

"Mabuti naman ng mabawasan na ang tambay dito sa kanto," biglang saad ng boses mula sa likod ko. Si Pinang na may dalang plastic bag ang nakita ko ng lumingon ako. Bigla na lang itong sumusulpot.

"Ayaw mo bang makita ang gwapo kong mukha palagi? Kunwari ka pa alam ko namang crush mo ako," pang-aasar ni Berting Kay Pinang na ikinaasim ng mukha ng huli.

"Yak! Mahiya ka nga sa taba mo. Hindi ikaw ang tipo ko, hindi ako mahilig sa malangis na tao." Umirap pa ito sa lalaki. TIla napikon agad ito sa pang-aasar ni Berting.

"Choosy mo, ganda ka?" Nagtawanan ang grupo ni Berting sa sinabi niya.

"Oo, maganda talaga ako," palabang sagot ni Pinang. Kung ayaw ang usapan alam kong hindi ito papatalo, proven and tested ko na iyon. Palengkera pa naman ito. "Eh ikaw? Ano ba maipagmamalaki mo maliban diyan sa tiyan mo na sigurado akong alak lang ang laman?"

"Mauna na kami. Nagkakainitan na tayo dito. Enjoy kayo guys, bye!" paalam ko. Humihingi ng paumanhing tumingin muna ako kay Berting bago hinila ko na si Pinang palayo. AYaw pa nitong magpahila kaya pwenersa ko na. May balakpa yata talagang makipag-away ang loka.

"Akala niya, hindi ko siya papatulan," nanggagalaiti pa ring saad ni Pinang habang naglalakad kami.

Binitiwan ko ang braso niya. "Bawasan mo nga ang talas niyang dila mo. Napapasobra na minsan."

Umirap lang ito. Attitude talaga. "Kinuwestiyon niya ang kagandahan ko. Aba, hindi ako gumagastos ng malaki para sa skin care ko para lang malait 'no."

Naiiling na lang ako. Nauna naman talaga ito. Tapos below the belt pa ang mga sinabi, buti nalang hindi dinibdib ni Berting kundi baka nasapak na siya noon. Ang laki pa naman ng kamay ni Berting baka isang sapak lang kay Pinang tulog ito.

"Kahit na. Minsan subukan mo umiwas na lang, kaso minsan palagi kang parang nag-aamok ng away. Ako sanay na ako sa kamalditahan mo at diyan sa talas ng dila mo pero paano kong hindi makapagpigil sayo ang tinatarayan mo? Baka umuwi kang mata lang walang pasa."

Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon