5. TASYA

84 5 1
                                    

NATASHA

Maaga akong gumising at gumayak. Kahit na hindi ko alam ang kahihinatnan ng gagawin ko, susubukan ko. Wala namang masama, ginagawa ko lang naman ito para kay nanay. Hindi ko namuna iisipin pa ang pride ko. Minsan kailangan nating kalimutan kung ano man ang pride na meron tayo para sa taong mahal natin at iyon ang gagawin ko ngayon.

Mabilis naman akong nakarating sa bahay ng mga Suarez. Isa ang pamilya nila sa tinitingala dito sa San Vicente. Malaki ang bahay nila o tamang sabihing mansyon. Mapapatingin ka talaga kapag dumaan ka sa harapan nito dahil labas pa lang ay makikita na ang karangyaan. Mula sa mataas na gate na bakal hanggang sa mga nagtataasang pader, masasabi na agad na makapangyarihan ang nakatira dito.

Bumuga muna ako ng hangin sa bibig ko bago lakas loob na pinindot ang doorbell. Hindi ito ang unang beses na nagtungo ako dito pero kahit kailan hindi pa ako nakakapasok kahit sa gate man lang. Sa madaling salita hindi ako welcome.

"Anong kailangan n'yo ma'am?" tanong ng gwardiya na nakasilip sa siwang ng gate.

"Andyan po ba si Mr. Minandro Suarez? Pwede ko po ba siyang makausap?" tanong ko habang nakahawak sa gate na bakal. Ang tinutukoy ko ay ang aking ama. Ama na kahit minsan hindi ako tinuring na anak.

"Opo, sandali lang. Ipapaalam ko lang sa kanya. Ano po bang pangalan ninyo?"

Mahigpit akong napakapit sa strap ng bag na dala ko bago sumagot, "Nastasha po. Natsaha Dimaranan."

Ini-radyo nito ang pagdating ko. Medyo malayo kasi kung pupunta pa siya sa bahay dahil may pathway pa bago makarating sa main house

"Sir, may naghahanap po sa inyo," pag-iinporma nito. Tiningnan muna ako nito bago nagpatuloy. "Natasha Dimaranan po ang pangalan, papasukin ko po ba?"

"No! Don't let her in!" malakas na boses mula sa radyo. Maging ang gwardiya ay inilayo ang hawak na device sa kanya. Hindi si Minandro Suarez ang sumagot kundi ang galit na boses ng isang babae. At kung hindi ako nagkakamali ang asawa niya ito. Si Maltida este Matilda.

"Manong, papasukin n'yo naman ako. Pakiusap mahalaga lang ang sadya ko." Pinagsaklop ko ang mga kamay sa harapan nito habang nagmamakaawa. Ayokong ibaba ang sarili ko pero handa akong lunukin ang pride ko para sa aking ina.

Napakamot ito sa ulo. "Pasensya na ma'am. Hindi pwede, baka ako ang malintikan kapag hinyaan kita. Narinig n'yo naman ang sinabi ni Ma'am Matilda."

Ano pa ba ang aasahan ko? Bakit kasi pumarito pa ako? Nagbabaka sakali lang naman ako. Wala na akong ibang maisip na malapitan, sila lang ang alam ko na kaya akong pahiramin ng halagang kailangan ko.

Paalis na sana ako ng biglang lumabas ang isang babaeng akala mo ay reyna kung maglakad. Halatang-halata ang botox sa mukha nito. Maarte ang bawat hakbang nito.

"You really have the guts to come here?" ani ni Matilda na marteng lumalakad papalapit ng gate. Kasunod nito ang anak na babae, si Mikaela. Masama ang tingin binabato nila sa akin. Tila malayo palang ang mga ito pero galit na galit na. Well, matagal naman na silang may galit sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama.

"I need to talk to my father." Matatag na saad ko. Gusto kong masuka sa sinabi ko. 'My father', pwe! He doesn't deserve that title, but I have no choice.

"He is not your father. I am his only daughter!"

Hindi ko ito pinansin. Bakit ginusto ko bang maging anak ng tatay niya para ipagdamot niya ito? Kahit isaksak niya sa lalamunan niya ang tatay niya wala akong pakialam. kanyang-kanya na.

"Father? Hanggang kailan mo ba ipagpipilitan na anak ka ng asawa ko? Kahit kailan hindi ka mapapabilang sa pamilya namin kaya umalis kana!" pagtataboy nito habang nakaturo ang isang daliri sa kanang direksyon.

Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon