21. POLDO

39 3 1
                                    

Bahagya kong iginalaw ang panga ko habang nakatingin sa papalayong bulto ni Natasha. Hindi ko alam na mabigat palang masyado ang kamay niya. Buti na lang hindi dumugo ang ilong ko sa lakas ng suntok niya pero sigurado akong magkakapasa ito. Pakiramdam ko umuga ang panga ko sa lakas ng suntok niya. Hindi pa kami mag-asawa, battered husband na agad ako.

I waited for her for two hours to watch her while she was going home. It has become my routine since the first day I came back here in San Vicente. I was always busy watching her from afar.

I really have no plan to kiss her, but when I smelled her natural scent, I couldn't resist snatching her lips. She's so fucking addictive. I am addicted to her. Her lips are enough to make me go crazy. She has no idea.

I am trying to think of a way to approach her; that's why I keep on buying vegetables from her, but that bastard pissed me off. How can he disturb my girl? Natasha was obviously trying to shoo him away, but he kept on following her, which is why I interfered, but my entrance made her angry. Well, I did not regret that I kissed her. I know it was wrong, but her lips felt so right. I kissed her in front of him to mark her. For him to know that he should not touch what is mine.

I came back to my car and still keep following Natasha discreetly. Even if she rejects my offer to bring her home and tells me to stop following her, I will not do that. There are lots of bastards roaming around, and she is a temptation.

I got her attention today. Maybe she is angry with me now, but I know I got her attention, and I will not stop until I get not only her attention but her. She is the reason why I am here in San Vicente. I have looked for her for years, and I will not waste my time trying to get her. She'll be mine soon. I swear. No one can stop me.

Nang makita ko siyang pumasok na sa eskinita ay hindi pa rin ako umalis. Nakatigil ang kotse ko at tinatanaw siya. I always want to make sure that she is safe when she got home. 

She looked tired. I know that she is still mourning for her mother's death. She may act strong, but I know losing someone you love is a pain that lingers for a long time. She is alone now, for now. But I will make sure that someday she will not be alone because I will always be here for her. It may sound cheesy, and even I am not used to it, but when it comes to Natasha, my good side always appears.

I'm not a good guy. I've done a lot of wrong things, and I hope she can accept me.

I played a lot, I hurt a lot, and now I am ready to chase the first girl who caught my attention since the first time I saw her many years ago. Her smile at that time was already tattooed in my mind. If she is my repentance for all of my sins, I am willing to kneel. That's how crazy I am for her. And I will not allow anyone to ruin my plans.

Before I started the engine to go home, I saw Kaloy's group. A smile crept on my lips. I could use that man. He knows Natasha. And if my memory is right, he likes her. He said that when we met in the plaza before. As if he has a chance. If he is close to Natasha, I need to make friends with him also.

Make your enemy closer and use him to reach your goals. That's one of my mottos.

Instead of starting the engine. I went out of my car and came close with Kaloy and his friends.

"Oh, pekeng forenjer, anong ginagawa mo dito?" bungad sa akin ni Kaloy ng makita ako.

"May inutos lang si boss. Tapos nakita ko kayo," pagdadahilan ko.

Nakaupo sila ngayon sa isang maliit na mesa sa labas ng isang maliit na tindahan. May nakalagay na rin na isang bote ng alak sa gitna nila. Normal na tambay sa kanto ang dating nila.

"Ganoon ba? Nagmamadali ka ba?" tanong naman ni Patrick bago tumungga sa isang maliit na baso.

"Hindi naman."

Bigla akong hinila ni Berting paupo sa kalapit niya kaya napaupo ako.

"Tagay ka muna," alok ni Kaloy at iniabot sa akin ang isang maliit na basong may lamang alak. Kung hindi ako nagkakamali, Gin ang laman noon.

Walang choice na tinanggap ko ang alak at diretsong ininom. Kailangan kong makuha ang loob nila kaya hindi ako pwedeng tumanggi.

"Akala talaga namin rich forenjer ka. Peke ka naman pala. Na-scam mo kami," himutok ni Berting bago sumubo ng mani.

Napapansin ko na napapatingin din sa gawi namin ang ibang dumaraan. Gabi na pero medyo matao pa rin sa lugar nila. 

"Nasanay lang ako magsalita ng english dahil Inglisero ang dati kong boss," paliwanag ko.

"Pero tisoy ka," ani ni Patrick bago uminom ng tagay niya.

"Oo nga, kaya nga akala namin ikaw ang boss namin."

"Nagtatrabaho kasi sa club ang nanay ko, Nabuntis ng imported niyang parokyano." Siguro kung malalaman ng ina ko ang mga pinagsasabi ko ngayon may batok na ako.

"Kaya pala. Kapag Filipina talaga ang nalahian ng ibang lahi maganda o gwapo resulta."

Ngumiti lang ako sa turan ni Patrick. Totoo namang may  lahi ang tatay ko. Lahing demonyo, kaya nga doon ako nagmana.

" May girlfriend kana ba?"

Biglang binatukan ni Kaloy si Berting dahil sa tanong niya sa akin. " Bobo ka talaga, hindi mo ba naaalala may asawa na nga siya di ba? Sinabi niya iyon dati."

"Bakit ka nambabatok. Paano kong mabobo lalo ako?"

"Itagay n'yo 'yan. Nag-aaway pa kayo pareho naman mahina ulo n'yo," saway ni Patrick at sabay na pinatagay ang dalawa na mabilis namang tinaggap ng mga ito. Mukhang kapag alak ang usapan walang sino man sa mga ito ang may balak na tumanggi.

"Teka, nahanap mo na ba ang asawa mo?"

Tumango ako, " Yes, but she is still angry to me. I still need to coax her."

"Ano raw?" narinig kong bulong ni Berting kay Kaloy.

"Angry lang naintindihan ko kaya huwag mo akong tanungin," sagot naman ng huli.

"Wow, Pogi!" sabay-sabay kaming napalingon ng biglang may sumigaw at isang babae ang lumapit sa amin. "Kaloy, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na nagbalik na pala ang future ko."

"May asawa na raw siya Pinang  kaya huwag mo nang landiin pa," saway dito ni Kaloy.

"Asawa? Talaga?" may mapanuyang ngiti sa labi nito dahilan para tingnan ko ng masama pero tila baliwala lang dito.

"Oo, kaya wala ka ng pag-asa mukhang patay na patay sa asawa niya itong si pareng Poldo e," ani ni Kaloy at inakbayan pa ako.

"Ganoon ba? Alam ba ng asawa mo na nakikipag-inuman ka sa mga tambay na iyan?"

"Ano naman masama kong makipag-inuman siya sa amin?" sikmat ni Berting.

"Para kasing takusa si Pogi. Baka kapag nalaman ng asawa niya na nag-iinom siya ma out of the kulambo siya."

" Maganda ba iyang asawa mo at tiklop ka brader?" singit ni Patrick.

"Mas maganda ako."

Sabay sabay na tumingi ang tatlo kay Pinang na parang hindi makapaniwala. Sabay sabay ding tumayo ang mga ito at nagsimulang umalis.

"Mauna na kami, Poldo. May bagyong dumating, lumikas kana rin," paalam ni Kaloy at talagang iniwan nila ako.

Nakita kong napasimangot si Pinang at hinayaan ng suntok ang tatlong papaalis. Tila asar na asar ito sa iniakto ng tatlong kolokoy.

"I'll go ahead too."

Iniwan na ako ng mga kasama ko kaya tumayo na rin ako.

"Ang gwapo mong stalker," komento ni Pinang bago ako makaalis na ikinangisi ko lang.

Gwapo talaga ako. Hindi ko itatanggi iyon.



Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon