24. TASYA

30 3 0
                                    

Kulang na lang ay ibato ko ang alarm clock na nasatabi ng kama ko dahil sa paulit-ulit na pagtunog nito. Hindi naman ako puyat pero pakiramdam ko antok na antok ako. Tinatamad rin akong bumangon kahit na alam kong kailangan ko nang bumangon dahil maagap pa akong magtutungo sa palengke. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko. Tinatamad akong kumilos kahit dapat sa mga oras na ito ay nakapaligo na ako.

Pinilit kong bumangon pero muli kong ibinagsak ang katawan ko sa maliit kong kama. Wala naman akong sakit pero parang hinang-hina ako. Tamad day ko ba ngayon?

Parang gusto ko na lang humilata sa kama buong araw. Kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko na bumangon. Sayang din ang kikitain ko ngayong araw pero dahil pakiramdam ko talaga ay tinatamad akong kumilos pagbiibigyan ko na lang ang katawan ko.

Muli kong pinikit ang aking mga mata. Inaantok pa talaga ako. Daig ko pa ang napuyat ng husto kagabi. Hindi ko naman ito nararamdaman dati, ngayon lang talaga.

Pakiramdam ko napakasarap humiga lang.  Hindi ko namalayan na muli na akong ginapo ng antok.

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan. Kung sino man ang kumatok ay parang kulang na lang ay gustong sirain ang pinto ko. Kung kanina nagising ako sa walang tigil na alarm, ngayon naman ay sa walang humpay na katok. 

Pupungas-pungas na bumangon ako. Maliwanag na sa labas, kitang-kita ko na ang mataas na araw mula sa bintana. 

Isang nag-aalalang gwapong mukha ang bumungad sa akin ng buksan ko ang pinto. 

"Are you okay?" bakas sa mata nito ang pag-aalala habang nakatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang bahay ko?"

" I asked your friend."

Friend? Sino si Pinang? Siya lang naman ang natatandaan kong close sa akin nitong mga nakaraang araw.

"May kailangan ka ba?" Bakit bigla na lang siyang sumusulpot sa harap ng bahay ko ng ganito kaaga? Tapos makakatok pa siya akala mo may emergency at gusto nang sirain ang pinto sa lakas ng katok niya.

Bigla akong na-concious ng hawiin niya ng marahan ang buhok na kumakalat sa mukha ko kaya napalayo ako sa kanya at mabilis na sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung bakit na concious ako bigla. Sanay naman akong makita ng mga kapit bahay namin na bagong gising pero hindi ko naman kasi kapit bahay ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Magulo pa ang buhok ko, siguro para pa akong bruha sa harapan niya kanina kaya nagkusa na itong ayusin sana. Pinahid ko rin ang mga mata ko at baka may morning star pa ako. Hindi ko naman kasi inaasahan na siya ang mapagbubuksan ko kaya wala akong pakiaalam sa hitsura ko kanina.

"Can I get in?" tanong nito. Nakita kong gumalaw ang panga niya habang nakatingin sa akin. Ano na naman ba ang problema nito.

"Teka?! Bakit ka papasok?" Hindi naman sa masama ang ugali ko para hindi siya papasukin pero bakit siya papasok sa bahay ko? Una, hindi naman kami close. Bumili lang siya ng gulay sa akin ng ilang beses, nagpanggap na boyfriend ko sa harap ni Anton, pinagbuhat ako ng gulay hkahit hindi ko naman hinihingi ang tulong niya at binigyan ako pagkain kahapon dahil nahilo ako kasi nakalimutan kong mag-almusal pero hindi kami close.

Hindi ito nagsalita at lumakad pahakbang papalapit sa akin kaya napaatras ako. Dahil nabitawan ko ang pinto ay nakapasok siya. Nakita ko kung paano niya inilibot ang kanyang mga mata sa paligid. 

"Teka, bakit ka ba pumasok? Hindi naman kita pinapapasok ah!" pagtataray ko sa kanya habang nakapameywang akong nakatingin sa kanya. Tuluyan ng nawala ng antok ko.

Muling gumalaw ang mga panga nito. Galit na naman ba ito? Siya pa may ganang magalit, siya na nga itong trespassing.

"Change."

Dargan Series 5: Poldo is RichTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon