Childhood Sweetheart 2

8.1K 193 37
                                    

Hawak kamay sila ng kaibigan niya papuntang canteen. Ngiti-ngiti pa sila lalo na 'nung kwinento niya ang nangyari kaninang umaga.

"Sana all! Pero kung magjowa na kayo sabihan mo si Jake na kami na." Kinikilig na saad ni Gabbi.

Napangisi na lang siya.

Narinig niya ang impit na tili ni Gabbi ng humarang si Jake at Mark sa dinaraanan nila. Si Alexa ay halos mapiga na ang braso biya sa tindi ng pagkakapit nito sa pagpipigil ng kilig ng makita si Mark.

"Char, pinapatawag ka ng jowa mo." Sabi ni Jake.

"Ha?"

"Pumunta ka na sa garden, nandoon siya naghihintay. Bilis."

Kahit nagtataka ay tumakbo na siya papuntang garden, narinig pa niya ang panunukso ng dalawa niyang kaibigan.

Sinong jowa? Si Long ba? Ay, syempre, wala naman siyang ibang crush.

Pero ano daw? Jowa? Jowa na siya ni Long?

"Hello, bebe Char." Ngising bungad ni Long sa ilalim ng puno.

May dalawang chuckie na nakapalag at dalawang fudgee bar.

D-date ba 'to?

"Upo ka." Sabi nito sabay tapik sa tabi nito.

Napahawak siya sa blusa niya at mahigpit ang kapit doon. Doon niya nilabas ang tinataging kilig.

"Bebe mo 'ko?"

"Oo, kasi jowa na kita."

Napatikwas ang isang kilay niya. Pero talaga ba? Hindi talaga siya nananaginip? Totoong jowa na niya si Long?

"K-kailan pa?"

"Anong kailan pa? Basta jowa na kita. Ayaw mo ba?"

"Gusto."

"'Yun naman pala, eh. Upo ka sa tabi ko, bebe Char."

Pabebe naman siyang umupo sa tabi nito.

Nakangiting inabot sa kanya ni Long ang Chuckie.

"Oh, Chuckie kasi kamukha mo si Chucky."

Sa unang araw nilang magjowa ni Long ay nasapak niya ito.






"Happy birthday, bebe!" Maligayang bati niya rito.

Sa ika-trese nitong kaarawan ay ang ikalima naman nilang monthsarry. Bumili talaga siya ng choco tops tsaka nilagyan niya ng maliit na kandila para isurpresa si Long.

Nakita niya ang pagpula ng pisngi nito. Mukhang hindi inasahan ang surpresa niya.

"S-salamat, bebe Char. Sana magtagal pa tayo." Sabi nito sabay halik sa pisngi niya.

Napasinghap siya sa ginawa nito. Iyon kasi ang unang beses na hinalikan siya nito sa pisngi.

"L-long..."

"Lab yu, bebe. Stay strong sa 'tin." Sabi ni Long sabay ang pag-blow nito sa kandila.

Yes, stay strong nga sa kanila.


"Bakit palagi ka atang wala?"

Sinubukan niyang itago ang inis sa bebe niya. Mag-aanim na buwan na sila bukas pero mukhang nasa bingit naman ang relasyon nila.

Simula ng paalis-alis ang ate ni Long dahil sinasama ito ni Kuya Harvie na boarder nito ay may kumukuha rin kay Long na mga tauhan kuno ni Kuya Harvie. Mayaman nga ang lalaki, iyon rin ang fahilan kung bakit unti-unting umangat ang pamumuhay nila ni Long.

Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon