"Char, salamat sa pag-punta, ha?"
Nakangiting tumango siya kahit mahilo-hilo na ang paligid. Napainom siya ng kunti dahil na rin nagkakasiyahan sila kasama pa ang ibang kababata sa Gondo. Completo lahat maliban na lang kay Long.
"Naku, ako dapat magpasalamat, Jake. Happy Birthday ulit."
Namumula ang pisngi niya sa kalasingan. Ayaw na sana niyang tumanggap pa ng inumin pero nagkakatuwaan pa kasi ang iba, ayaw niyang maging kill joy.
"Oy, lasing na si Char. Tanungin nga natin tungkol sa kanila ni Long."
Agad na pinaulanan siya ng mga ito ng tukso habang siya ay natawa lang at napailing.
"Nagkabalikan na kayo, 'no?" Tukso pa ng kapatid ni Sharmaine na si Chariz.
Natatawang umiling siya saka tinaggap ang basing inabot nito. Hindi na siya napapangiwi sa lasa dahil lasing na nga siya.
"Talaga? Hindi pa kayo nagkabalikan?" Jake asked hopefully.
"Kung ganoon may pag-asa pa kami?" Tanong ni Mark.
"Naku, ang haba talaga ng buhok mo Melchara Akino. Dati ka sigurong bayani." Tukso ni Gabbi pero halatabang pait sa mukha nito. Hanggang ngayon ay may gusto pa rin kay Jake.
"Oo, siya ang reincarnation ni Melchora Aquino. Haist, sana all na lang talaga pinag-aagawan." Pagpaparinig ni Yumi.
"Palibhasa ikaw ang mang-aagaw." Pambabara ni Diren dito.
Napailing na lang siya.
"Inaantok ka na ba Char? Gusto mong ihatid kita sa inyo?" Jake asked politely.
Napatingin siya sa orasan sa bahay nila Jake. Malapit na palang mag-alas diyes. Kailangan na niyang umuwi.
Tumayo siya pero muling napaupo dahil sa hilo.
"Oh, dahan-dahan, Char."
"Uuwi na ako." Sabi niya at muling tumayo.
Inalalayan siya ni Jake palabas ng bahay. Hawak nito ang bewang at balikat niya para hindi siya mapasubsob sa lupa.
"Melchar, pwede ka namang matulog sa kwarto ko." Sabi ni Jake.
"At bakit naman siya matutulog sa kwarto mo?"
Tila nawala ang kalasingan niya ng marinig niya ang boses na 'yun.
Si Long!
Nakakunot ang noo nito't nakapamulsa. Hindi niya alam kung kakarating lang nito o kanina pa ito nandito sa labas.
"L-long.."
Bakit ba siya natatakot? Para siyang nahuli ng jowa kahit hindi naman.
Napatikhim siya at lumingon kay Jake.
"H-happy birthday ulit, Jake. Salamat sa pag-imbita. Una na ako." Paalam niya at nagsimulang maglakad para hindi na ito magpumilit na ihatid siya.
Hindi pa man siya nakakalayo ay naramdaman niya ang pag-angat ng paa niya sa ere. Kinarga siya ni Long na tila isang sako ng bigas.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Melchara."
She just groaned and closed her eyes.
"Putangina mo, Long." She muttered.
Hindi umimik ang binata.
Nagtubig ang mata niya at napahikbi.
"Sana hindi mo na lang ako jinowa dati. Nag-i-enjoy na sana ako sa mga manliligaw ko ngayon!" Sisi niya rito.
أنت تقرأ
Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)
عاطفيةThis is a compilation of short stories from the extra or supporting characters from my stories.