"Maayos ba ang tulog mo kagabi?"
Muntik na siyang napatalon sa gulat ng marinig niya ang boses ni Long sa kanyang likuran. Sibita niya ang sarili na huwag magpahalatang apektado siya.
"Maayos naman." Sinubukan niyang maging kaswal ang pananlita.
Sumabay si Long sa kanya sa paglalakad. Nanunuot sa ilong niya ang pabango nito, amoy safeguard rin ito na green at 'yung shampoo nitong head and shoulder na blue.
"Mabuti, nakatulog ka siguro ng maayos dahil sa halik ko." Nakangising saad ng binata.
Muntik na siyang masamid sa sinabi nito. Ang yabang talaga nito! Walang pinagbago, katulad niya wala pa rin siyang bago si Long pa rin talaga.
"Sa totoo niyan, hindi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi." Bawi niya sa sagot.
"Aba, dahil 'yan sa halik ko syempre. Iba talaga ang epekto ng halik ko."
Inis na tinampal niya ito sa balikat at umuna na sa paglalakad. Natatawawang hinabol naman siya ng binata.
"Huwag ka ngang tumabi sa 'kin!"
Pero mas lalo lang sumiksik ang binata sa kanya. Inamoy pa siya nito!
"Hmm. Amoy Palmolive na pink tsaka Dove. Nakaliptint rin ang bebe ko. Nagtawas ka ba?"
Inis na binatukan niya ito. Sa lakas ng batok niya ay napadapa ito sa lupa pero naitukod naman nito ang dalawang palad
"Gago, naka-Rexona ako!"
"Akala ko ba kung naka-Rexona, it won't let you down. Why did you let me down?" Reklamo nito sabay tayo at pinagpagan ang palad.
Napairap na lang siya. Ang daming alam nito.
WEEKS passed in a blur. Patuloy lang sa paglalandi sa kanya si Long pero minsan ay naguguluhan siya kasi kung lalandi si Long balik na naman sa pagiging seryoso kalaunan.
He's giving her mix signals kumbaga. Hindi rin niya alam kung nililigawan ba siya nito. Ewan. Basta ang gulo, atsaka natatakot rin siyang bumalik sa buhay nito o magbalikan sila.
Paano kung isang araw aalis na naman ito? Paano na siya? Iiwan na naman ba nito at anong sasabihin nito, na bata pa nga talaga sila?
"Bobo si Char."
Agad na uminit ang ulo niya at iyon pa talaga ang unang narinig niya ng saktong napadaan siya sa bahay nito.
Tangina, nag-emote pa siya tapos iyon pa ang maririnig niya?
"Eh, kasi naman. Nagsuggest siya tapos---"
"Edi, ikaw na matalino! Tangina mo, Coal!" Malakas na sigaw niya para marinig ni Long na nasa loob ng bahay.
Nagpatuloy siya sa paglalakad, mas mabilis na dahil sa inis. Nagsuggest lang naman siya kanina, alam niyang tama ang suggestion niya pero mukhang minamaliit siya ni Coal.
"Char, sandali!"
Nagbingi-bingihan lang siya at patuloy sa paglalakad. Naramdaman niya na lang ang paghigit ng binata sa kanyang braso.
"Ano ba?!"
"Sori na. Ikaw naman kasi, eh.."
Aba't! Nag-sorry na siya sa lagay na 'yan, ah?
"Char, birthday ko pala ngayon. Pwede ka bang pumunta sa bahay mamaya?" Biglang singit ng isang binata sa gitna ng pagtatalo nila ni Long.
Si Jake.
أنت تقرأ
Xtra's R-18 (Short Stories Compilation)
عاطفيةThis is a compilation of short stories from the extra or supporting characters from my stories.