Kabanata 5

6 5 0
                                    

Si Simon... Halos matumba kami habang kaharap ang isa't isa si Carlos ay napasapo ng noo. F...Fake ata ang dating app na ginamit namin. "A..Aicia maha--este
magandang umaga.." Kamot batok itong nag-iwas ng tingin.

Umangat sa kinauupuan si Carlos nanunukat at tila nanantiya, "are you castrophe 101?" Tanong nito.Dahan-dahan at tila umaasang sana ay hindi siya ngunit nawaglit lahat ng iyon nang tumango si Simon. "Fuck. Carl.." Bulong nito.

Nakangiwi akong na-upo nag patay malisya sa lahat ng nangyayari. "Babhyque??" Ani naman ni Simon tumango si Carlos bilang sagot. "Tangina!" Malutong nitong mura.

Pinagtitinginan na kami ng ibang mga costumer ang mangilan-ngilan ay para bang nanonood ng teleserye. "First we should get out of here." Puno ng awtoridad na sabi ni Carlos agad naman kaming sumang-ayon ni Simon.

Para kaming mga batang napagalitan ng nanay at iyon ay si Carlos. Umabot ng ilang minuto ang pananahimik namin bago napagpasiyang tumigil sa may mamihan malapit sa university.

Ibang-iba ang awra na meron si Simon hindi ko masabi kung mas maganda ba o kabaliktaran dahil natigil na nito ang kanyang pangungulit. Mas mabuti na iyon ayaw kong mapalapit sa kahit kanino, kapag na attached ka mahirap nang kumalas. Ikaw at ikaw lang din ang mahihirapan kaya habang maaga iiwas na.

Inalalayan ako ni Carlos makaupo na estatwa naman si Simon habang nakatitig. "Order lang ako ah," anito at ginulo ang buhok ko. Mariin akong napalunok naiwan kaming dalawa, ilang saglit lang ay naupo na rin si Simon sa harap ko.

Nakapalumbaba ito habang ang isang kamay ay pinapatunog sa may lamesa. Mahahaba ang daliri niya na aakalain mong hindi pang lalaki dahil sa sobrang ganda. Siguro ay alaga ang mga ito, "boyfriend mo?" Basag niya sa katahimikan.

Umiling ako, "wala akong boyfriend."

Itinaas nito ang kilay at ngumuso. "Sweet niyo." Nagulat ako isinagot niya. Para kasing labag pa sa loob niya ang mga salitang iyon. "Ilang taon na kayong magkakilala?" Sunod-sunod ang follow up question nito. "Lagi ba kayong lumalabas ng kayong dalawa lang?"

Naguguluhan ako sa inaasal niya bakit sobrang big deal ba lahat. Akala mo naman ay naagrabyado mo! Puno ako mg reklamo pero nakita ko rin ang sariling maingat na ipinapaliwanag ang katotohanan. "Si Carlos Teaño kaklase ko magmula highschool. Matalik na kaibigan ko actually ngayon nalang mga kami nagkita sa loob ng mahabang panahon.. At...hindi ko siya boyfriend..”  Halos mapatayo ako sa kinauupuan ng humagalpak ng tawa si Simon.

Dinig na dinig sa buong mamihan ang boses nito at naluluha pa. Hanggang sa makarating si Carlos galing sa counter ay hindi ito tumigil. Ligayang-ligaya sa narinig animo’y timang.

“Pare pasensya na biktima rin ako ng dating app. Iyong tropa ko kasi nilagay pala pangalan ko ng hindi ko nalalaman akala ko kasi dapat na akong mag move on.” Hinipan ko ang mainit na sabaw habang nakikinig sakanilang dalawa. “Talo ka ba pare?” Tanong ni Simon.

Kaswal ang pag-uusap ng dalawa aakalain mo talagang matagal ng magkaibigan. “No, we're the same. My brother downloaded that app too.”

“Hassle no, pre?”

”Yes.”

“Haha, ‘di ko na kailangan ng dating app pre landiin ko nalang ‘yong sa malapit baka swertihin maging kami. Pakasalan ko na nga ata agad para walang takas e.” Nabulunan ako sabay naman silang napalingon sa akin. Tarantang inabot ni Simon ang tubig habang hinahagod naman ni Carlos ang likod ko, ”n...natural lang bang hawakan niyo ang isa’t isa?”

”Oo, na medyo?” Patanong sabi ni Carlos.

Nalukot ang mukha ni Simon. “Ay, no meant offense dapat i tone down niyo ng kuonti yung pagiging close niyo. Maraming malisyoso baka ichismis kayo tapos maniwala silang magjowa kayo kahit hindi naman...” Parang armalite sa sobrang bilis at dami ng sinasabi niya, “ang sa akin lang mahirap kapag nachismis kayo pero kung ako naman ang ichichismis sa iyo Aicia baka totohanin ko pa.”

Umawang ang labi ko hindi ko alam kung na mali ako ng dinig dahil wala naman akong nakuhang reaksyon mula kay Carlos. Si Simon nama’y nagpatuloy sa pagsesermon. Wala naman atang masama kung mangyari ‘yon dahil una sa lahat walang katotohanan, matalik kaming magkaibigan ni Carlos para masira sa mga kuro-kuro at hindi naman kami madaling maapektuhan..

“It’s almost time, Aicia and I should get going———”

Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng manlaki ang mga mata ni Simon at gulat na hinawakan ang aking balikat. “——Teka naman bakit kapag aalis ka dapat kasama siya?” Naningkit ang mga mata nito. “Kaya mo namang umuwi mag-isa———”

“———katabing apartment ko siya. Bagong lipat si Carlos.” Ani ko.

Parang natalo sa lotto ang awra ni Simon. “Naka apartment ka?!” Gulantang nitong ani, problemado. “B..Bakit hindi ko alam?”

Nilingon ko siya bahagyang iginalaw ang ulo, “kasi hindi naman ako ang land lady? Bakit naghahanap ka ba ng mauupahan? Sayang puno na.”

Kinalabit nito si Carlos, “pre, kailan ka aalis. Palitan nalang kita.” I sighed. Masyado ng na itong komportable para sabihin ang mga salitang iyon. “Joke lang.” Halatang sarkastiko ang pagtawa nito pero ikinibit balikat na lamang si Carlos. Aakalain mong matagal na silang magkakakilala para ngang mag best friend na. Si Simon yung klase ng kaibigan na mahilig mambuska at mantrip habang si Carlos iyong walang pakielam.


Wala sa sariling napatingin ako sa cellphone, “Carlos..” Tawag ko. “Oras na.”

Ngumiwi si Simon. “Hoy, ano ba ‘yan kayo-kayo lang? Isama niyo ako! Newly found friend ko si pareng dating app tapos ikaw Aicia soon to be friend ko rin.” Nagkunot ang noo. “Soon to be girlfriend.” Hindi ko masyadong narinig ang huli nitong sinabi, hindi ko na rin ginawang big deal.

Resulta ng pagiging makulit at mapilit ni Simon ay walang pagpipilian naming siyang isinama. Para kasi itong batang maliit na nagwawala, ang ano... Childish.

My apartment was small that it only can accommodate one person, “wow,” Simon uttered they're now sitting at the floor with the snacks.“Parang hindi apartment parang hotel. Minimalist.. Mahilig ka pala sa neutral colors,” puna nito.

Nakasuot na ang salamin ni Carlos tahimik na ito habang nagtitipa sa kanyang laptop marahil ay nagsusulat na para sa update nito mamayang gabi. Magaling si Carlos at alam kong darating talaga ang araw niya kung saan siya naman ang papalakpakan at titingalain.

As per Simon, wala naman kaso sa akin ang pagiging malikot nito. Hindi rin naman nakakabastos abala na siya ngayong tumingin sa napakalaking portrait na nakasabit sa may sala. Picture namin ng mama ko. “Bakit?” Ani ko. Nakatitig na kasi ito roon.

He averted his eyes to the portrait and bore it straight on my face. “Ikaw ‘to noong bata ka?” Tanong niya.

Binalik ko ang tingin doon. I was a teenager when we commissioned this portrait, I looked young and... happy. “Oo.” Tipid kong sagot at ngumiti.

Simon genuinely smiled, “noon pa man maganda ka na. Pero mas gaganda ka pa kapag ngumiti ka.”

It took me a bit to process what he said. “Ngumingiti ako.”

He shooked his head. “Oo pero hindi naman mula sa puso. Ano bang prefer mo?”

“Huh? Ang weird mo.”

“Hindi nga. Ano nga prefer no kaibigan o jowa agad?”

Puzzled, I choose the most safest answer. “Friendship. Relationship can only be complicated over the time..” At saka ‘di ko alam kung kaya kong pumasok sa ganoon. Para kasing malabo. Ang gulo na nga ng buhay ko mas lalong magugulo baka madamay lang iyong magiging boyfriend ko sa mga problema.

He's silent. Nervous at his sudden silence. “Ah, sige. One year kakaibiganin kita pagkatapos ‘nun liligawan kita ah.”

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon