Kabanata 16

2 5 0
                                    

S I M O N

Napahalakhak ako nang makita ang grado. Tangina ka talaga Simon imbes na makagraduate e, baka ma drop ka nalang. Sumasabit nalang ako tuwing bigayan ng grades e kulang nalang ay maglambitin ako para hindi mahulog sa course ko.

Nakatayo ako sa may hallway para sa student orientation nang makita ko siya. Iyong babaeng naka bob cut, second year BSA student. Napangiti ako nang lagpasan niya iyong si Godor notoryus na playboy ng batch namin. Iyong mga mata niya parang walang buhay parang wala siyang pakielam sa lahat pero simula ng makita ko iyong eksena na iyon ay nagbago ang pananaw ko tungkol sakanya.

Pakshet, bakit ngayon pa umulan? Talagang nanadya ba ang panahon? Kahapon na nagdala ako ng payong hindi umulan tapos ngayong wala akong dala biglang umulan?! E, fake news pala iyong weather forecast kanina!

“Salamat iha,” napalingon ako sa kabilang banda. Nakita ko ang matandang nakapayong at ang estudyante ng university namin. Iyong mukha nung babae parang ang asim.... I mean hindi maasim! Maasim sa point na parang walang reaksyon at parang walang pake... “Ayos lang ba talaga iha? Mababasa ka nito.” Alalang sabi ng matanda.

Umiling iyong estudyante, “ayos lang po ako. Malapit lang iyong bahay namin lola.” Sagot niya. Nang may pumaradang jeep inalalayan niya ang matanda papasok. Nabasa na ito pero parang ayos lang.. Tinanguan niya ang matanda hanggang sa makaalis na ang jeep, akala ko bubulong siya o magrereklamo... Pero ngumiti siya iyong tunay... Biglang naging maaliwas, maganda pala siya... Hindi pala maasim.

Tangina, bakit hindi ko matanggal ang tingin ko sa estudyanteng ‘to!

“Ganda mo talaga kahit mukha kang dora,” ngisi kong ani nakatingin pa rin sakanya.





Isang taon ang nakalipas panay sulyap ko pa rin sakanya sa malayo. Aica Gueco, third year BSA student. Aba matatag hindi nagshift ng course iyong pinsan ko kasi mamamatay nalang daw kapag itinuloy niya pa. May good news at bad news, ang good news nagsalubong ang mga tingin namin kanina sa library at ang bad news bagsak ako sa isang subject.

I ripped the paper. “Tangina magagamit ko ba ‘to kapag naging matcho dancer ako?” Anito, “bagsak na naman ako putangina! Nag-aral naman ako ah! Tangina naka ilang ulit na ako sa research title! Tangina ano pa ba lagi nalang ipinapapalit tapos noong hindi ko pinalitan iyong pang sampong entry biglang approved?! Putaaaaa!” Pagda-drama ko habang nakaluhod sa may lupa sa gitna ng oval community park. Dito ko kasi lagi binubuhos iyong inis ko sa buhay gabi na’t wala namang tao——— nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang isang tawa. Binggo. Putangina. Si Aicia.... Tangina! “M-Miss! T-Teka! N..Nakita mo?!” Sigaw ko ng bigla siyang tumakbo papalayo.

I ran after her, chasing while slightly smiling. I don't know its weird kasi kanina parang binagsakan ako ng mundo tapos ngayon... “W-Wala akong nakita! BAKIT MO KO HINAHABOL?!” Sigaw niya pabalik.

“BAKIT KA MUNA TUMATAKBO?! NAKITA MO E!” Ani ko.

“HINDI NGA! HINDI KO NAMAN NAKITANG NAGMOMONOLOGUE KA!” Sagot niya.

“TANGINA! ATE HUWAG MO PO IPAGKALAT!” Sabi ko.

Tumigil ito sa pagtakbo parehas kaming hinihingal sa pagtakbo, tinaasan niya ako ng kilay. Tangina, ganda talaga nito parang nananaginip ako ng gising. “A-Anong ate?” Tanong ko sa pagitan ng hininga. “Twenty two palang ako!” Alam kong dalawang taon ang tanda ko sa iyo. Dalawang taon mo ba namang nakuha ang atensyon ko. 

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon