Kabanata 17

7 6 0
                                    

"Hihintayin kita, mahal ko." Pasimple akong napangiti sa mga salitang binitawan ni Simon bago ako itulak ng nurse sa loob ng emergency para sa isang operasyon. Kinakabahan ako siguro kung hindi ko siya nakilala'y handang-handa na akong umalis.. Dahil wala naman akong iiwan pero iba na ngayon.

Ipinikit ko ang mga mata at pilit na inaalala ang lahat bago humantong sa puntong ito. Ni minsa'y hindi ko pinangarap na magkaroon ng isang katulad niya, ang liwanag na pilit humihila sa akin palayo sa dilim.. Ang ideyang pagsuko ay tuluyan ng napapalitan ng isa pang rason para magpatuloy... At iyon si Simon.

"Doc, everything is ready."

Ipinikit ko ang mga mata ng maramdaman ang malamig na bagay na ipinasok sa aking balat. Unti-unting nakaramdam ng antok at ang huling ala-ala'y bigla nalamang bumalik sa akin...

"Ma, bakit lagi akong tulog?" Reklamo ko sakanya habang nakatitig sa salamin. Inggit na inggit ako sa tuwing nakikita ko ang mga kaedad nasa labas at masayang naglalaro.

Ngumiti si mama, "Aicia, kapag natulog ka ng marami tatangkad ka. Magiging big girl na ang baby ko," sagot niya.

Nakanguso akong natigil sa paglalaro ng botelya sa maliit na lamesa. Bakit ganoon sabi niya tatangkad ako pero weak naman ang legs at arms ko? Ang mga mumunting katanungan ay unti-unti nang umusbong hanggang sa tumuntong ako sa edad na sampu.

Malinaw na sa akin ngayon ang lahat, kahit hangarin ko man ang normal na buhay ay magiging mahirap iyon para sa amin. Naging madalas ang panghihina ng aking mga paa at kamay hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong nahihimatay at kinabukasa'y magigising sa hospital. Ang mga gamot ay mas lalong natambak sa lamesa, mga reseta na nagkakalat at mga paalala na naging routine ko na.

Rinig na rinig ko ang pag-iyak ni mama sa loob ng opisina ni Uncle Esteban. "Nagresearch ako," hikbi nitong ani. "Mabubuhay pa ng matagal ang anak ko 'di ba? Friedrich's ataxia ano 'yon? Bakit anak ko pa?"

Tahimik akong sumandal sa may pader kalapit ng pintuan. Sabi ni mama kulang lang ako ng vitamins, sabi ni tita kailangan ko lang matulog ng maaga, sabi nila gagaan din ang pakiramdam ko kapag lumaki na ako... Pero bakit may mamamatay?

Kumurap ako kasabay ng iilang patak ng luha. Gulong-gulo ang musmos kong kaisipan, tunog fried chiken kasi kaya nakakalito..

"Aicia is a tough kid, don't worry we will monitor her. We can prevent it.." Boses ni uncle.

"Estaben hindi ko kaya kung pati ang anak ko mawawala sa akin. Ikakamatay ko Esteban.. Na kaya kong maging matatag ng iwan ako ni Stefano pero hindi ang anak ko... Hindi si Aicia.."

Lumingon ako kay mama habang dala nito ang isang gunting na siyang gagamitin niya para putulin ang panipis ko ng buhok bahagya akong nalungkot. Pero hindi ko na isinaboses.

Blinding LightsWhere stories live. Discover now