Kabanata 6

6 6 0
                                    

Nag-iwas ako ng tingin nagkunwaring walang narinig at mukhang agad naman iyong napansin ni Simon. Tumikhim siya, "nasaan pala mama mo?"

Natigilan ako, "nasa langit." Malayo na kami kay Carlos hindi namin namalayang sa pag-uusap ay nakarating na kami sa kusina. Hawak ko na ngayon ang spatula habang nagpipirito ng fries na binili namin kanina para sa miryenda."Matagal na noong namatay si mama kaya ako nalang mag-isa."

Sumandal si Simon sa may lababo naka krus ang mga kamay. "Ako rin e, nasa langit na rin kuya ko." Pagkukwento niya. Tahimik at tipid ang mga sagot namin sa isa't isa pero pakiramdam ko nagkakaintindihan kami.. Parang may koneksyon? "Kung 'di nalang 'yon nauna baka nga prof ko 'yon sa engineering. Sayang lang."

I stayed silent, I was astonished by the sudden coincidence. Inabala ko nalang ang sarili sa pamimirito habang si Simon ay bumalik na kung nasaan si Carlos. I felt like I'm having a group project with them, nervous in a sudden.

Nang marating ko ang sala ay kinukulit na ni Simon si Carlos na naiiling, "writer ka pala, pre?"

Carlos sighed. "Yeah,"

"Nice, pagpatuloy mo lang 'yan gaganda ng story mo e. Recommend ko sa mga kakilala ko. Saan nga ulit 'yan nakapost? Personal blog ba?" Tuloy-tuloy nitong tanong.
He's talkative that you can't even afford not to respond. It felt like I was caught off guard by his attitude, unti-unti nakikilala ko siya.

Carlos blushed and looked away, "thank you." He couldn't keep up when someone is praising his skills. Shy and maybe, a little bit happy.

Simon smirked, " 'wag ka kiligin sa akin pre ah."

"As if. Ayos na sana nagsalita ka pa ulit."

"Naku! Naku!"

Chuckling I watched them argued. It felt refreshing and kinda peaceful. The feeling I seek for a long time before that happened.

________

I remembered when I didn't pass on the first university I've admit to. Iyon kasi iyong sikat na university sa lugar namin well, I did my part. However, I knew it wasn't enough. Some told me that backer system weigh much heavier than your efforts.  I cried really hard, I was hurt, shocked and dissapointed. Syempre iba kasi iyong pakiramdam ng masapok ka ng katotohanan.

Well, I moved on and now studying at this university in a course I didn't know if I'm enjoying or just surviving. Hindi ko na rin kasi masyadong inilagay sa utak ko. It will just dig deeper in me, and it will hurt.

Seeing Simon at our department made me frown naka sandal ito sa may pader habang patingin-tingin sakanyang relo. Para bang may hinihintay na dumating at nang bigla itong mapalingon sa gawi ko’y rumehistro ang malaking ngisi sakanyang mukha.

“Aicia bff!” Nakasimangot akong nakaharap sakanya. Anong bff? Paano? “What a coincidence!” Anito sa tunong nakakaloko.

Tinaasan ko siya ng kilay, “ang ano mo naman...”

“Anong ano?”

“Tsk! Alam mo na ‘yon,” ani ko at sinubukan siyang lagpasan para makaupo na sa silya. Ngunit bago ko pa man iyon nagawa ay hinigit nito ang braso ko sa marahang paraan, “bakit?”

Napakamot batok si Simon. “Teka lang naman kasi... May ibibigay lang naman e, ang sungit mo.” Bulong niya. Bigla akong pinatalikod at isinuksok nito ang kanyang dalawang kamay sa aking back pack.

“Ano iyon?” Taka kong ani.

Tinapik niya ang balikat ko. “Basta lucky charm siguro. Goodluck! Kaya mo iyan. Ganito ako ka supportive at one call away lang ako, hindi naman ako nagpaparinig na kailangan na nating mag level up. Basta super best friend ayos na next na ang mag boyfriend at girlfriend!” At tumakbo paalis..

Iling akong napangiti. Teka, wala namang kangiti-ngiti sa ginawa nito? Natigilan ako. Ano ba iyan Aicia... Tandaan mo ang nangyari noon kapag humiling ka ng sobra-sobra.

Hinanap kaagad ng mata ko ang upuan, naupo ng tahimik at ibinaon ang sarili sa mga papel. Pinaka-ayaw ko ang mapahiya tuwing recitation kaya nagdodoble kayod ako sa pagsusunog ng kilay. Hindi rin naman ako kagaya ng iba na pinanganak na naninipa ang IQ o pinagpala sa EQ kung hindi ako magsisipag saan nalang ako pupulutin?

Akala ko ganoon lang ‘yon pero hindi naging madali dahil panay ang sulpot ni Simon sa isip ko. Iyong mga galaw niyang iyon at mga salita na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. May alam akong rason kung bakit pero pinipili ko iyong itapon dahil alam kong malabo, takot akong sumugal. Third na ako at kahit isang bagsak lang ay makakapaghila sa akin pababa.

“Pero pwede mo akong gawing motivation at inspiration bonus mo na ang love..”

Asar kong sinabunutan ang sarili. Ayan na naman! Naririnig ko na naman ang boses! Nakakainis!Hanggang sa dumating ang proof at panandaliang nawala sa aking isipan. Busy ako sa pagtingin-tingin ng mga notes habang nangongolekta na si prof ng mga quiz papers.

Napalingon ako ng maramdaman ang isang kalabit, “Ai!” Tawag sa akin ni Danny.

Kunot noo ko itong hinarap. “Bakit?” Kung hindi kalokohan ay baka pagiging bulakbol ang sasabihin nito. May iba’t ibang tao kasi sa college. Mga estudyanteng masipag mag-aral at puno ng inspirasyon dahil sa estado ng buhay, mga estudyanteng super chill lang na para bang highschool pa at mga estudyanteng walang pakielam dahil makakagraduate naman dahil sa backer.

“Alam mo na ba?” Aniya.

Umiling ako. “Hindi pa, sasabihin mo palang e.”

Sumimangot ito. “May discohan mamaya sa mga upperclassmen invited ang block natin. Hulaan ko hindi mo pa nararanasan mag disco ano?”

Kibit balikat ang isinagot ko. I always turned off every invitation I received because I was too cautious and afraid of something that may repeat again. Hindi ako nagsalita at tumango nalang inimbita ako nito mamayang alas otso ng gabi na magdiscohan, safe naman daw dahil kasama ang ibang faculty members na siya namang ikinabuntong hininga ko dahil required daw mag attend.

Para saan? Paanong required?

Anong gagawin ko roon? Magsosolve ng accounting problem habang nagsasayaw ang iba? Paano iyon naging required? At paano ba ako tatanggi kung naunahan na nila ako sa paglista ng pangalan ko sa list.

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon