Chapter Five: Surrender

1.3K 130 92
                                    

"Raven Tempest wins her fifth match everyone! At nanalo siya sa isang estudyante na gamit ang ability!"

Naghiyawan ang mga manonood. Lumabas mula sa waiting area ang isang lalaki na mas malaki pa kay Matteo. He was also taller than me at dahil wala akong heels, hanggang dibdib niya na lang ako. Parang gumagalaw ang lupa sa bawat paghakbang niya. Tinapunan niya ako ng malaking ngisi nang makatungtong siya sa entablado.

"Hindi namin inaakala na malalamangan kami ng isang maarteng babae na tulad mo. Never judge a book by its cover nga talaga, ika nila."

I frowned at the way he said those words. "Are you in your 30s na?"

Malakas siyang humalakhak. Even his voice is too strong and deep, na para bang higante ang kaharap ko.

"Huwag kang mag-alala. Mga dalawa o tatlong taon lang siguro ang pagitan namin." sabay kindat niya.

Umirap ako. Nagtanong lang naman ako dahil sa way ng pananalita niya. Parang si Paham siya, mas malaki nga lang.

"Starting the next match, we have Raven Tempest on the left facing Dayang Marillamano on the right with nine years of training! Let the match begin!"

What the heck? Nine years of training against me na six years lang? I should just read his attacks first and think if I should surrender. Ayokong maknock-out 'gaya nila 'no.

"Konti lang ang nakakapag-patumba kay Azriel kaya hanga ako sa'yo. Mukha ngang magaling ka."

Tumaas ang kilay ko. "You know him?"

Kahit siya ay nagulat din sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya at binigyan ako ng nanunuring tingin. "Ibig mong sabihin ay hindi mo siya kilala?"

"I wouldn't ask if I knew."

Muli siyang tumawa ng malakas. "Hanga na talaga ako sa'yo! Hindi ka lang maganda at magaling, ngunit kakaiba rin. Ako'y tuluyan mo nang nabighani."

"Oh, okay."

Ngumisi siya sa naging sagot ko. He continued standing there kahit na ilang minuto na ang nakalipas kaya natiyak ko na hinihintay niya akong inatake. I bet he's confident that whatever move I come up with, he can just squash me like a small mosquito.

Hindi ko siya binigo. Kaagad akong tumakbo papunta sa kaniya, at gaya nga ng inaasahan ay nakita ko ang paparating niyang atake. Mabilis akong umiwas at nagslide papunta sa likod niya, making him spin around. Muli niya akong inambahan ng suntok na tinalunan ko't muling umikot sa likod niya. I kept it up for a few minutes, aiming and dodging and running, hanggang sa siya na mismo ang huminto.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" nahimigan ko ang inis sa boses niya.

"Do you feel like a toy-"

Hindi ko inasahan ang straight punch mula sa kanan kaya naitalsik ako nito pagilid sa lakas. Naramdaman ko ang presensiya niya at ang paparating na atake, because the guy's damn bloodlust is too strong, kaya ininda ko ang sakit at gumulong palayo sa mga atake niya. Nabiyak ang sahig na pinagsusuntok niya pero parang wala lang sa kaniya 'yon.

Kung ordinaryo lang ang weight niya o hindi siya masyadong malaki, kaya ko na sanang hawakan ang kamay niya sabay balibag. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang buhatin. Not when the fatigue is also eating me.

Hindi pa pala ako nakakain! Huhu.

I made a double backflip to create a distance between us. Nagreklamo na ang tiyan ko pero swerte at si Andreas lang ang nakarinig, na binigyan ako ng nagtatanong na tingin.

Dayang, lol what a funny name, looked furious when I got out of his trap. Ang kaninang nakangisi niyang mukha ay napalitan ng kunot-noong tingin. Now, he's going to initiate his attacks. At kailangan kong madaliin 'to dahil hindi na talaga kaya ng tiyan ko ang laban. Gusto ko nang lumamon!

Soulstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon