Page 5

319 14 2
                                    

Selena's Sentiment




"Hi, it's just me and my dragon." tumingin ako ng masama kay Athena habang nasa comfort room kami ng classroom.




Naghuhugas kami ngayon ng kamay. Actually, siya lang naman yung umihi, sumama lang naman ako dahil hindi ko keri na maiwan doon kasama si Blagden.




Tumawa siya. "Roar, dragon, roar."




Nagpunas ako sa tissue saka pabirong hinila yung buhok niya. "Aray ko, ha! Ginagaya ko lang naman yung tiktok e!"





"Sinasadya mo e!"




"Eh bakit ba? Sabi niya dragon siya e, amuhin mo daw." Nang aasar yung boses niya.




Inirapan ko siya bago ako lumabas ng cr. Nandito na lahat yung mga classmates namin, yung mga babae, pasimpleng tinitignan siya. Prente siyang nakaupo, kakatapos lang namin kumain.





Naglakad na ako papunta sa table namin para sana kunin yung mga pinagkainan namin nang bigla niya akong unahan. Nagkasagian pa yung
mga kamay namin at ako lang yata yung nagreact.





"A-ako na." presenta ko.





He gathered all our meal box before looking at me. "Let me." he said before searching for the trashbin inside the class. Syempre lahat ng tao, mapalalaki or babae man na nandito sa room, tinitignan mga galaw niya.





"I heard he's 28 na. He looks so young and handsome, 'no?" rinig kong usapan ng mga girls malapit saamin.





Sumagot naman yung isa. "He graduated when bata palang siya and bakit siya pumapasok pa dito?"





"I heard he's monitoring someone."





Sumabat naman yung isa. "Edi sino pa? Boba ka talaga. Malamang si Selena."





"Eh, bakit niya naman gagawin yun?"





Nakinig ako sa usapan nila habang pinapanood ko si Blagden na maglakad papalapit saakin while he's fixing his watch.





"Baka na fixed marriage, diba powerful din family ni Selena?"





Sasabat na sana ako sa kanila nang magsalita yung lalaking kakalapit lang. "Hey, thanks for the treat.





I bit my lower lip and his eyes followed it. Agad agad ko naman yung pinakawalan because it is awkward. "Welcome."





"You're forgiven."




"Hindi ka na galit?" I asked him nang makaupo na siya.





Hinihintay nalang namin yung second subject namin. Ah, tama. Physical Education. Argh, gym again.






"I wasn't mad, actually. I was hurt." he honestly said.





Napayuko ako. "I'm sorry."





He let out a small laugh. "It's fine. Being mad is an emotion and it is valid. I understand you."





Napatingin ako sakaniya at ngumiti. It somehow touched me that he is aware of one person's emotions. Maybe, psychology perks.






"R-Roar dragon, roar." rinig namin na sabi ni Athena nang makita niya yata ako na nakatingin kay Blagden. Tinignan ko naman siya ng masama at tumawa lang ang bruha.




Tutorial for MarriageWhere stories live. Discover now