Page 12

317 12 0
                                    

Selena's Sentiment



________________________





"Let's go?" he asked me. Lumabas na kasi ako sa tent, umaga na and I'm going to take a shower. Imbis na kahapon sana ng hapon mag start yung physical activities namin, ngayong third day nalang ini-start.






And we were just informed that Blagden sponsored this workshop. Kaya sinusunod ng instructor mga sinasabi niya.






"Hindi naman parang sa mga real campsites ang bathroom dito, 'no?" I asked him habang naglalakad kami. Nakakasalubong namin yung ibang students na nakaligo na.






"Athena!" tawag ko kay bruha nang malampasan namin yung tent niya. Palabas palang siya, may dala na siyang towel and ibang toiletries. Same samin syempre.






Kumaway siya saamin at tumakbo papalapit. "Perfect pala timing ko." pabiro niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin while Blagden just laughed.







Nahagip naman ng mata ko si Trevor na kausap si Savannah na ipinagtaka ko. Trevor stared at me for a long time before looking back at Savannah, may pinaguusapan sila.






I just ignored them. "Ang haba yata ng pila..." sabi ko habang papalapit kami sa banyo. Nang makarating kami, parang sampong tao pa yung maliligo bago kami. I just sighed, I really need to practice early.






"Dito ako sa likod niyo." I heard Blagden spoke.





"Oh, dyan ka na." sabi ko kay Athena saka tinulak siya sa harap ko.





Nang aasar naman siyang tumingin saakin. "Ay, posessive. Gusto siya lang malapit kay Sugar Da---Aray!" kinurot ko yung tagiliran niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. She just rolled his eyes and turned her back from us.




Nilingon ko si Blagden na nasa likuran ko, he's not saying anything but nakangisi siya. May nakasabit na towel sa shoulder niya at nakatsinelas pa ng Manjaro. Mukhang narealize niya na na maputik kaya hindi yung Crocs niya ang sinuot niya.






"Naks, naka manjaro." asar ko.






Tumingin naman siya saakin saka bumaba yung tingin sa tsinelas niya. "Why? It's good. I can't let my favorite Crocs get dirty. They might be cheap but the quality is near to perfect." he said.






"Eh, halos 5k na yata isang Crocs mo e." I said.






He raised his brow. "Mura pa 'yon. I own a slipper that cost three million dollars, though."






Napailing nalang ako dahil maloloka ako sa mga pag mamay ari niyang bagay.






Isa nalang yung hinihintay naming matapos. They said na dalawang bathroom raw ang laman nung kwarto. Mabuti naman. But sinong makakasabay ni Blagden? Kami ang sabay ni Athena e. Tumingin ako sa likod ng Dragon and nakahinga ng maluwag nang makitang lalaki ang nandoon.




I heard him chuckled. Yumuko siya para maabot yung level ng tenga ko. "Don't worry. Ikaw lang ang gugustuhin kong kasabay in the future."






Tinulak ko siya but hindi ko rin naman siya naitulak. Binelatan ko siya, making him laugh. Umirap nalang ako at nag focus na sa paghihintay.






"Yes. Sa wakas." nasabi ko nalang ng lumabas na yung dalawang naliligo. "We'll go na." paalam ko kay Blagden na fresh na fresh pa rin kahit nakababad na sa araw.






Tutorial for MarriageWhere stories live. Discover now