Chapter 02

1.2K 46 4
                                    


Leign's POV






Bahagya nang gumaan ang pakiramdam ko matapos kong iiyak ang lahat. Naging routine ko na ito gabi-gabi. Iiyak, tapos okay na balik na sa dati na parang walang nangyari. Ewan ko ba, bakit hindi pa masanay ang sarili ko sa ginagawa niya? Nasasaktan pa rin ako kahit dalawang taon ko nang pinagdudusahan ito.








Hindi ko akalain na matitiis ko siya ng mahabang panahon.








Tahimik kong inaayos ang kama dito sa kwarto. Kanina pa ako walang naririnig na ingay sa labas. Marahil ay tapos na sila.








Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Alam kong hindi magtatagal papasok na siya dito at ayokong makita niya akong hindi maayos ang itsura dahil lalong nasisira ang araw niya. Kaya naman minabuti kong abalahin ang sarili ko. Nagkunwari akong busy sa pagbabasa ng libro para hindi niya mapansin na umiyak ako.









Ilang sandali lang ay pumasok na si Kyst sa kwarto. Wala siyang saplot pang-itaas. Magulo ang buhok niya at hindi makakaligtas sa'kin ang mga marka niya sa leeg at gusot-gusot na damit. Halata sa mukha niya ang pagod sa ginawa nila.








Kyst . . .








Umiwas ako ng tingin nang mapansin kong nakatitig siya sa'kin. Nakataas ang kaniyang kilay at may panunumbat sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa'kin.







"Next time, 'wag kang uuwi kung hindi mo kayang i-handle ang nakikita mo. Nakakabanas." Pumasok siya sa banyo at padabog niyang isinara ang pinto.






Kung meron mang makakakita sa kalagayan ko, marahil ay matawa sila. Sobrang nagpapaka-tanga ako sa taong sinasaktan ako. Ako na nga itong sinaktan, ako pa ang nagpapakumbaba. Dahil lang sa iniiwasan kong mag-away at magkagulo kaming dalawa, pikit-mata kong tinitiis ang lahat.























Lumabas na si Kyst sa banyo at napakabangong amoy niya agad ang napansin ko. He's wearing a pastel blue sando, matching with a black pajama and rose-gold necklace that make him more soothing and peaceful in my eyes. He's sexy. My man is so sexy.







Tumungo ako sa closet para kumuha ng towel. Gusto kong pinapatuyo ang buhok niya habang nakaupo sa lap niya. It was my night routine namin n'ong okay pa kami.








Matamis akong ngumiti at nilapitan siya. "Kyst, upo ka sa kama. Papatuyoin ko buhok mo."








Hinawakan ko ang kamay niya pero bigla niya 'yong tinabig ng malakas. Medyo nagulat ako sa ginawa niya pero pinilit ko iyong hindi damdamin. Nagsisimula na naman niya akong saktan.

Winter In AutumnWhere stories live. Discover now