Chapter 29

1K 36 6
                                    


~ I wanna grow old with you.
I wanna die lying in your arms.
I wanna grow old with you.
I wanna be looking in your eyes.
I wanna be there for you.
Sharing in everything you do.
I wanna grow old with you . . . ~

—————————————————————————————————————————————








Kyst's POV









It's been five months since we broke up. Kung sa iba 'yong five months na 'yon ay ordinaryong araw lang, para sa'kin hindi. My life begins miserable when she left me.









Parang wala nang patutunguhan ang buhay ko. Hindi ako makakain ng maayos. Hindi na ako pumapasok sa office, at ilang buwan nang hindi maayos ang tulog ko. Just sitting at home and crying. Drunk night and day, begging for her to come back. Nawalan na ako ng gana sa lahat. Nawalan na ako ng ganang mabuhay.









Para saan pa kung lalaban ako? Para saan pa ang bumangon ng maaga at magtrabaho kung wala na ang dahilan ng mga pangarap ko? Naglaho na lahat ng mga plano ko sa buhay mula nang iwan ako ng babaeng mahal ko. My life seems to have no destination.









Nangungulila na ako sa kaniya. Ang amoy ng buhok niya, ang mga ngiti niya, ang mainit na yakap, ang pag-aalaga niya sa'kin, ang mga luto niya, at mga lambing niya sa t'wing nakikita ako. Lahat ng 'yon gustong-gusto ko na ulit maramdaman, lalo na sa sitwasyon ko sa oras na 'to. Kaso ang lahat ng 'yon ay hindi ko na kailanman mararanasan pa.









Gustong-gusto ko na siyang makita.









Hindi ko pa rin siya mahanap hanggang ngayon. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin o saan ko siya pupuntahan. I tried to ask for help from my family and friends but they were just rejected me. Pati sila galit din sa ginawa ko. Even me, myself, galit din ako sa sarili ko.









I am literally all alone now.









I went upstairs in our room bringing a bottle of liquor. Ito nalang ang takbohan ko sa problema ko. Ito nalang ang karamay ko ngayon. Itong alak nalang ang kasangga ko at nagpapalakas ng loob ko.









Inilapag ko ang bote sa ibabaw ng mini-table dito sa kwarto. Naupo ako sa kama at kinuha ko ang picture ni Leign na nakapatong doon. I stared at her comely and innocent face. She looks so gorgeous in here. She has a perfect smile, a smile that I faded in years.









Gabi-gabi akong ganito, my new hobby. Pagmamasdan ang picture niya, iiyak, at paulit-ulit na sisisihin ang sarili ko.








I didn't notice my tears dripping, the frame got wet so I wiped it with my thumb.










Ang sakit. Sobrang sakit dahil wala akong magawa para pabalikin siya.









"L-love, please comeback," I whispered, para akong tangang kinakausap ang litrato niya.









Kinuha ko ang phone ko at tumungo sa gallery. Isa-isa kong tiningnan ang mga pictures naming dalawa na magkasama.









I smiled bitterly as I swiped the pictures. Sobrang saya pa namin dito. Itong mga larawan na sadyang alaala nalang at hindi na maaaring ibalik.








Winter In AutumnWhere stories live. Discover now