Chapter 39

699 25 3
                                    


Leign's POV






Mabagal ang lakad namin ni Calvin habang hawak ang kamay ng isa't-isa. Kailangan na niyang umuwi, masiyadong delikado sa daan kapag ganitong oras na.






Humarap siya sakin nang makarating na kami sa gate. Kita ko sa mukha niya na ayaw pa niyang umuwi, pinipisil pa ang kamay ko.






"Hun — "






"Hindi pwede." pinutol ko ang sasabihin niya. Hihirit na naman 'to.






"Bakit? Mag fiance naman na tayong dalawa kaya pwede na tayong tabi matulog."






"Kaso n'ong huling nagtabi tayo hindi lang tulog ang nangyari satin," pagpapaalala ko na ikinasimangot niya. Hays, sa tuwing naiisip ko 'yon, mas lalo akong kinakabahan sa kaniya.






"Psh, gusto mo naman," bulong niya.






"Hoy, hindi ah!" Inambahan ko siya ng hampas pero mabilis niyang sinangga ang braso niya.





"HAHAHAHAHAHAHA!"






"Umuwi kana nga!"






"Ayaw!"






"Aba't — "






"Please, let me sleep here just this night," pagmamakaawa niya, puppy eyes.






Ang kulit.






"Hindi nga pwede, bukas na!"






Biglang lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Bukas?"






"Oo."






"Matutulog ako dito bukas?"






"Bakit parang ayaw mo?"






Mabilis siyang umiling. "No! — I mean gusto ko! Okay, sinabi mo yan, ha? I will sleep here tomorrow, promise matutulog lang tayo," sabi pa niya at kumindat.






Anong klaseng tulog ba ang nasa isip niya?






"Ba-bye na, ingat ka sa daan."






Huminga siya ng malalim, hinawakan niya uli ang kamay ko. "Hays, ayoko talagang umuwi. One day is not enough to be with you, kahit hundred years bitin pa ako."






Pinisil ko ang pisngi niya. "Nakuuu ikaw talaga, magkikita pa naman tayo bukas e. Don't worry, kapag kinasal na tayo, titira na tayo sa iisang bahay, at araw-araw mo na akong makakasama."






Napakagat siya sa ibabang labi niya. "I can't wait for that."






"K-kuya?"






Sabay kaming natigilan ni Calvin dahil sa boses na 'yon. Napalingon ako sa likuran ko, tumambad samin si Kyst.






Anong ginagawa niya dito?







Gulat ang rumihestro sa mukha niya habang nakatingin saming dalawa ni Calvin. Pero anong sabi niya? k-kuya?






Tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang kuya si Calvin?






Winter In AutumnWhere stories live. Discover now