Chapter 21

1.2K 40 21
                                    


Leign's POV











Gusto kong kumain sa labas, kanina pa ako nagugutom at pakiramdam ko ano mang oras mawawalan na ako ng malay. Kanina pang umaga nanghihingi ang tiyan ko ng pagkain, ang kaso tinamad ako kaya ngayon ito ako nagpa-panic.











Kung tutuusin marami namang pagkain dito sa bahay. Abot-kamay ko ang mga 'yon kaya lang hindi ko naman malulunok dahil sa pride ko. Nahihiya na akong kumain dahil pera ni Kyst ang ipinambili ng mga pagkain dito.











Simula n'ong sinampal niya ako ng pera, parang sinampal na rin ako ng reyalidad. Nahiya na akong umasa sa kaniya. Ultimo pagkain ko siya pa ang gagastos. Nanliit ako sa sarili ko pakiramdam ko palamunin lang ako.










Pero ngayon na may trabaho na ako, ako na ang bahala sa sarili ko. Ako na ang bahala sa pagkain at tirahan ko. At pagdating naman sa tubig at kuryente na kinukunsumo ko, siguro sapat na ang paglilinis ko dito sa bahay. Okay na kapalit 'yon!











Kinuha ko ang phone ko sa bulsa nang tumunog ito.











"Ms. Cantabella? Can you come over? We need you."









Basa ko sa text ni Chef Calvin. Miss Cantabella? Ang formal naman yata niya.










'Pero Chef, day off ko po ngayon. May problema po ba?'I replied.










'Hihintayin kita.'He replied back.










'Yon na yon? Kailangan siya talaga ang masusunod? Hindi porket siya ang boss ko basta nalang niya ako papapuntahin sa resto niya. Day off ko ngayon at walang bayad 'yon.










Patakbo akong bumaba ng hagdan kulang nalang mahulog ako. Nadaanan ko si Kyst na nagbabasa ng libro sa sala. Napatingin siya sa'kin at binaba ang librong na binabasa niya.










"Why are you in a hurry?" Tanong niya at nilapitan ako.










"May pupuntahan lang," Sagot ko at nilampasan siya.










Bago paman ako makarating sa pinto, inunahan na niya ako. Humarang siya sa dinadaanan ko at takang tumingin sa'kin.










"Saan ka pupunta? At wala ka talagang balak na magpaalam sa'kin?"










Naman nagugutom na ako.










Hinarap ko siya ng maayos. "Hindi ba sabi mo ayaw mong nagpapaalam ako sa'yo?"










Natigilan siya.










Malamang naalala niya 'yong sinabi niya sa'kin noon. 'Wag na daw ako magpapaalam dahil wala naman siyang pakialam sa'kin kahit mamatay ako.










Bumuntong-hininga siya. "Let's forget about that thing, Leign . . . From now on, magpapaalam kana sa'kin. Sasabihin mo na kung saan ka pupunta and also you should have to keep me updated every hour."










Winter In AutumnWhere stories live. Discover now