Chapter 09

916 42 7
                                    


Kyst's POV











"Leign?" Kanina ko pa tinatawag ang babaeng 'yon pero hindi siya sumasagot. Hinanap ko na siya kung saan-saan kulang nalang baliktarin ko ang buong bahay at libutin ang buong village para lang mahanap siya pero ni anino niya hindi ko makita.











Bwesit! Nasaan kana ba?











Isang oras na mula nang makauwi ako galing sa trabaho. Buong akala ko pag-uwi ko maaabutan ko siya.  Although, oo, umaalis siya ng bahay at minsan gabi na umuwi pero hindi 'yong ganito — anong oras na!











This is the first time na hindi siya umuwi kahit kahit kalagitnaan na ng gabi.



















It's already 11:00 pm. Hindi pa rin ako makatulog. Nag-aalala ako. It's almost 10 hours mula nang umalis siya dapat nandito na ang babaeng 'yon sa bahay. Malalim na ang gabi at delikado sa kaniya ang nasa labas. Babae siya, baka mamaya  mapagtripan pa siya ng mga luko-luko sa daan!











Aaminin kong galit ako sa kaniya, but still she's my fiance. She's still my girl. I still have concern for her. I admit that I'm always pushing her away but it doesn't mean she have to distance herself from me for a long period of time.











I tried to call her from time to time but fuck she didn't even try to answer my call. Tangina, sinasadya ba niyang hindi sagotin ang tawag ko?











Napasuklay ako. Naiinis ako sa kaniya! Naiinis ako sa babaeng 'yon! Lagi nalang niya akong pinag-aalala! Pinag-iisip niya ako palagi.











Tiningnan ko ulit ang phone ko at umaasang bubungad sa'kin ang missed calls at messages niya pero wala. Wala ni isa. Ito ang unang beses na hindi siya nagpaalam sa'kin na aalis. At ito rin ang unang beses na hindi siya nagtext o tumawag ng ilang oras. Kadalasan naman lagi niya akong ina-update sa mga lakad niya ultimo pag-uuwi na siya sinasabi pa sa'kin.











Maraming tanong sa isip ko. What if hindi na niya naisipang umuwi at para lang akong tangang naghihinatay sa kaniya? What if tuluyan na siyang umalis habang wala ako dito kanina? What if hindi na siya bumalik? What if iniwan na nga niya ako?











W-what if











"Shit!" Napamura ako sa naiisip ko. No, she can't do that.











Tumakbo ako papuntang kwarto at mabilis na binuksan ang closet niya. Nandito pa ang mga damit ni Leign. Kung ganon hindi siya naglayas.











Bumaba na ako and I was about to call her again when suddenly the door opened. Pumasok siya.











Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya. I was about to scold here but I have noticed something.











What's the problem? B-bakit ganyan ang mukha niya?











"L-leign."











Namumugto ang mga mata niya at parang hinang-hina ang katawan. Para siyang lantang gulay.











Inaamin kong napapaiyak ko siya pero hindi 'yong ganito. This is too much!











"Leign." I called her again pero parang wala siyang naririnig. Nilampasan niya ako. Hindi ko maiwasang magtaka sa inaakto niya. There's something serious behind this.











Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Pinaharap ko siya sa'kin. I examined her face.











"What happened? You okay?" Bakit ba ako nag aalala sa babaeng 'to? Gustong-gusto ko ngang nakikita siyang ganito.











Dapat matuwa pa ako, 'di ba?












Inalis niya ang kamay ko. She didn't even try to look at me, basta nalang niya akong tinalikuran at lumakad paalis.











Hinabol ko siya. "Mag usap nga tayo. Wag mo akong tatalikuran! Ano bang nangyayari sa'yo?"











Stupid, Kyst. Obviously, it because of you!











"P-please 'wag muna ngayon, Kyst. Masama ang pakiramdam ko."











Ano ba ang nangyayari sa babaeng 'to at bakit ako nagkakaganito? Hindi ko ugaling magtanong ng mga bagay-bagay lalo na kung tungkol sa kaniya! Noon paman nawalan na ako ng pakialam sa kaniya pero bakit ngayon . . .











Nag-aalala ako.











"M-may nangyari ba? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang namatayan."











She looked at me, I saw the anger in her eyes, "Wag ngayon, Kyst. 'Wag ngayon."






Marahas niyang tinanggal ang kamay ko kaya mas lalo akong nagtaka. Si Leign ba itong kaharap ko? Kakaiba ang awra niya. There is something strange in her behavior.











"Mahirap bang sagutin ang tanong ko?! "











"Matutulog na ako."












"Just answer the damn question, Leign!"











"G-goodnight."











"Tang-ina naman! Kinakausap kita ng maayos. Bakit hirap na hirap kang sagutin ang tanong ko? " Galit na sigaw ko.












"Pwede bang hayaan mo akong magpahinga kahit ngayon lang?! Pagod na pagod ako at masama ang pakiramdam ko! Please lang kung pwede pabayaan mo na ako! Makiramdam ka naman."











I remained speechless. Wtf.











Was she shouted at me?










————————————————————————————————————————————

Winter In AutumnWhere stories live. Discover now