Chapter 07

934 42 5
                                    

Leign's POV











Hinihiling ko na sana hindi ko na marinig ang boses nila. Sa oras na ito, ninanais ko nalang mabingi o hindi kaya ay mawala na parang bula. Nang sa ganon, hindi na ako masaktan.











Tama na, Kyst, tama na!











Malinaw kong naririnig ingay nilang dalawa. Halata sa mga boses nila ang sarap at kasiyahan sa ginagawa. Bawat ungol at halinghing na naririnig ko parang mga patalim na sumasaksak sa dibdib ko. At bawat pagpapakasarap nila ang siya namang nagpapahirap sa'kin.











Unti-unti nila akong pinapatay.











"T-tama na please. Ayoko na." I feel helpless. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Naaawa na ako sa sitwasyon ko ngayon. Nakakaawa na ang sarili ko. Aping-api na ako.











Wala akong kalaban-laban sa kaniya.











Sobrang sakit na makita ang mahal mo na harap-harapang gumagawa ng katarantadohan. Iyong tipong wala siyang pakialam sa nararamdaman mo. 'Yong tipong sarili lang ang inaalala niya. H-hindi na ba niya ako nirerespeto? Hindi ko akalain na magkakaganito siya.











Hindi na kita kilala, Kyst.











Sobrang sakit na ng mga mata ko dahil sa walang tigil na kaiiyak. Araw-araw nalang ganito. Gabi-gabi nalang ako umiiyak ni isang pahinga wala.











Hanggang kailan ba ako magkakaganito? Hanggang mamatay? O hanggang mawala ang nararamdaman ko sa kaniya? Do I deserve this kind of pain?












Is this my karma for loving him?



































Makalipas ang ilang minuto pumasok na ng kwarto si Kyst. It seems like he had so much fun with that girl.












"Why are you still up?" Kunot-noong tanong niya sa'kin.











Nagpilit ako ng ngiti. "H-hindi pa ako inaantok  . . . Nga pala, 'yong bisita mo nasaan na siya?"











"Pinauwi ko na," Bored na sagot niya.











"Ano? Pero gabi na. Delikado sa lab—"












"Ano bang pakialam mo?" Masama niya kong tiningnan kaya natigilan ako.











Pumikit siya at malalim na huminga na tila pinakakalma ang sarili niya. "Pinaalis ko na dahil tapos na ako sa kaniya. Masaya kana? Nasagot na ba tanong mo? " Nilampasan niya ako at nagtungo sa banyo.











Pagkadismaya lang ang tangi kong nararamdaman ngayon. Hindi ako makapaniwala. Ganon na siya kalala.











Literal niyang ginagamit ang mga babae niya at pagkatapos pakinabangan hindi na niya binibigyan ng halaga. Para silang chewing gum na tinapon nalang basta-basta matapos tikman.


































Winter In AutumnWhere stories live. Discover now