Chapter 35

836 31 2
                                    


A/N: I will make the story short hehe.







Leign's POV





3 years after, Hong Kong.





"Ms. Cantabella?" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.





Nilingon ko siya, si Head Chief. Isang Filipino na nakapangasawa ng Chinese, dito na din sila naninirahan sa Hong Kong.





"Chef," bati ko.





"Mukhang napapadalas ka na dito, ah? Umaasinso na ba?" pagbibiro niya.





Bahagya akong natawa. "Hindi naman, Chef. Nagkataon lang na out of stock na ang cupcakes na deneliver ko last week, kaya kinailangan ko ulit mag-deliver ngayon."





"Mm, I see. Every week mong ginagawa 'yan, kung gusto mo, every other week ka nalang mag-deliver samin para makapagpahinga ka."





"Naku, ayos lang, Chef! Nagpapasalamat nga ako sa inyo dahil isa kayo sa mga franchisor ko."





"Wala 'yon, ang sarap ng mga gawa mong cupcakes pati asawa ko paborito 'yon. Ah nga pala, mag-reserve ka ng two boxes para sakin, iuuwi ko mamaya."





Tumango ako. "Sige po, Chef."





Ang pagb-bake ng mga cupcakes ang naging negosyo ko dito sa Hong Kong. Mula n'ong napadpad ako dito, 'yon na ang pinagtuonan ko ng oras.





Tinuloy ko ang pangarap ko, seneryoso ang career hanggang sa natupad ko iyon at nagkaroon ng sariling business. I have seven cafe here in Hong Kong, and so far so good, malakas naman ang income. And I have franchisors in my business.





Lumabas ako para kunin ang mga natitirang boxes ng cupcakes. Nakalagay 'yon sa likod ng kotse kaya tinulungan ako ng mga waiter para kunin ang mga 'yon. Lahat sila ay may dala na, kayalang may naiwan pang apat na boxes. Mukhang ako nalang ang magdadala nito.





"Leign?"





Kahit nahihirapan ako sa mga dala ko, nilingon ko ang nagsalita. Siya na naman? Bakit nandon siya kung nasaan ako? Araw-araw nalang ganito ah.





"Chef."





Lumapit siya sakin at biglang kinuha ang mga dala ko. Ang galing, bakit parang andali lang sa kaniya dalhin ang lahat ng 'yan, samantalang ako hirap na hirap. Kung sa bagay, may mga bagay na kayang gawin ang mga lalaki, kesa sa babae.





"Bakit ikaw ang nagdadala nito? dapat tinawagan mo ako," sabi niya na may halong inis.





"Sinadya ko talaga dahil sigurado akong manghihingi ka naman ng date."






Sumilay ang ngiti niya. "Sabi ko naman sayo, diba? hindi kita titigilan hanggat hindi kita napapasagot."





"Sus, asa ka namang sasagotin kita. Halika na nga!"





Nauna akong pumasok para buksan ang pinto para sa kaniya. Kakahiya kasi naabala ko pa siya.





Pagkababa niya ng mga boxes, agad namang naglapitan ang mga waitress para tulungan siya — 'yon ba talaga? Parang iba ang intension nila sa palagay ko, masamang intensiyon.





"Yong mata mo," dinig kong bulong niya.





Nilingon ko siya. "Ano?!"





Winter In AutumnWhere stories live. Discover now