Chapter 45

655 24 12
                                    


Kyst's POV




'P-please, Calvin, 'wag kang mamamatay.'







'Mahal na mahal ko siya, Kyst. Siya ang taong gusto kong makasama habang-buhay. P-pero nanganganib ngayon ang buhay niya."







'B-buntis ako, ayokong lumaki ang anak ko na hindi siya nakakasama.'









Those words lead me to decide on something I will never regret for. Buong buhay ko, siya lang ang inalala ko, mas mahal ko siya kesa sa sarili ko kaya gagawin ko ang bagay na ito alang-alang sa kaniya. I will do whatever I can to help her. At kahit hindi niya sinabi ang mga 'yon, gagawin ko parin ito dahil mahal ko siya.





I wish her happiness.





"I don't know if it is a bad news or a good news for you, but for the patient it would definitely a good news. Base sa mga ginawa naming test sayo, your heart is compatible for the patient and you can save his life. But it's up to you, Kyst, pwede pa naman tayong makahanap ng magiging donor niya," sabi ng doctor na incharge kay kuya.





I smiled. "Limitado na ang oras ng kuya ko, matatagalan pa bago makahanap ng heart donor niya. Doc, I'm willing to be my brother's heart donor."





Para sa babaeng mahal ko, nakahanda akong ibuwis ang buhay ko.





I wish my Leign's happiness. Minsan, pinangarap kong bumalik siya sakin para makabawi sa kaniya, dahil kahit papano, sa paraang 'yon manumbalik ang tiwala niya sakin at magsimula kami sa umpisa. Pero mukhang pagbawi nalang ang maibibigay ko sa at hindi na ang balikan.





"Are you sure? Pwede pang magbago ang isip mo."




I shook my head slowly, I smiled bitterly. "I've made up my mind, doc. Please gawin niyo ang lahat maging successful lang ang operation."





Pagkatapos naming mag-usap, lumabas ako para puntahan si kuya. Gusto ko siyang maka-usap sa huling pagkakataon, dahil ano mang oras maaaring hindi ko na siya makita.





"Kuya?" I called him when I entered the room.





"Glad your here, I wanna talk to you." Nakasandal siya sa head board habang seryosong nakatingin sakin.






I came over him, I sat down.





"You still mad at me? Still upset with your kuya?" he said, smiled genuinely.







I feel overwhelmed. This is the first time he talked to me like this.





"Kuya ..."






"P-pasensiya kana kay kuya, ha? I am sorry, and I just realized that I did things the wrong way. I owe you a thousand apologize. I'm really sorry."





"Kuya, you don't have to say that."





"I just wanna trust you for taking care of her, gusto kitang pagkatiwalaan dahil alam kong mahal mo pa siya. I-if ever something bad happen to me, please, damayan mo siya para sakin. Ibsan mo ang sakit na mararamdaman niya. Mapapanatag ako kapag nasa tabi ka niya dahil alam kong hindi mo siya pababayaan."





I'm tearing up. "W-what are you talking about, kuya? Susuko ka nalang ba ng ganyan?"






He shook his head. "Wala sa bokabularyo ko ang sumuko sa laban, Kyst. P-pero n'ong umeksena ang sakit ko parang nawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko kayang pigilan ang kamatayan ko."





"Ginagawa naman ng mga doctor ang lahat, diba? They work so hard para sa donor mo."





"I feel like I'm leaving this world anytime, baka sa oras na makahanap na sila wala na ako."





"Don't say that, kuya! Paano si Leign? Kuya, ginagawa niya ang lahat para gumaling ka. Nagpupuyat siya para lang makahanap ng magiging donor mo, she work so hard, she tried everything for you to survive. Paano mo nagagawang sumuko ng ganyan samantalang 'yong babaeng nagmamahal sayo lumalaban at hindi ka sinusukoan. Kuya, hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ngayon ni Leign."





He could not talk, he still stares at me. Until he realized what I just said.





Ayoko munang sabihin 'to dahil nangako ako kay Leign pero ...





"Fix yourself, kuya. 'Wag kang sumuko para sa mag-ina mo."





He was shocked, can't be able to speak.





"W-what did you say? M-mag-ina? Linawin mo nga."





I take a deep breath. "She told me she's pregnant. Ginagawa niya ang lahat para hindi mawalan ng ama ang anak niya. See? Hindi siya nawawalan ng pag-asa kuya sana ganon ka rin."





I saw the happiness and excitement on his face as well, he loss his words. Don't worry kuya hindi ka mamamatay. Sagot kita. At sa oras na nagawa ko na ang parte ko, hindi na ako magiging banta sa inyong dalawa. You both deserve a happy family.







— Hwaenna

Winter In AutumnWhere stories live. Discover now