6

333 24 2
                                    

Sab

"Sab!"

"Saan tayo sa lunch?"

"May baon ako."

"Saan tayo kakain?"

"Doon na lang sa 7th floor."

"Napakalayo naman Beb."

Agad kong hinampas si Ian! Kahit kelan talaga itong Ian na to! Napakaingay.

"Ano na naman Beb?"

"Ingay mo ha!"

"Anong iningay ko BEB!"

"Bwiset ka!!"

Pano lalo nya inilakas yung Beb. Kaya lalo ko syang pinaghahampas! Sira ulong talaga to eh! Napagusapan na namin na wala munang makakaalam eh!

"Sorry na, sorry na. Sorry Beb, di na talaga mauulit."

Sinamaan ko ng tingin. Nakakagigil talaga tong isang to eh!

"Hindi na, promise. Kain na tayo, bawal kayo magutom."

"Kasi."

"Hindi na nga. Promise."

"Napapagod ka na ba Ian?"

"Ako? Bakit? Anong ikakapagod ko?"

"Itong pagtatago natin. Mahigit isang buwan na, niloloko ka na nga nilang lahat eh kasi wala kang girlfriend."

"Halika nga dito, wag ka mag overthink, hindi maganda yan. Tsaka anong walang girlfriend? May girlfriend ako ah! Ganda ganda nga eh!"

"Tumigil ka."

"Totoo naman Beb, maganda yung girlfriend ko, kaya nga sumusunod ako sa lahat ng gusto nya!"

I rolled my eyes.

"Tsaka diba sabi ni Doc, bawal ka muna sa stress? Gusto mo na bang aminin natin para mawala na yang stress mo?"

"Ikaw ba?"

"At your pace Beb."

I smiled and hugged him fast. Syempre hindi pwedeng matagal, baka kasi may makakita. We're both busy eating when the guys came.

"Alam nyo kayo minsan nakakaduda na eh!"

"Ano na naman?!"

"Lagi na lang kayong dito kumakain ah."

"Masama ba? Bawal ba?"

"Hindi naman pero kuta to ng mga nagtatagong mag syota!"

"Dami mong alam Jun ha."

"Ui ano yang pagkain mo Sab, mukhang masarap ah."

Ian tapped his hand.

"Wag mo agawin, kulang pa yan sa kanya."

"Hui! Grabe! Andami nyan eh."

"Hindi nga, hayaan mo lang. Kaya ubusin yan ni Sab!"

"Ang damot mo hindi naman ako sayo nanghihingi, Sab pahingi naman please? Gawa yan nung ate mong maganda na mabait pa in short perfect na nilalang!"

"Crush mo si Myelle?"

"Oo! Pwede ko ligawan?"

"Asa ka!"

"Napaka eh, ayaw mo ba yun, bayaw mo na ako?"

"Kadiri! Di ka papatulan ni Myelle!"

"Grabe ka sa akin Sab ha! Parang di tayo magkaibigan."

"Hindi! Lalo na kung pagpapantasyahan mo ang kapatid ko!"

"Kung kalahati ka man lang sana ni Myelle,Sab! That beauty, that smile and most of all that kindness, liligawan siguro kita!"

EnfetteredWhere stories live. Discover now