30

350 26 6
                                    

Sab

May kalayuan ang shop ni Ian sa syudad, pero natural, malalaman kong yun ang shop ni Ian dahil Sabrielle's ang pangalan. Isang furniture shop na kailanman ay di ko alam na nagexist. Ang mejo nakakagulat dito, kung bakit pangalan ko ang ginamit nya.

Nakakagulat lang din kasi marami palang kliyente itong Sabrielle's. Ikaw ba naman ang nakahilera ang sold for delivery at reserved na furniture sa labas.

I entered the shop.

Nakakashock din na pagpasok mo sa loob, marami pa ring tao.

"Good Morning po! Welcome, po to Sabrielle's."

I smiled at the guy who greeted me.

"Ma'am Sab?"

Paano nalaman neto ni Kuya ang pangalan ko??? At alam nyo ba mas nakakagulat, para akong nakakatakot kasi tumakbo si Kuya palabas ng shop at iniwan akong nakatayo. Mukha ba akong multo?

Ilang saglit lang, isang magandang babae ang pumasok galing sa back door.

"Good Morning Sab."

"Kilala nyo ako?"

She asked me to come in sa isang opisina. I had my picture there, my picture way back. My picture when all I have is a happy life. A life without hate and grudge, a life full of enjoyment. Hindi lang yun, I even had a sculpture! Sa lagay eh dinaig ko pa ang mga godess of Mt. Olympus!

"Opisina ito ni Ian."

"Nasaan sya?"

"He's sick. He can't talk to you."

"Alam ko, pumunta ako dito para kausapin sya."

"I am afraid he can't."

"Teka sino ka ba?"

She sighed.

"I am Irina."

"His?"

"Closest friend."

I rolled my eyes akala ko naman kung sino. Oh well, as if I care.

"Well then, let me talk to him."

"He can't."

"What?"

"He's sick and seeing you will make him sicker."

Syempre natrigger ang inner Nikkaela ko! I got pissed that instant!

"Teka nga, who are you to be that arrogant to me?"

"I am his friend who was with him through everything."

"So , Ian's friend who was with him through everything, hindi mo ako papayagang kausapin sya."

"Yes."

"And why?"

"You'll be the death of him!"

"Ha?!"

"If you still have a little conscience, please do not come to see him again, please do not ever talk to him. Leave him alone for his peace."

"Aba! Anong ginawa kong mali?"

Kahit ba naman sa ibang tao, ako mali?!

"You are making his life more miserable! You cause his pain, his heartbreak, his every ---"

"Irina!!!"

I was shocked to see Ian looked sick. Very visible na mahina sya. Kitang kita ang kaputlaan nya. Halata ring hirap sya kumilos.

"Ian." Irina immediately turned to him.

Ian smiled at me.

"Iwan nyo na muna kami."

EnfetteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon