7

340 25 0
                                    

Ian

"Beb."

"Isa ko pang makita talaga Adriano na umaaligid yang Karen na yan sa'yo! Nako sinasabi ko sa'yo talaga. Magkalimutan na."

"Beb."

"Tse!"

"Beb naman."

"Bitawan mo nga ako."

I sighed. Habang tumatagal lalong lumalala ang toyo ng babaeng to. Haii.

"Beb, ui."

"Pre, sinasabi ko sa'yo ha, utang na loob, huwag mong saktan yang si Sab."

"Hindi ko naman sasaktan Pau, alam mo naman kung gaano ko kamahal yan."

"Oo, at pinigilan kita ng ilang ulit. Hindi ba?"

"Mahal ko talaga Pre."

"Ay nako. Bahala ka na. Hindi ka nakinig. Ayaw ko lang na isang araw, sira na ang pagkakaibigan natin."

"Walang ganon Pre. Alam mo naman yang si Sab, may toyo lang."

"Hindi basta toyo yung inis nya kanina ha."

"Nakita nya nga kasi kanina si Karen na kasama ko. Wala naman akong ginagawa. Ayaw tumigil eh."

"Good luck na lang. Si Sab yan."

I sighed. Good luck talaga. Haiii. Pagpasok ko sa classroom iniirapan na lang ako ni Sab.

"Beb, ano gusto mo lunch?"

She remains silent. Ay talaga naman Sabrielle ko oh!

"Beb."

Napakahirap talaga netong kaaway oh. Nung hindi pa kami, kapag galit sya niloloko ko lang na hahalikan ko sya papansinin na ako. Ngayon! Kahit ata lumuhod ako hindi ako papansinin eh. Eto nga't natapos na lang ang klase at lahat hindi pa din namamansin.

"Beb."

Okay, may tao pa pala kaya naman ang sama ng tingin sa akin.

"Ui ano ba naman, tagal nyo dalawa!"

"Una na tayo sa labas Jun."

"Ha? Bakit?"

"Basta!"

Hinila na ni Paulo si Jun palabas, kami na lang ni Sab ang naiwan.

"Beb, takoyaki?"

"Tigilan mo ako Adriano. Hindi ako natutuwa sayo ha."

"Beb naman, nasayo na nga ang phone ko diba? May nakikita ka bang ibang text? May nababasa ka ba sa messenger?"

Sab sighed.

"Sab, wala lang yung kanina. Gusto nyang malaman bakit kami nagbreak. Gusto nya malaman sinong pinalit ko sa kanya. Ganun lang."

And there. Her eyes are still mad.

"Beb."

"Totoo yun Ian?"

"Beb, trust me. Okay?"

Talaga namang inirapan lang ako.

"So ilang takoyaki ba?"

"24."

"Anong gusto mong ulam?"

"Sopas."

"Bati na tayo?"

Sab nodded.

"Cute mo talaga Beb, wag ka magselos, wala kang kaagaw. May reservation ka na nga sa akin."

EnfetteredWhere stories live. Discover now