C H A P T E R 1

1.8K 54 9
                                    


C H A P T E R 1
BAD NEWS OR GOOD NEWS?

A S H E R A ' S  P O V

Nagising ako dahil sa lamig ng sahig.Pilit kong pinagkakasya ang sarili dito sa aking maliit at manipis kong kumot.Pero hindi padin sapat yun napakalamig parin.

Imunulat ko ang mga mata ko at unang tumambad sakin ang bukas na bintana.Kaya pala masyadong malamig hindi pa nakakatulong itong pag tulog ko sa sahig.Wala akong kama o kahit manlang banig.Tanging unan na pinaglumaan na ng panahon at kumot na napakanimis at iksi.Isama nadin natin itong karton na hinihigaan ko ngayon.

Bumangon nalang ako total ay di na din naman ako makakabalik ng tulog.Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa may dingding sa taas ng bintana.
Alas-tres palang ng madaling araw.

Sinubukan kong tumayo pero Hindi kaya ng katawan ko.Tinignan ko ang mga sugat ko.Meron ako sa likod,binti,braso at sa may bandang tiyan.
Naging pinaghalong kulay na ng purple,blue at yellow ang kulay nito

Mukang kailangan ko nang magpa doctor,pero paano ako magpapadoctor kung wala naman akong pera?
Kulang pa nga ang kinikita ko para sa paggawa ng mga assignment ng mga kaklase ko para sa pagkain ko.

Wala din naman akong aasahan kay John na step-father ko since sya pa nga mismo ang umaabuso at hindi ako pinapakain.Wala din naman akong kakampi sa buhay.

Kung lumayas naman ako ay wala din akong pupuntahan at baka mapunta lang din ako sa bahay amponan.Ayoko don baka ang umampon sa akin ay abusuhin lang din ako.

Nag ayos na ako ng sarili ko at saka ko ibinaba ang hagdan pababa dito sa Attic.Dito sa Attic lamang ang kwarto ko.Dito daw ako nararapat.Meron pa namang isang kwarto dito na para talaga sa akin pero simula nang mamatay si mama ay ipinalipat na ako dito ni John sa attic.Kaya ang attic na ang nagsisilbi kong kwarto.

Dahan-dahan akong bumaba ng hadan dahil baka mamaya ay nandito pala sya at magising baka saktan nya nanaman ako.

Idinikit ko ang tenga ko sa pinto ng kanyang kwarto.Pero wala akong naririnig na ingay.Dahan-dahan naman akong bumaba ng hagdan at sinilip kung nandoon sya at mukang wala din tumingin naman ako sa may pintuan at sinilip kung andoon ba ang sapatos nya.Pero wala iyun doon,wala talaga sya.

Anong oras kaya sya uuwi?pero sana wag muna sya umuwi kahit ngayong araw lang para naman makapagpahinga kahit papano ang katawan ko sa mga pananakit nya.

Nag linis nalang muna ako ng bahay.Kahit araw-araw ko itong nililinis ay parang wala pa ding nagbago.Madumi pa din.Inuna ko linisin ang sala kung saan nakakalat nanaman ang mga bote ng alak.

Sinunod ko naman ang kusina.Habang papalapit ako ng papalapit sa lamesa ay unti-unti ko ding mas nakikita ang parang powder na naka kalat dito.Hindi na ako ganon kainosente para hindi malaman kung ano ito.

Drugs

Palagi syang gumagamit nyan.Kaya hindi na ito bago sakin.

6 na nang natapos akong mag linis ng buong bahay.Wala ka na ulit makikitang alikabok sa paligid except nalang sa mga mantsa ng dugo sa mga pader at sahig.

Mga dugo ko

Gawa iyan ng pananakit nya sa akin.Mabilis akong umakyat sa kwarto ko para maka ligo.Ang kagandahan lang din sa attic na ito ay mayroon itong sariling cr.Di ko alam kung pano.

Pagkatapos kung maligo ay inayos ko na muna ang gamit ko.Kunti lang naman ito. Tatlong Notebook na pinagtyatyagaan ko at Dalawang ballpen.

Naka-suot lang din pala ako ng hoody ngayon at tsaka pantalon.Bukod sa wala akong maisusuot na iba ay kailangan ko ding takpan ang mga sugat at pasa ko.Atsaka Wednesday naman ngayon,civilian day namin.Kaya ok lang na kahit ano ang isuot ko.

Bumaba ulit ako para makapagluto ng pagkain.Hindi para sa akin kundi para sa kanya.Hindi ako dito pwede kumain.Kaya naman palagi akong gutom tuwing papasok sa eskwela.

Hindi din naman ako pwedeng pumuslit ng pagkain dahil bilang nya ang mga pagkain dito.Kung hindi man ay naglalabas lang sya ng pagkain na para lang talaga sa kanya at ako na ang bahala mag luto.

Bawat kilos o galaw ko ay kailangan mabilis hindi ako pwede mag bagal-bagal.Kailangan bago sya dumating ay naka-alis na ko.

Nang natapos na ako sa pag-luluto ay inihain ko na lamang ito sa lamesa at lumabas na ako.Balak ko sanang dumaan muna doon sa may karinderya upang kumain kaso bente pesos nalang ang pera ko.Kaya wag nalang.

Pambili ko nalang ito kung sakaling may project man kami ngayon.Pag dating ko sa eskwelahan ay agad akong pumunta sa aking upuan sa likoran.

Wala naman akong kaibigan dito.Para lang akong hangin dito na dinadaan-daanan pwera nakang kung may kailangan sila. Pero mas gusto ko naman Ito kahit papaano dahil walang mang-gugulo sa akin.

Pero syempre gusto ko padin magkaroon dito ng kaibigan. Sometimes I wonder if what it is feels like if you got a friend have by your side.Yung tipong meron kang karamay kahit papano.Yung merong mangungulit sayo.

Kaso ayoko mag first-move.Nahihiya ako. May mga lumalapit pa din naman sa akin yun nga lang ay hindi para maki-pag kaibigan kundi para mag pagawa ng kanilang Assignment tapos ay babayaran nalang nila ako.Yun ang pinagkakakitaan ko.

Buti nalang talaga ay wala akong kailangang bayaran pag dating sa bahay.Di ko alam kung binabayaran ba iyon ni John o sadyang libre lang talaga ang pag tira roon.

Mabilis lang natapos ang klase at pauwi na ako wala pa din akong kain.Sa isang araw swerte ko na kung makakain ako ng isang beses.

Binilisan ko ang paglalakad ko para makauwi agad ako.Hindi naman kalayuan ang paaralan na pinapasukan ko sa tinitirhan ko kaya ok lang na lakarin.

Malapit na ako sa bahay nang may matanaw akong mga pulis sa labas nang tinitirhan ko kaya naman tumakbo na ako para makarating doon.

" U-Uhmm Sir,may problema po ba?" tanong ko sa isang pulis na nasa harap ng pintuan ng tinitirhan ko.Mukhang kanina pa sila kumakatok dito pero walang nag bubukas dahil wala nga ako.

" Oh,Ikaw po ba si Ms,Ashera Bianchi?" tanong nang isang pulis na katabi ng lalaking tinanong ko kanina.

Kinakabahan man ay tumango ako sa kanila bilang pag sang-ayon na ako nga ang tinutukoy nila.

" Sorry Ms,Bianchi pero wag ka po sana mabibigla." Tumango nalamang ako muli.Mukhang hindi pa nila alam kung paano sasabihin sa akin.

" Wala na po ang iyong step-father.Nahulog po ang sasakyan nya sa bangin na kanyang sinasakyan dahil sa kanyang kalasingan....Dead on arrival" sabi ng isang pulis.

Hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko.Patay na sya.Malaya na ba ako?Pero kung patay na sya san naman kaya ako pupulutin?Wala pa ako sa tamang edad.Malamang ay sa ampunan ang bagsak ko nito.

Naputol ang pag-iisip ko nang may sabihing muli ang isang pulis na mas ikinagulat ko.

🍂- Are they My kuya?

Please Vote,Comment and Share my story,Thank You!!

Are they My Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon