C H A P T E R 5

1.1K 39 11
                                    


C H A P T E R 5
MEETING THEM

A S H E R A ' S P O V

" Hey Princess, it's ok. Don't be nervous" pagbasag ni Kuya Blake sa katahimikan. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at minasahe ito dahil kanina pa ito nanginginig.

Medyo nakaka takot din ang dinadaanan namin. Di naman sya as in nakaka takot. Kanina lang kasi ay nasa may highway pa kami pero di ko namalayan na lumiko pala kami sa kung saan. Kung kanina ay puro building ang nakikita ko ngayon naman ay mga puno at mga damo nalang. Mukang masarap mag picnic dito ah. Ang lakas pa ng simoy ng hangin, sige din kasi ang pagaspas ng mga dahon.

Medyo may natatanaw ako sa di kalayuan na isang malaking Gate. Dirediretso lang kasi ang andar namin at sa tingin ko ay pag mamayari nila itong lupain na ito, ganon ba talaga sila kayaman?

Bigla ko na naisip ang totoo ko na ama. Kahit kailanman ay di ko sya nakilala. Hindi ko man ngalang alam kung ano ang itsura nya. Mahal nya kaya ako? Kami?

Kung oo, bat nya kami iniwan? Iniwan nga ba talaga nya kami? Ang dami ko na katanungan pero kahit ni isang sagot ay wala ako na makuha. Kahit kailanman ay walang nabanggit sakin si mama tungkol kay Papa.

Napa tingin ako sa labas ng bintana. Naka pasok na pala kami sa Malaking Gate na iyon. Muling bumalik ang kaba ko. Magugutuhan kaya nila ako?
Paano kapag nalaman nila ang past ko?? The abused?? Tatanggapin pa rin kaya nila ako?

" Hey Princess, We're here. " Napa tingin ako kay kuya Blake. Naka ngiti sya sa akin habang inaalalayan ako pababa ng sasakyan na sya namang sinuklian ko ng isang pilit na ngiti.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Napaka payapa. Napapalibutan ng iba't-ibang klase ng mga halaman ang bahay.. I mean ang mansyon.

It's a freaking Mansion!!!

Nasa gitna ng malawak na lupain ang mansyon at kahit saan ka tumingin ay may makikita kang mga lalaking may mga armas. Mga naka suot sila ng suit, shade's at earpiece.

Mga naka poker face lang din sila. Tumatawa pa kaya sila? Napa kadami din nila ah, ang lalaki pa ng katawan. Ilang taon na kaya sila??

" Nagustuhan mo ba ang lugar ng bago mo na tahanan?" Wow. Nag tagalog sya men. Kanina pa kasi sya nag eenglish eh. Nakaka nosebleed.

" D-dito na po ba talaga ako titira sa inyo k-kuya??"
Tanong ko sa kanya.

" Saatin Princess, Saatin. You're part of the Family amd Yes dito kana titira. Bakit?? Ayaw mo ba??" Mahinahon na sagot nya sa akin. Mas lalo naman akong kinabahan kasi baka magalit sya sa akin.

" A-ah hindi n-naman po sa ganon k-kuya" paumanhin ko dito saka yumuko.

" Hey it's ok, I'm not mad. Tara na, kanina pa sila nag hihintay sa pag dating mo" aya nya sa akin saka kami sabay na pumasok sa mansyon.

Nakakahiyang tumapak sa sahig nila. Sobrang kintab. Pag kapasok mo palang ay hagdanan na agad ang bubungad sa iyo. Kung maganda ang labas ng mansyon, mas maganda din pala dito sa loob. Malamig din dito, dahil may naka bukas na aircon.

" We're Home" Nagulat ako sa bigla nitong pag-sigaw. Sana lang ay hindi nya napansin iyon.

Maya-maya lamang ay nadinig ko na ang mga hakbang ng mga dinosaur- este ng tatlong lalaki. Matatangkad sila at may kalakihan din ang kanilang katawan.

Habang papalapit sila ng papalapit ay mas lalo lang akong kinakabahan kaya naman napahigpit ang pag kapit ko kay Kuya Blake at nag tago na ako sa likod nya.

" Where is She?"

" Yeah, where's my princess?"

Sabi nung dalawang lalaki. Mag kamukha yung dalawang lalaki kaya naman nasisiguro ko na kambal ito. Parehas din silang naka poker face pareho habang yung isa naman ay mukang sobrang excited.

" She's here. Behind me. Hiding....." Sabi nya saka ako sinilip sa likod nya at marahan akong hinila para mapunta ako sa harapan nya. Buti nalang pala at hoodie ang suot ko ngayon kung hindi ay nakita na nila ang mga pasa at sugat ko.

" Uhmm..U-uh H-Hi" sabi ko saka nag small wave sa kanila. Nakita ko naman ang paglambot ng expression ng kambal.

" Awww ang cute-cute mo naman. I'm Ciandrei your third older brother. I can be your best friend and then we will hang out and watch some movies. What's your favorite color? Mine is Neutral colors. Actually anything. It's depends on my mood. Do you-" nahinto lang sya sa pag dadaldal ng takpan nung kambal ang bibig nya. Napapagitnaan kasi sya ng dalawa. Ngumiti nalang ako sa kanya.

" I'm Damon" pagpapakilala sa akin nang isa sa kambal. Ang cool nya tignan sa tingin ko ay bad boy type sya dahil na din sa mga tattoo nya sa braso.

" I'm Damien twin of Damon" kahit na may pag ka cold din ang boses nya ay ngumiti pa din sya sa akin na sya namang sinuklian ko din.

" I'm Ashera Stellina Bianchi, Nice too meet y'all po" sabi ko sabay ngiti at bahagya din ako na yumuko upang mag bigay ng respeto.

D'Rossi ang apelido nila. Habang Bianchi naman ang gamit ko. Apelido iyon ni mama. Nag aalangan pa nga ako kung sasabihin ko pa ba ang apelido na gamit ko eh, baka kasi maoffend ko sila na kung bakit hindi D'Rossi ang gamit ko.

May bumaba na isang lalaki, mas matangkad at mas malaki ang katawan nya kumpara kila kuya Blake. Sa tingin ko ay ito na si Kuya Asher.

Gumilid si kuya Ciandrei para maka daan sya sa gitna nila. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla na lang akong dahan-dahan na lumapit sa kanya. Naka tingin lamang sya sa akin. Mukha syang masungit pero at the same time ay mabait.

Nung nasa harap nya na ako ay kailangan ko pang tumingala para lang makita sya ng maayos. Hinawakan ko lalaylayan ng sleeve nya at marahan itong hinila pababa. Agad nya din namang nakuha ang gusto ko na iparating.

Lumuhod sya sa isa nyang paa para mag kapantay kami. Yung mga mata nya... Katulad ng kay mama.
Kung tititigan mo sya ng maigi ay makikita mo sa kanya ang boy version ni mama.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at hinawakan ko sya sa kanyang pisngi gamit ang isa ko na kamay, pinag mamasdan nya lang din naman ako sa kung ano ang gagawin ko.

Dahan-dahan ko na itinaas ang isa ko na kamay at saka binigyan sya ng..

" Boop"

Kagat-kagat ko ang aking labi pag katapos ko gawin iyun habang naka lagay pa din sa isa ko na kamay sa kanyang pisngi. Naka ngiti lamang sya ngayon habang naka tingin sa akin.

Marahan nya akong hinila sa aking bewang saka nya ako mahigpit na niyakap. Ibinaon ko na lamang ang aking mukha sa kanyang leeg saka ginantihan ang yakap nya ng mas mahigpit.

Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Parang bigla ko nalang gustong umiyak sa bisig nya. Napaka lakas ng tibok ng puso ko. Yung yakap din nya ay napaka komportable. Parang ayaw ko nang bumitaw.

Dati ay pakiramdam ko ay palaging may kulang. Pero ngayon... Parang lahat ng iyon ay biglang napunan.

Ito na ba ang tinatawag nilang lukso ng dugo?

🍂- Are They My kuya??

Please Vote, Comment and Share my Story
Thank you 💖

Are they My Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon