C H A P T E R 4

1K 38 2
                                    


C H A P T E R 4
ARE YOU REALLY MY KUYA??

A S H E R A ' S P O V

" Hi, I'm Blake D'Rossi" pag-papakilala nya sabay luhod sa isa nyang paa para mapantayan ako.

Tinitigan ko sya ng mabuti at ganon din sya sa akin. Maayos na itim na buhok, may pag ka hazel brown din ang kanyang mata katulad ng akin ngunit hindi mo iyon agad mahahalata. Nakikita ko sa kanya si mama, medyo may pag kahawig sila.

He smiles at me, he looks so angelic despite of his tattoo that peaks through his suit. Hindi ko matuloy kung anong tattoo iyon dahil kunti lang naman ang nakikita ko. He has that veiny arms.

" Like the View Princess?" Tanong nya sa akin habang naka smirk.

" Are you really my Kuya??" I ask him while tilting my head to the side. Hindi ko alam pero mostly pag nag tatanong ako nagiging ganyan na nga kusa ang leeg ko.

He chuckles before he answered " Yes I am Your Brother Princess"

" Proof?" Sabi ko sa kanya sabay taas ng kilay at nag cross-arms pa ko. Tinaasan nya lang din ako ng kilay at mas lalo pang lumawak ang ngasi nya.

" Here" sabi nya sabay abot sa akin ng ID nya. Maniniwala na sana ako kaso naalala ko na pwede din pala itong ma peke.

Naalala ko na binigyan pala ako kanina ni Mr. Officer ng number nya para kung sakaling may problema ay pwede ko syang natawagan, kaso ang problema wala naman akong phone.

Napatingin ako kay kuya Blake at naisip na maaring meron syang phone, impossibleng wala dahil sa pormahan nyang yan.

" My phone ka po ba? Pahiram po muna ako" tanong ko sa kanya. Tumayo muna sya at may dinukot sa kanyang bulsa sabay bigay sa akin ng phone. Minsan na akong naka gamit ng ganito dahil pinahiram ako ng teacher ko.

Kinuha ko ito at sinubukan ko na i-dial ang number na ibinigay sa akin kanina. Naka- tatlong ring pa ito bago masagot.

" Hello, Sir Blake?" Tanong ni Mr. Officer mukhang sya nga talaga ang kuya ko.

" Mr. Officer sya po ba talaga ang kuya ko??" Tanong ko dito habang naka tingin kay kuya Blake.

" Oh Ms. Bianchi. Oo ija , sya ang kuya mo" nag pasalamat ako dito saka pinatay ang tawag.

" Soo... Let's go??" Tanong sa akin ni kuya Blake.
Tumango nalang ako dito.

Lumakad kami papunta sa isang magarbong eroplano. Hindi ito katulad ng ibang mga ordinaryong eroplano na nakikita ko.

Kulay itim ito. Napaka-gandang tignan, mukhang lahat ng gamit ay mamahalin. At mas lalo pa akong namangha ng makita ang loob nito. Malawak ang loob, may mga sofa meron din akong nakitang mga pintuan.

Pag pasok mo palang ay sasalubong na sayo ang isang Flight Attendant na naka-tayo sa may gilid. Nung maka-lapit na kami sa kanya ay agad syang yumuko para mag-bigay galang.

May isa pa akong nakita na flight attendant na nag aayos na sa tingin ko ay isang maliit na kusina.

Inalalayan ako ni kuya Blake na maupo sa isang sofa sa tabi ng isang bintana.

" So, How are you? It's been a long time since we last saw you. " Tanong nya sa akin habang umuupo sa aking tabi.

I admit that I am still not comfortable with him. Kakakita ko palang sa kanya habang sya naman ay mukhang sabik na sabik akong makita.

Pero sa kabila noon, mayroong kung ano sa loob ko na gusto ko syang yakapin. Tuwing titignan ko sya, pakiramdam ko nakita ko na sya dati pa.

Di ko namalayan na naka-titig na pala ako sa kanya.

" I'm Doing great, I think" pabulong ko na saad sa aking panghuling linya. Nakita ko ang pag kunot ng noo nya pero kalaunan ay ngumiti din sya.

Naka-tingin lang din sya sa akin habang ang kamay nya naman ay unti-unting tumaas. Kusa akong napa-pikit at napa- atras sa kanya.

Ilang segundo pa ang hinintay ko ng wala akong maramdaman g kahit anong pag tama ng kanyang kamay sa akin.

Unti-unti ko na binuksan ang mata ko. Confusion is the only thing that is written in his face.
Paano ko na ieexplain sa kanya ito ngayon. Akala ko ay sasaktan nya ako.

" W-what was that?" He ask me. Malumanay na may halong lungkot ang kanyang boses. Ni hindi ko manlang masagot ang tanong nya. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko.

" Nevermind, come here" Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya. Isinandal nya ako sa dibdib nya at hinimas himas ang ulo ko.

Di ko namalayan na naka- tulog na pala ako.

********

" Princess, wake up now. We're here" pagising sa akin ng kung sino habang hinihimas ang buhok at likod ko. Parang gusto ko ulit bumalik ng tulog.

Unti-unti kong idinilat ang mata ko at unang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng kuya ko.

" Let's go Princess, your other brothers is waiting for you" o-other brother's? Ilan ba talaga kami?

" I-ilan po ba kayong kuya ko?"

" 5 kaming kuya mo. Si Asher ang Panganay, ako ang pangalawa, sumunod si Damon, Damien and Ciandrei, then You" sabi nya habang inaalalayan ako pababa ng eroplano.

Kahit nung naka baba na kami ay hawak nya padin ang kamay ko. Napaka laki ng kamay nya kumpara sa akin.

Sumakay kami sa nakaparada na sasakyan na sa tingin ko ay sundo namin. Napaka ganda din ng kotse, kumikinang ito sa sobrang kintab at kita ko na din ang reflection ko dito.

" Kuya, Can you tell me more about my other kuya's?" I ask him nung parehas na kaming naka-sakay ng kotse.

" Hmm, come here" pinalapit nya ako sa kanya saka nya ako nikayap ng patagilid. Medyo komportable
Na ako sa kanya ngayon kesa kanina.

" Well, Asher is kinda Strict he's the oldest brother after all. Damon is the bad boy type. He has anger and trust issues. Damien, he's Damon's twin. Unlike Damon, Damien is the quiet type, he spends his time reading book all day. While Ciandrei, he's the most hyper" sabi nya sa akin at ngumuwi pag katapos nyang sabihin sa akin ang tungkol kay kuya Ciandrei.

Nilabas nya muna ang phone nya at mukang may ka text sya.

Di ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Para akong excited na ewan.

" Malapit na tayo, Are you ready Princess??" Sabi nya at ginulo ang buhok ko. Sa klase ng pag tanong nya para naman akong sasabak sa gera.

Pero ready na nga ba ako.

" Yes, I'm ready po" I think.

🍂- Are They My Kuya??

Please Vote, Comment and Share my Story
Thank you (~ ̄³ ̄)~

Are they My Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon