C H A P T E R 18

461 20 16
                                    


C H A P T E R 18
PICTURE's

"Makakahalata saan?"

Gulat kaming napalingon ni kuya Blake sa pinto kung nasaan si kuya Damon na biglaang pumasok.
Parehas kaming naka tingin lamang sa kanya ni Kuya Blake. Malamang ay nag iisip din ito ng madadahilan.

"Tsk,hurry up" saad nito saka sinarang muli ang pinto.

Halos Isang minutong katahimikan ang bumalot sa'min ni Kuya Blake bago kami maka balik sa aming sarili.

"My god, I've never sweat like this in my life."

Ako naman ay parang nabunutan ng tinik. Nakakita ako ng tissue kaya naman kinuha ko ito at pinamunas sa mga namuong pawis sa aking mukha.

"Tissue,kuya?" pag o-offer ko sa kanya. Para kasi syang nag hilamos ng pawis.

Tinanggap nya din naman ang tissue matapos tanggalin ang kanyang gloves na suot. Tinanggal nya na din ang kanyang mask.

"Do you want some water?I have here" di na nito hinintay ang aking sagot at basta nalang na ibinigay sa'kin ang isang bote ng malamig na tubig.

"Were not done yet.Ipapa X-ray pa kita tapos ipapa test din natin ang dugo mo" saad nitong muli habang may kinakalikot sa kanyang mga gamit.

"Need pa po ba 'yun?" tanong ko dito kahit na alam ko naman sa sarili ko na kailangan talaga 'yun.

"Yes Princess, need 'yun. We have to make sure na okay ang kalagayan mo."

It took us more than 2 hours para lang magawa lahat ng test. Dugo, ihi and sa pag dumi, X-ray and everything. Natagalan lang kami sa pag hihintay.

Kami na muna ni Kuya Blake ang nag uusap dito sa office nya bago nya ipaalam sa iba. I'm so glad na naiintindihan nya ako.

"All is normal naman though kulang ka sa Vitamins and tubig, you're dehydrated. "

Tatango tango lang ako sa mga pinag sasabi ni kuya. Wala din kasi akong gaanong maintindihan. May mga sinasabi sya about sa dugo ko at katawan ko pero parang lumulutang talaga ang utak ko.

Nagulat na nga lang ako na may humihimas himas na sa ulo ko.

"You okay?" saad ni Kuya Damien na nasa aking likod. Malamig ang kanyang boses at tila ba hinding hindi ako masasanay dito.

Nakaka panaas balahibo din kasi ang boses nya. Pwede sya sa mga horror movies. Voice actor, for sure malaki ang kikitain nya sa ganon.

"Kuya,gusto mo ng pang side line?" sabi ko sa kanya at sumandal na din sa kanyang dibdib.

"What?" tanong nitong nag tataka. Natigil din ang pag hihimas nya sa akinh ulo.

"May nakita ako kanina, wanted for voice actor daw.Pwede ka doon,lalo na for horror movies." sabi ko naman na tuwang tuwa pa. Kumunot lamang ang kanyang noo saka bahagyang napangisi pero agad din itong nawala.

"I've already contacted our other relatives. Pupunta daw sila before mag pasukan ang mga bata." saad ni kuya Asher. Sana unti lang sila. Di ako gaanong marunong makipag socialize sa ibang tao.

Kung pwede lang mag kulong sa kwarto eh ginawa ko na.

"Does that mean that tita Marie will be there too?" kuya Ciandrie asked.

Paanong nandito na agad silang lahat sa office na 'to ng di ko man lang nararamdaman? Ganon ba ako ka tulala kanina?

"Yes ofcourse,sya pa ba" saad naman ni kuya Blake na sinamahan ng pag iling iling ng ulo na tila ba di sya natutuwa rito.

Para akong lost puppy sa kanila. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila.

"Pag ka uwi natin ipapakita ko sa'yo ang ibang family pictures natin para naman kahit papano ay may makilala ka sa kanila at di ka gaanong mabigla."

at 'yun nga ang nangyari. Pinag pahinga lang nila ako saglit sa kwarto ko at maya-maya ay pumasok din dito si Kuya Asher kasama si Kuya Blake dala dala ang apat na makapal na mistulang libro.

Pero pictures talaga 'yun. Mukha lang libro, ang ganda din ng pag kaka design dito. Halatang lumang luma na pero maganda pa din.

"That's your tita and tito,I mean our tita and tito. Tita Marie is the only sibling of mom and his husband is tito Gary"

Naka tingin lamang ako sa kanilang litrato. Kamukhang-kamukha ni Tita Marie si mama sa picture pa lamang. Luma na ang litratong ito kaya mukhang bata pa sya dito. Siguro ay nasa 20's na sya nito.

Si Tito Gary naman, ay malaki ang pangangatawan at halatang mas matanda ng kunti kay Tita Marie. Parehas silang mukhang respetadong tao at may kaya sa buhay.

"Felix and Khalix,their sons. Mas matanda si Felix ng tatlong taon kay Khalix"

Saad nito habang naka turo ang kanyang kamay sa dalawang lalaking nasa panibagong litrato. Mukhang bago pa lamang ang litratong ito kumpara doon sa una. Malalaki na din kasi sila dito at may katandaan na din sila Tita Marie dito.

"This is Tiyo Stefano and his wife Tiya Lucia. Panganay sa kanilang mag kakapatid. He handle his own business aside from the business that we have. This is their sons, Blake and Blaze. I'm not sure sa age nila basta alam ko mas matanda si Blaze. Or baka si Blake" saad nito at binulong nalang ang pang huling sinabi dahil hindi talaga sya sigurado. Pero kahit ganon ay narinig ko pa din ito dahil mag katabi nga lang kami.

Tinignan ko ito at ngumiwi sa kanya na tila ba natutuwa pa.

"What? you can't blame me. Ang dami-dami natin" namomroblemang saad nya. Sabagay nga naman at marami din syang inaasikaso.

Umiling iling na lamang ako sa kanyang inasta at pinag-masdan na lamang ang mga litrato. Sabi n'ya ang ibang relatives raw namin ay wala na, hindi nya nasabi ang rason kung bakit kaya ang iba daw sa mga pinsan ko ay wala nang magulang.

Isa na doon sina kuya Stefano, kuya Valeran,Kuya Jack at Mace. Hindi sila mag kakapatid, pare-parehas silang mga only child ng kanilang magulang na sa kasamaang palad ay wala na.

Si Mace, hindi ko sigurado kung babae ba sya o lalaki. Kung mas matanda ba sa'kin o bata, hindi nasabi ni kuya dahil nag mamadali syang umalis.

May emergency daw kasi sa kompanya. Natatakot ako, paano kung hindi ako tanggap ng ibang relatives namin? paano kung mag duda sila na kapatid ba talaga ako nila Kuya. Understandable naman iyon kung sakali, sa tanggal ko na wala sa tabi nila may posibilidad na patay na ako sa mga isipan nila.

----------------------------------------------------

Hand's Up kung naka limutan mo password mo here sa Wattpad:
✋🏻✋🏻✋🏻✋🏻✋🏻

Sorryyyy!! that's the reason po kaya hindi ako nakapag update. Nareceive ko po mga messages nyo, ito na po ang hinihintay nyo hehehehhe.

Are they My Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon