C H A P T E R 2

1.3K 48 7
                                    


C H A P T E R 2
WHAT IF?

A S H E R A' S P O V

I Actually have a freaking brothers.

May mga kuya ako.Hindi ko alam kung paano ako mag rereact.Should I be mad,scared,or just be grateful?

Ang daming tanong na napasok sa isip ko. Alam ba nilang may kapatid sila?Tanggap kaya nila ako?Hindi pa din nag aabsorb sa akin hanggang ngayon ang sinabi sa akin ng mga pulis.

Meron daw akong mga kuya.Tatawagan daw nila ang mga kuya ko para ipaalam daw sa kanila ang kalagayan ko.

Sabi nila ay ayusin ko na daw ang mga gamit ko para handa daw ako kung sa kali.Babalikan daw nila ako dito basta wag lang daw muna ako dito aalis.Binilhan din nila ako ng makakain para hindi daw ako gutomin kaya naman labis ang pasasalamat ko sa kanila.Buti nalang at mababait sila.

Pero paano kung hindi nila ako tanggap?Ano na lang ang mangyayari sa akin?Dadalhin kaya nila ako sa bahay ampunan kung hindi ako tanggap ng mga kuya ko?Paano kung abusuhin lang din ako ng mga kuya ko?Paano kung katulad lang din sila ni John?

Iniisip ko palang iyon ay naaawa na ako sa sarili ko. Wala akong patutunguhan.Kung buhay pa kaya si mama mangyayari pa din ba kaya sa akin ito?Maghihirap ba ako ng ganito?

Inayos ko nalang ang mga gamit ko.Kinuha ko ang isang maliit na maleta ko. Bigay ito sa akin ni mama noong nabubuhay pa sya para daw kung emergency ay mayroon akong malalagyan ng gamit.Hanggang sa baywang ko lang ang taas ng maletang ito.Tama na para sa mga gamit ko.

3 pantalon,2 shorts,2 leggings,7 T-shirts, 5 underwears at 4 Sports bra.Isama mo na din ang 3 dress na meron ako pati dalawang jacket at hoodie.Nilagay ko iyon sa maleta ko.Yan lang ang damit na meron ako, yung kinikita ko sa pag gawa ng Assignments ng mga kaklase ko ay iniipon ko para may pambili ako ng mga pangangailangan ko.

Masyado pang malaki ang space ng maleta ko kaya naman nilagay ko doon ang mga importanteng papeles ko at ni mama ko baka kasi sakaling kailanganin din ang kanya.Nilagay ko din doon ang Health kit ko saka sanitary kit. Pumunta ako sa kwarto ni John at tinignan ko kung sakaling may makuha ako.Pag pasok ko palang sa kwarto nya ay amoy ko na agad ang alak.

Tinignan ko ang drawer nya at may nakita ako na pera.Binilang ko iyun,500 pesos. Kinuha ko nalang ito dahil baka sakaling kailanganin ko dahil wala na din akong pera.Nakita ko ang susi ng kwarto ni mama sa bedside table nya kaya naman kinuha ko ito.

Pumunta ako sa kwarto ni mama.Pag kabukas ko palang ng pinto ay umihip agad ang isang malamig na hangin galing sa kwarto nya.Nag sitaasan ang mga balahibo ko. Feeling ko pinapanood nya kung ano ang ginagawa ko dito sa kwarto nya.

" Ma,andito ka po ba?Wag mo po ako tatakotin ma ha.Alam mo naman po na matatakutin ako."

Hindi pa din ako umaalis sa hamba ng pinto,nakiki-ramdam muna ako.
Muling umihip ang malamig na hangin.
Pero sa pag kakataong ito ay hindi na ako natakot mukhang andito nga si mama.

" Ang tagal na po kitang hindi nakikita at nakaka-sama,namimiss na kita mama.Kukunin ko lang po sana ang iba sa mga gamit nyo na sa tingin ko ay kakailanganin ko. Pang Remembrance lang po sana.Aalis na po kasi ako dito.Gabayan mo po sana ako palagi mama."

Habang sinasabi ko iyon ay pumunta na ako sa vanity table nya na ngayon ay wala nang salamin.Kinuha ko ang mga alahas nya.Gusto ko itong itago.
Kinuha ko din ang pabango nya,hindi pa naman ito expired.Gusto ko naamoy ko pa din ang amoy nya.Kinuha ko din ang litrato nya.Gusto ko kahit papaano nakikita ko pa din sya.

" Ma,kukunin ko po ang mga ito ha."

Pag kasabi ko noon ay lumabas na ako sa kwarto nya saka bumalik sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko.Nang matapos ako ay bumaba na ako dala ang maleta ko.Hindi naman sya mabigat kahit madami syang laman.

Pumunta ako sa kusina at inihanda ng makakain ko.
Pag katapos ko kumain ay merong kumatok sa pintuan anong oras naba.9 pm na pala pag tingin ko sa orasan.

" Tao po!! Si Officer James po ito galing sa **** police Station" 

Agad ko syang pinag buksan ng pintuan.Ang laki ng ngiti nya pag harap nya sa akin.Sya yung kasama ng isang police kanina.

" Ano po iyon?Pasok ka po muna Sir" pumasok din naman sya at pina-upo ko din sya doon sa upuan.Napa-dako ang tingin ko doon sa bagsag na salamin at doon ko lang napansin na hindi pa pala ako nakakapag-bihis.

" May maganda po akong balita sa iyo Miss, Bianchi." sinenyasan ko syang mag patuloy. " Kukunin ka na ng mga kuya mo,saka tunayan nya eh matagal ka na daw din nilang hinahanap pati ang yumao mo na ina" sabi nya saka ngumiti ng malungkot sa akin. Tanging pilit na ngiti lamang ang naisukli ko sa kanya.

Mukang naaalala ko na sya.Sa pag-kakatanda ko ay isa din sya sa mga pulis na tumulong sa akin sa pag kamatay ng nanay ko.

Pinahanda nya na ako para maka-alis na kami at hihintayin nya na lamang daw ako doon sa Upuan kaya naman dali-dali akong umakyat sa kwarto ko at binaliwala muna ang pananakit ng mga sugat ko.Ayaw ko naman na basta-basta nalang uminom ng mga gamot dahil baka ikapahamak ko pa iyon.

Naligo muna ako sandali saka nag palit ng damit.Inispray ko din sa akin ang pabango ni Mama,paki-ramdam ko ay kasama ko padin sya.

Bumaba na ako sa attic dala ang maleta ko at dumeretso muna sa kwarto ni mama.Kumatok muna ako bago pumasok.

" Ma,aalis na po ako.Gabayan nyo po ako ha.Mahal na mahal po kita mama" muling umihip ang malamig na hangin na parang pumalibot sa akin.Niyayakap siguro ako ni mama ngayon.

" Bye mama" Noong nawala na ang hangin ay saka lang ako lumabas ng kwarto nya saka pinunasan ang isang takas na luha.

"Handa ka na ba?" tanong sa akin ni Officer James pag kababa ko.Tanging pag tango lamang ang naisagot ko sakanya.

Sumakay kami sa sasakyan nya saka pumunta sa Airport.Sabi nya kasi ay hinihintay ako doon ng isa sa mga kuya ko na susundo sa akin.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.Basta ang alam ko lang ay kinakabahan ako.Habang palapit kami ng palapit sa Airport ay sya namang mas lalong pag bilis ng tibok ng puso ko.

Gabayan sana ako ni Mama.

🍂- Are They My kuya?

Please Vote ,Comment and Share my Story!!!
Thank You </33

Are they My Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon