C H A P T E R 11

949 30 3
                                    


C H A P T E R  11
S W I N G

A S H E R A ' S   P O V

Hindi ako maka tulog. Mag iisang oras na siguro ako na naka tulala lang sa kisame ng kwarto pero hanggang ngayon ay di pa din ako tinatamaan ng antok.

Ano ba ang pwede ko na gawin para maka tulog? Inaantok ako pero di naman ako maka tulog. Nabilang ko na nga ata ang lahat ng hayop para lang maka tulog ako.

Tumayo ako sa aking higaan saka pumunta sa banyo upang maligo na lamang. Ngayon nga pala kami mamimili.

May nakita ako na damit sa may cr ko. Bat di ko to napansin kanina?

It's just a simple jeans with some undergarments and a big hoodie which I assumed to be owned by one of my brothers.

Umabot sa tuhod ko ang haba ng hoodie kaya naman inipit ko nalang ang harap na laylayan nito sa pants ko para naman hindi ako mag mukhang hanger.

Gusto ko na lumabas. Pero saan naman ako pupunta?

Naisipan ko na pumunta nalang sa kanilang sala at tumunganga nalang doon.

**********

" Fifty- Four...Fifty-Five...Fifty-Six... Fifty-Seven...Fifty-achiiiiiii!!"

" Pfftt"

Agad naman akong napa tingin sa likod ko nang may narinig akong tumawa. Doon ay nakita ko si Kuya Damien na naka tayo sa may likod ko habang pinapanood ang ginagawa ko.

Binibilang ko lang naman yung mga bulaklak eh.

May malaking vase kasi na naka lagay dito sa may tabi ng bintana dito sa sala na puro flowers ang naka-lagay, iba't-ibang klase ito ng bulaklak. Pamilyar ako sa iba pero ang iba naman ay hindi kaya naman dahil sa boredom ay binilang ko nalang ito.

" What are you doing there? Ang aga mo nagising ah" sabi ni kuya habang naka ngiti at naka tingin sa akin.

" A-ahh binibilang k-ko lang p-po yung flowers kuya" sagot ko dito saka yumuko at pinag laruan na lamang ang daliri ko.

" You must be bored. Come, I'll tour you around the house"

Sabi nito kaya naman agad akong napa lapit sa kanya but not before leaving a small distance between us.

Una nya sa aking pinakita ang Library ng bahay. Napaka laki ng espasyo sa loob at napaka raming mga book shelves na puno ng libro. May roon din ditong sofa bed saka mga mat's na may mga unan para kung gusto mo na pumwesto sa sahig.

Sunod naman naming pinuntahan ang music room at theater room. Ang music room ay puno ng mga instruments at ang theater room naman ay mukhang sinehan. Dito siguro sila nag bobonding na mag kakapatid. Medyo madilim sa loob ng theater room dahil mga maliliit na ilaw lamang ang naka bukas pero sapat pa din naman ito upang makita mo ng maayos ang paligid mo.

Ipinakita din sa akin ni kuya Damien ang daan papuntang work place nila, pero di na nya ako dinala pa doon sa mismong lugar. Bago ka kasi maka dating sa work place nila ay may bubuksan ka muna na pinto, sliding door ito at may password. Sa loob daw noon ay isang hallway na patungo sa kanilang tinatrabahuhan.

Naka pwesto lang ako ngayon dito sa may pinto nito na binuksan ni kuya Damien. Tinignan ko ng mabuti ang hallway, malinis ito at kulay itim din ang pintura ng mga dingding. May ilaw din naman dito pero kahit ganoon ay di ko pa din matanaw ang end ng hallway. Masyado kasing madilim ang part na yun kaya't hindi ko makita.

Sunod na pinakita ulit sa akin ni kuya ang maids quarter, gym room, garden, indoor pool and basketball court. Saka nya ako dinala ulit sa kitchen upang pakainin ako kahit di pa naman ako gutom.

Sa totoo lang ay nakaka pagod ang tour na ginawa namin. Sumasakit ang paa ko, pati ang mga sugat at pasa ko ay kumikirot.

" Hey, are you ok? You look pale." Napa-baling ang tingin ko kay kuya Damien dahil sa kanyang sinabi.

" Ok lang po ako." Sagot ko dito at ngumiti ng bahagya ngunit agad din akong napa ngiwi dahil sa biglaang pag sakit ng aking tagiliran.

" You know what, come on let's rest for a while." Sabi ni kuya saka hinawakan ang aking kamay.

Inalalayan ako nito patungo sa garden. Mayroon kasi roon na fountain na may angel sa taas na may hawak na sanggol. Sa likod naman nun ay mga hilera ng puno.

Dinala ako ni kuya sa likod ng mga puno at doon ko nakita ang isang swing na naka sabit sa isang puno. Malaki ang puno maski ang sanga nito.

Ang tali ng duyan ay napapa ikotan na nang mga dahon ngunit mas napa ganda lang nito ang duyan. Mukhang bago pa lang ang upuan ng duyan dahil malinis ito at makapal at maayos na kahoy na ang upuan.

" This swing was built by our father. Matagal na to dito. He made this for you, kaso lang nawala ka naman. He was so excited nung malaman nya na mag kakaroon na sya ng babaeng anak but he was also devasted nung nalaman nyang may kumuha sayo."

Malumanay na malungkot ang boses ni kuya habang sinasabi ang mga ito sa akin.He looks about to cry but he manage to blinked it away.

Gusto ko makita ang papa ko. Bakit nga ba ako kinuha? May mga ginawa ba sila na kasalanan doon sa dumukot sa akin? Sa tingin ko naman ay wala.

" Wanna ride it?" Tanong nito sa akin na agad ko na ikinatango.

Inalalayan ako nito paupo sa duyan. Humawak ako sa dalawang tali nito saka ako mahinang itinulak-tulak ni Kuya Damien.

" Inaayos namin 'tong duyan every year. Palagi naming pinapalitan ang upuan nito maski ang tali ay palagi naming chine-check  just to make sure na maayos pa din ito. But you know what surprised us? That this rope was so strong. Never pa namin ito pinalitan."

Sabi nya sa akin habang bahagya pa na hinihila ang mga tali. Makapal din kasi ang tali na ito na ginamit dito sa duyan.

" We always wait for you to come home. Kuya Asher always look for you. He use all of his power just for you. And now that you're here already we're gonna make sure that no one can take you away from us again. No one."

🍂- Are they My Kuya

Sorry for wrong grammar's and spelling.
Thank you 💖

Are they My Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon