C H A P T E R 15

658 23 9
                                    

This story is made by my own imagination, any resemblance from any other story is purely coincidental.

•~•~•~•~•~•~•~

C H A P T E R 15
BAD DAMON

"Call your kuya Asher in his office, strawberry" saad ni kuya Damien. I just looked at him dumbfounded, paano ko matatawag si kuya Asher kung mahigpit akong yakap ng isang kuya ko na 'to.

"Oh yeah, your trap HAHAHA" he chuckled. It sounds so manly, all of them has this deep voice except kay kuya Ciandrei na madalas eh mas matinis pa sa babae ang boses.

"I heard my name, what's the matter?" biglang pag sulpot ni Kuya Asher na naging sanhi ng pag kagulat ni kuya Ciandrei na natutulog habang naka yakap sa akin.

" what??" tanong ni kuya Ciandrei habang nanlalaki ang mata at nililibot ang tingin sa amin nila Kuya Asher.


Napahilot nalang sa sentido si Kuya Asher ng makita nya ang kalagayan ni Kuya Ciandrei.


" Ano nanaman 'to Ciandrei?" namomroblema na tanong ni kuya Asher kay Kuya Ciandrei na syang ikinaungot nito at mas lalong nag sumiksik sa leeg ko.


Amoy na amoy ko sa kanya ang pinag halong amoy ng alak, sigarilyo, pawis at pabango. Pero di ko masabi na mabaho sya kasi kahit ganoon ay di ko pa din maitanggi na mabango pa din sya, siguro perfume na mismo ang pawis nya.



Lumapit sa amin si Kuya Asher saka kinalabit-kalabit si Kuya Ciandrei para sagutin ang tanong nito sa kanya kanina.



"Ciandrei.." malambing na pag tawag sa kanya ni kuya Asher habang dahan dahan na nilalapit ang kanyang kamay sa leeg ni kuya Ciandrei upang kilitiin ito.


Bumubungisngis na si kuya Ciandrei habang naka yakap pa din sa akin, sa tuwing nakikiliti sya ay mas lalo syang nag susumiksik sa aking leeg dahilan upang ako din ay makiliti dahil sa pag dampi ng mainit na hininga nito sa aking balat.


"Come on Cian, get up now. Pinipitpit mo na ang bunso natin" muling saad ni kuya Asher. Bahagyang dumilat si kuya Ciandrei at tiningala ako habang naka nguso, pilit naman syang hinihila ng mahina ni Kuya Asher patayo at nag paubaya naman din ito.


" Nightt Bunso! Night Night Kuya Damiennn!!" maligalig na saad ni Kuya Ciandrei na nag tatatalon pa habang naka alakay sa kanya si kuya Asher dahilan upang kurutin sya nito sa bewang na ikinabungisngis nya lamang.


" Why are you still awake at this time, strawberry?" kuya Damien asked. Nag hahanap ito ngayon sa ref ng kung anong kanyang pwedeng makain.


Halos puno naman ang ref pero sa tingin ko ay wala syang bet dito.


"Strawberry?" nag tatakang tanong ko dito. Bakit nga ba sa dinami daming sweet endearments na pwede nyang itawag sa akin eh strawberry pa.


I mean it's cute though, I'm just curious.


"You want some strawberry?" tanong nito sa akin saka abot sa akin ng lagayan na may mga strawberry.

Akala nya ata nanghihingi ako.

"Noo po, I mean bakit po strawberry tawag mo sa'kin?" tanong ko ulit dito saka itinabingi ang aking ulo habang naka tingala sa kanya.

Hanggang tyan lang ako sis

"Ohhh, Okay. You just smell like strawberries, that's why" saad nito at saka ginulo ang aking buhok.


"Why are you still awake by the way. You were supposed to be asleep at this time."


" I-I can't sleep"


Napabuntong hininga na lamang ito saka ngumiti. Dinala nya ang strawberry na kanyang bitbit doon sa may counter kung saan naka lagay ang blender. Kumuha din sya ng gatas.


Muling napabaling ang aking atensyon kay Kuya Asher na ngayon ay papalapit sa akin. Hinalikan ako nito sa noo saka mariin na tumingin sa akin habang naka hawak ang mga kamay sa aking pisngi.



" Ipapa check up ka namin later, is it okay?" marahan na pag kakasabi nito sa akin na tila ingat na ingat sa pag bibitaw nya ng salita.



"p-pero.." hindi ko alam kung paano ko itutuloy ang aking gustong sabihin.



Wala akong mairason sa kanya na pag sabi na hindi ko ito gusto, na ayoko mag pa check up. Hindi ko masabing okay naman ang aking kalusugan dahil halata naman sa aking katawan ang pag kakulang ko ng resistensya.



" Princess, you need this. Ayoko sana sabihin 'to pero halata naman na hindi ka healthy, na hindi ka na aalagaan ng maayos. We need to go to the doctor para malaman natin kung anong pwede natin gawin, kung anong mga pwede at bawal sa'yo"



Naalala ko ang aking mga sugat na pilit ko na ginagawang sikreto sa kanila. Pag pumayag akong mag pa check up sigurado akong malalaman nila ang tungkol sa pang aabuso sa akin ng step-dad ko.



Pero kung hindi ako mag papa check up, may posibilidad na ma infection ang aking mga pasa at sugat at maari itong maging dahilan ng aking pag ka dedz. Alam ko naman sa aking sarili na mahina ang aking katawan. Madali akong mapagod at pakiramdam ko ay kunting kilos ko lamang ay babagsak na ako.



Madalas din akong mahirapan huminga. Mas maganda na din talaga siguro na mag pa check up ako.



Sa maikling panahon na kasama ko sila, sigurado akong mapag kakatiwalaan ko sila at hindi nila ako sasaktan lalo na si kuya Asher. Ramdam ko ang kanilang pag mamahal sa akin.



"S-sige po, payag po a-ako" desididong sagot ko dito na sya naman na ikinangiti nito.



"Here, have some strawberry milkshake." gamit ang aking nanlalamig na kamay ay aking kinuha ang baso na inaabot sa akin ni kuya Damien.



Pinapanood lang ng dalawa ko na kuya kung anong magiging reaction ko sa ginawang milk shake ni kuya Damien.


Mataas ang baso na ginamit ni kuya na lagayan ng inumin ko na ito. May pag ka pink ang kulay ng inumin ko dahil nga sa strawberry ito, mayroon din itong hinating apat na strawberry sa taas ng inumin na nag sisilbing toppings nito.


Unti-unti akong humigop ng inom dito gamit ang straw saka kinuha ang isang hiwa ng strawberry sa ibabaw nito.


"H-how was it?" tanong ni kuya Damien sa akin. Hindi man nya pinapakita ay alam ko nang kinakabahan sya.


Inilapag ko ang baso sa may counter na nasa likod ko lamang. Lumapit ako kay kuya Damien at saka sya dinamba ng yakap.

"T-thank you k-kuya. I really liked it" sabi ko dito, ginulo nito ang aking buhok. Tiningala ko ito at hindi naka-lampas ang aking paningin ang munting ngiti na naka ukit sa kanyang mapulang labi.

"How about me princess? where's my hug?" kunwaring nag tatampo na tanong ni kuya Asher sa akin kaya naman agad ko din syang binigyan ng isang mahigpit na yakap hanggang sa tatlo na kaming nag yayakapan.

Wag sana nila akong biguin at wag ko sanang pag sisihan ang naging desisyon ko.

•~•~•~•~

Merry Christmas to all, sorry po ngayon lang. Masyado lang po na busy pero unti-unti na din po ako nag susulat ulit hehe. Thank you po sa lahat ng nag s-support sa akin, I really appreciate it po.

Enjoy Reading!!💗

Are they My Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon