C H A P T E R 17

737 32 21
                                    


C H A P T E R 17
MARKS

A S H E R A ' S P O V

Nanginginig ang mga kamay ko na umupo sa kama ng kwarto dito. Naka alalay ang kamay ni Kuya Asher sa likod ko na tila ba ramdam na ramdam nya ang kaba ko.

"Hey, it'll gonna be okay. Calm down" saad ni Kuya Asher sa akin gamit ang mahinahon nitong boses.

"Y-you don't understand, kuya" pabulong ko na saad sa kanya habang maluha luhang tinignan sya sa mata. Kitang kita ko ang pag kakunot ng kanyang noo na tila ba naguguluhan sa aking sinabi.

May sasabihin pa sana sya ngunit bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang kung sino.

"Well, hi there princess"

Gulat akong napa tingin kay Kuya Blake na ngayon ay nasa harap na namin ni Kuya Asher.

"K-kuya Blake? Ano po gina-"

" Let me Introduce myself to you our lady. My name is Blake D'Rossi, your doctor" putol nito sa aking sasabihin. Magaan ang kanilang mga naging ngiti na naging sanhi ng mas lalo 'kong pangangamba.

" Kuya mag back out nalang kaya ako?" tanong ko kay Kuya Asher na syang ikinangiti at iling nya lamang sa akin at hinawakan ang mga balikat ko.

Wala na talaga akong kawala. Di ako makatakas. Ayaw nila akong pakawalan.

Sana all ayaw pakawalan

"Soo let's start yeah?"

Napatango ako kay Kuya Blake bilang pag sang-ayon.

"Are you comfortable if I stay here, princess?" napatingin ako kay Kuya Asher ng sabihin nya iyon. Unti-unti ay binitawan ko ang kanyang kamay at yumuko.

Kung may makaka alam man ng sikreto ko, mas gugustuhin ko na si Kuya Blake na muna. Hindi pa ako handang malaman ito ng iba kong mga kuya lalo na si Kuya Asher.

Agad namang naintindihan ni Kuya Asher kung anong nais ko na iparating. Ngumiti sya sa akin at hinalikan ang aking noo bago tumango kay Kuya Blake.

Pag kalabas na pag kalabas ni Kuya Asher ay mariin akong tinignan ni kuya Blake. Ang mga mata nya ay tila ba naguguluhan na naawa sa akin.

"Pag kaika ika, pagiging magugulatin sa mga simpleng bagay, pasimpleng pag hawak sa Iba't ibang parte ng katawan, palaging balot ang katawan at pag susuot ng maluluwag na damit. Sa tingin mo ba hindi ko napapansin?"

Agad na nanlaki ang aking mata. Di ako maka pag salita, natatakot akong tumingin sa kanya. So all this time, alam nya?

" Ashera, mag sabi ka sa akin ng totoo. Inaabuso ka ba sa dati mong tinitirhan?"

Unti-unting nanlabo ang aking mga mata. Wala akong nagawa kundi ang tumango kasbay ng pag tulo ng aking luha. Wala na akong rason para mag sinungaling, isa syang doctor at kitang kita nya ang mga sintomas.

"Gaano na katagal?" umiwas ako ng tingin saka sinagot ang kanyan tanong.

“I was 5 when it all starts. Birthday ko nun nung dinala sya ni mama sa bahay. She introduced him to me as my papa, but I never called him that. 1 and 2 month with him is okay. W-we really look like a perfect family” nag simulang manginig ang labi ko habang nag papatuloy ako sa pag kwento.

“November 1, exactly 12 am.He came home, drunk and his eyes are so red. His t-shirt was covered with blood. Di ko na maalala kung anong eksaktong nangyari basta bigla nalang nyang sinampal si mama, nasa kwarto lang ako nun at naka silip.I didn't know what to do. Hanggang sa...nag tuloy-tuloy na. Palagi na syang umuuwing ganon,walang araw na di nya sinasaktan si mama”

Nanatili akong naka yuko habang pinipilit alalahanin ang mga pang yayari noon. Ewan ko ba, iilan lang ang naaalala ko nung bata pa ako.

“Mama died, doon sya nag simulang saktan ako. Physically and emotionally. Ginawa nya akong katulong nya, pinilit nya akong mag sinungaling sa iba.”

“You wanna know what he did?” this time, nag angat na ako ng tingin at tinignan sya.

"He slapped me everytime that I would not obey him... Whipped me when I did something wrong..
Burned my skin just because he wanted too—"

Ang mga mata nyang walang emosyon ay biglang nag simulang lumuha, ang mga labi'y nag simulang manginig.

"Isang beses lang ako papakainin sa isang araw dahil masyado daw magastos.. ikukulong ako sa kwarto pag nagagalit sya.. pi—"

Naputol ang pag sasalita ko dahil sa pag yakap nya.
Mahigpit ito at punong puno ng pag mamahal,yakap na matagal ko nang inaasam.

“I'm sorry.I'm really sorry, forgive me please.I didn't know,kung alam lang namin na i-inaabuso ka,matagal palang ay kinuha kana namin”
bulong nito sa'kin habang hinihimas himas ang ulo ko.

Kung tutuusin, wala silang kasalanan sa kung anong mga pinag daanan ko pero minsan ay napapaisip din ako. Paano kung... paano kung matagal palang ay alam na nila ang nangyayari sa'kin? bakit ang tagal nilang dumating?

Pero kahit ganon ay nag papasalamat pa din ako 'cause finally I'm saved.

--------

“Okay Princess, you're doing great. Just a little moreeeeeeee... and done” saad ni Kuya Doc habang ginagamot ang sugat ko sa likod.

After ng drama session namin ay ginamot na agad ako nito dahil baka mag taka na ang iba naming kapatid kung bakit ang tagal-tagal namin eh ang usapan ay ichecheck lang ako.

Hindi biro ang pag gamot ni Kuya sa'kin, mag kailang beses syang napamura ng makita ang mga sugat ko. Masyado daw itong malala at may infection na ang iba kaya naman ay agad-agad na din syang kumilos.

“Kuya, promise me na walang makaka alam nito” halos nag mamakaawa ko na sabi sa kanya.

“Princess,a promise is a promise and I don't have any plan on breaking it unless kailangan na kailangan ko na talaga” naka ngiting saad nito na ikinangiti ko din. Naiintindihan ko ang nais nyang iparating sa'kin at okay lang naman sa'kin 'yun.

“Kaya mo bang kumilos? daming benda sa katawan mo eh.Mukha kang mummy" saad nito na agad kong ikinasimangot.

Ang boong stomach at likod ko kasi ay pinalibutan nya ng benda para daw mas secured. Inayos ko na ang damit ko na ipinataas lang sa'kin ni kuya hanggang sa dibdib ko kanina, tama lang para makita nya ang mga sugat ko habang naka dapa ako.

“Wag kang mag gagalaw-galaw ah,baka bumuka ang sugat mo nako yari na” paalala nito sa'kin habang hinuhubad ang kanyang gloves.

“Paano pag naka halata sila?” tanong ko dito ng matapos ako at nag susuot na ng sapatos.

Makahalata saan?”


><

Hi Good Evening, I'm really sorry for the very very very long wait, super busy lang talaga sa acads. Daming hinahabol na activities and projects huhu..
Stay safe everyone! Thank you so much for the support, I really appreciate it:3

Are they My Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon