CHAPTER 3

417 4 0
                                    


Kamusta Valentine's Day niyo?

CHAPTER 3

"Take a seat, may kukunin lang ako."

I know naman na hindi na ito ang una kung pasok dito. Pero ngayon ang unang beses na masilayan ko at maobserbahan ang desinyo ng buong silid. Malaki ito at may parang sariling sala pa habang ang mesa eh nasa may dulo ng kuwarto at sa likod nito ay tanaw ang mga nagtataasang building ng bansa. Gawa kasi sa glass ang ibang bahagi ng dingding ng silid.

Hindi ko tuloy napigilan na tumayo at lumapit sa may babasaging dingding at dinapo ang kamay rito. Isang malaking ngiti ang nabuo sa aking labi dahil sa nararanasan ko. Para akong ibon sa taas ng tanawin at sa lawak ng natatanaw ko. Patawa-tawa kong ibinuka ang braso ko at ginaya iyong sa palabas na Titanic na sina Jack at Rose.

Kapangalan pa ng Ate ko pero malayo naman sa ugali.

"Upo ka muna, Maya." Napatigil naman ako sa ginagawa at nawala ang ngiti ko nang mapagtanto ang inakto ko.

Nagmukha akong bata na ngayon lang nakaranas ng ganito!

Ay ngayon lang pala talaga.

"Ay sorry po." Agad akong sumunod sa sinabi niya at naupo sa pang-isahang mesa doon sa parang sala ng opisina. 

Hindi ko nilalayo ang tingin ko sa babasaging dingding o bintana kahit nararamdaman kong palapit si Sir sa akin.  At tama nga ang hinala ko nang parahan niyang iniyoko ang ulo ko kahit nabigla at sinabihang huwag gumalaw dahil gagamutin niya daw ang sugat ko.

"Does this hurt?" tanong niya patungkol sa paglagay niya ng alcohol sa sugat.

"Opo, Sir pero keri lang."

Hum lang sinagot niya at nang matapos siya ay marahan niyang itinaas ulit ang ulo ko.  At sinabihan na akong bumalik sa trabaho.

Para akong lutang na naglalakad sa pasilyo ng floor na 'to hanggang sa muntik na akong makapilok sa hagdan dahil may nakalimutan akong isang hakbang. Aba gusto talaga ata akong patayin ng hagdan na 'to.

"Puro kamalasan na lang ha, nakakagigil na."

Kahit pagod ang paa ko kakalakad pababa sa hagdan ay wala akong magawa dahil kailangan kong bumalik sa first floor at gawin ang mga trabaho ko. Sana nga lang ay hindi nagtaka ang ibang katrabaho ko na medyo matagal ako nawala.

"3rd floor, argh. Malapit na," gigil kong bulong sa sarili. Kulang na lang ay magdabog ako ng sobra sa bawat hakbang na tinatahak ko.

At nang makatapak ako sa first floor ay parang gusto ko na lang umupo sa sahig. Buti nga at may kunting pasilyo pang dapat lakarin bago makita sa likod ng kompanya kung saan kami naka-assign.

Habang naglalakad ako pabalik sa pwesto ko ay hindi ko mapigilang hindi alalahanin ang naging usapan namin at kung gaano kagaan ang kaniyang mga kamay habang nilalagyan ng alcohol ang sugat ko sabay ihip dito.

"Kapag sobrang sumakit, just say so ha para mag-stop ako," aniya at tumango ako.

Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa totoo lang, ito siguro ang una na may naggamot sa akin na sobrang gentle. Iyong mga naggagamot kasi sa akin ay parang galit. Kesyo napakalampa kaya naaaksidente e hindi ko naman talaga sinasadya.

E kung sila magkasugat tapos sabihan kong laway nila ihugas o ipunas nila sa dugong umagos kasi masasayang ang tubig. Hindi lang nila nararanasan iyong mga pinagdaanan ko sa kanila e.

Tapos kapag may nakitang band aid magtatanong agad ng, "Wow may pambili ka? Nagnakaw ka ng pera sa'kin 'no?" Like hello? Ate, naririnig mo ba sinasabi mo. May ipon din kaya kaunti dahil kapag nasa klase, ginagawa ko iyong assignments ng iba tapos babayaran nila ako.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now