CHAPTER 14

256 4 0
                                    

Chapter 14

"Ma'am bakit naman nangyari 'yon? I thought safe ang mga bata dito? Paano kung hindi naabutan ng mga Kuya niya ng saktong oras? Baka mas lumala pa?"

Nandito ako sa school ni Caly, hindi ko na muna pinapasok at nasa bahay lang ngayon kasama si Rehan kasi okay lang naman daw na mag absent siya kasi kaya niya naman humabol sa klase.

Kausap ko ngayon ang guro nila Caly habang ang mga bata ay nanonood ng cartoon habang nakaupo sa sahig.

"Ayon na nga po eh, nang makabalik ako eh wala na dito si Caly at sabi ng isa kong student na dinala daw sa hospital. Kumuha lang kasi ako ng snack nila sa cafeteria since pasado lahat sila sa test na ginanap namin. Kapag naman tatanungin ko kung anong nangyari, wala namang sasagot."

Matapos namin mag-usap ay lumabas na ako sa classroom nila kasabay ng break nila. Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa classroom ni Mark at may batang sunod ng sunod sa akin hanggang sa napagdesisyonan kong tumigil sa paglalakad at tawagin ang batang lalaki.

"Bakit mo ako sinusundan?" marahan kong tanong.

Nakatungo ito at nilalaro ang mga maliit na daliri.

"Hindi na po hurt si Caly?"

Habang nakatingin ako sa buong kaanyuan ng bata, napagtanto kong baka ito ang tinutukoy ng mga Kuya niya na may crush kay Caly?

Mukhang mamahaling ang school shoes nitong batang ito.

"Hindi na hurt si Caly, nagre-rest na lang siya sa bahay." Napatango-tango ito at nahuli kong napangiti kaya nagtanong ako.

"Alam mo ba kung anong nangyari sa hapon na 'yon? Kung bakit nahimatay si Caly?" Tila bigla itong natakot at akmang aalis na nang hawakan ko ang pulsuhan nito.

"Hindi ako magagalit, gusto ko lang malaman ano nangyari sa Anak ko, sa crush mo." Tumungo ito at biglang namula ang mga tenga.

"Si Axel po, Tita. Nagsagutan po silang dalawa tapos po niaawat ko po kaso ayaw bitawan ni Axel hair ni Caly po. Tapos po bigla na lang pong naiyak si Caly po, siguro po dahil sa sakit ng pagkakahila ng buhok po. Tapos lakas po iyak niya tapos nikalmot ako ni Axel dito po oh," saad nito at tinuro ang likod ng palad niyang may sugat nga dahil may band aid.

"Galit po si Axel kasi crush ko si Caly at hindi si Axel. Perfect po si Caly sa test tapos si Axel may mali isa. Parehas kami perfect ni Caly kaya lalo ko siya naging crush. Tapos ayun po, niaway po ni Axel si Caly po. Tas sobrang iyak ni Caly tapos bigla na lang po siya nahiga sa sahig po tapos hindi po gumising hanggang sa dumating mga Kuya niya po," pagpapatuloy nito at pinunasan pa ang luhang tumakas sa mata nito.

"Sorry po Tita, I hurt Caly po. Dahil po sa'kin kaya po siya na hurt. It's my fault po. Hindi niyo na po ba ibalik si Caly sa room po? Lipat niyo po ba sila ng school? Hindi ko na po ba kita si Caly po? Wag po Tita, please po. I protect Caly na po kahit ayaw ng kuya niya po. Take care of Caly po si Moses po." Nag-promise sign ito at itinuro ang sarili habang pigil na umiyak.

Niyakap ko agad ito at doon na nga umiyak at palaging humihingi ng tawad. Kinarga ko ito at naglakad kami pabalik sa classroom nila at ako na mismo ang nagpaupo nito sa upuan niya at sinabihang tumahan na.

May batang babae agad na lumapit at parang nag-aalala kay Moses bago malditang tumingin sa akin.

"What you do to Moses? Why he cry?" kunot noo nitong tanong sa akin habang nagmamaldita ang boses.

"Wala akong ginawa, he misses Caly he said."

"Caly again, Moses? I'm here oh. I'm here! Lagi si Caly, si Caly, si Caly! Argh!" Padabog itong tumalikod at napatingin ako sa malungkot na mukha ni Moses.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now