CHAPTER 11

283 4 0
                                    

Chapter 11

“You should go, ” ani Achie kay Vix matapos niyang ilayo ang sarili sa babae. 

Nagdadalawang isip pa ako kung lalabas ba ako ulit o dederetso sa mesa ko kasi baka may gusto pa silang gawin na dalawa.

Napagpasyahan ko na lang na lumabas pero nakita ata ni Achie ang bitbit ko kaya nagsalita siya patungkol doon.

“Oh there you go. Akala ko hindi mo kukunin, ipapakuha ko sana sa iba. Akin na 'yan, balik ka na mesa mo.” Agad ko din namang iniabot sa kaniya ang hawak ko at tahimik na dumeretso sa mesa at naupo.

Panay lipat ng pahina ang ginagawa ko kahit hindi ko naman naiintindihan ang mga binabasa ko dahil ayaw nilang magpaintindi sa akin.

“Achie ano ba? Lagi mo na lang ako tinataboy para sa babaeng 'yan!” Kung makapagsalita ay parang wala ako dito ah.

Hindi ko sila pinansin at nagkumwaring nagbabasa kahit walang pumapasok sa kukuti ko kahit isang salita.

“Can you shut it up, Vix? How many times do I have to tell that we are done?” Halata sa tono ng pagsasalita ni Achie ang inis nito.

Hala sige, mag-away kayo dyaan at ako'y makikinig dito sa mesa ko.

“Oh crap. We almost did that thing, Achie! You almost fuck me that night remember?”

Gosh. Wala talagang preno ang bibig ng babaeng 'to. Talagang nilalakasan ang boses para marinig ko ano.

“I was drunk and I mistaken you for someone else. Now leave, please. I still need to prepare for my meeting later. The door is open, you may now leave Vix.”

“Damn it,” bulong ni Vix at malakas na isinarado ang pinto paglabas niya.

Agad ko ding iniangat ang tingin ko sa kaniya at hindi nga ako nagkakamali, nakatingin din siya sa akin. May dumaang emosyon sa mga mata niya. Takot ba iyon?

“TMI, Achie,” pangunguna ko.

“Hindi ko alam kung kailangan kong marinig ang mga salitang 'yon.”

“Im sorry.”

“Sorry for what? For her sharing that you almost fucked her up? No big deal, I almost kissed a guy too so now we're even about each other's information.” Ngumiti ako ay binalik ang atensyon sa libro.

Nakita ko ding kumuyom ang mga kamay nito nang sabihin ko ang sinabi ko patungkol sa halik sa ibang lalaki.

“Sino 'yon?” tanong niya at naramdaman ko na lang ang presensiya na papalapit sa akin at hindi nga ako nagkamali.

Itinaas ko ang tingin ko deretso sa mata niyang nakatitig sa akin.

“Its a secret,” I said with a smirk forming in my lips.

Agad niya akong kinunutan ng noo at mas tumitig. “I won't tell you even if you throw a tantrum.”

“How could you hurt me like that! Did you know that I like and you're telling me, you almost kissed a guy?” Nanigas ako sa kinauupuan ko.

Did he just confess? Did he?! Did he what?!

Parang may nag-aaway sa tyan ko at parang tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa lakas at bilis ng pintig ng puso ko. Sana ay hindi niya marinig.

Yumuko ako at huminga ako ng malalim bago ko itinaas muli ang tingin ko at tumitig sa kaniya. Halatang nagulat din siya sa nilabas ng bibig niya dahil nakahawak ito sa bibig niya and I find it cute---no! Walang cute! Si Caly ang cute!

How could you bring precious Caly in your lovelife!

Dang, my apologies my sweetest Caly Frein.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now