CHAPTER 22

252 4 0
                                    

CHAPTER 22

ILANG ARAW ko nang napapansin ang pagiging mapag-obserba ng mga mata. Para silang praning na ewan. Iyong tipong kapag pumapasok ako sa kwarto ay agad na nag-iiba ang aksyon nila na parang may tinatago.

Ilang beses ko na ding tinanong sila kung anong problema ngunit sasabihin namang wala. Pati si Caly ay pinilit kong tanungin ngunit sinasabi na wala daw talaga. Iniisip ko na lang na baka dahil iyon sa kakanood nila ng horror movie the halos araw araw sa isang linggo.

Tulad ngayon, nasa kusina ako at naghuhugas habang rinig ko naman ang mga kaluskos nila kwarto na sarado. Alam kong may pinag-uusapan sila pero hindi ko gaano naririnig dahil na din sa sobrang hina ng boses nila. Basta ang nabuo lang sa utak ko ay iyong sinabi ni Rehan.

"Magagalit si Mama." Ayan lang 'yong narinig ko dahil hindi na kaya ng pandinig ko.

"Hoy ginagawa mo d'yan?" Napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Nemesis ang naroon habang may hawak na chichirya at ngumunguya.

"Wala, nag-aalala lang ako sa mga bata." Napatango ito at sinabihan na huwag ako mag-alala at magtiwala lang sa mga bata bago nagpaalam na babalik sa sala at manonood ng telebisyon.

Pailing-iling akong bumalik sa kusina at itinuloy ang naudlot na paggawa ng meryenda hanggang sa tinawag ko na ang mga bata para makakain.

Kahit na alam kong may tinatago sa akin ang mga bata ay nagpanggap na lamang ako ba walang alam at walang napapansin. Ang ganoong pangyayari at akto ay ginampanan ko hanggang sa umabot ng isang linggo at ako'y napupuno na.

"Rehan, ibigay mo na muna sa akin ang laptop ang cellphone mo. No buts, just give it to me."

Nandito kami sa kwarto ngayon at napapansin kong busy na naman si Rehan kakakalikot sa laptop at selpon niya. Nasa likod niya din ang mga kapatid niya habang ako'y nasa kama at naghahanda para matulog na.

"Napapansin kong lagi kayong busy sa gadget. Halos mag dadalawang linggo na kayong ganiyan at kahit na gustong gusto kong malaman kung anong rason niyo ay wala naman akong napapala dahil ayaw niyo namang sabihin sa akin at pilit niyong tinatago sa akin kung ano man ang pinagkakaabalahan niyo. Siguraduhin niyo lang na hindi panonood ng malalaswa o paglampas sa mga limits niyo. I trust y'all, pero kapag nagpatuloy ang ganito at wala akong kaalam-alam kung ano talagang nangyayari, kukuhanin ko ang mga 'yan at hindi ko ibabalik hangga't hindi patungkol sa pag-aaral ang paggagamitan." Nakatalikod akong nakahiga sa kanila kaya hindi ko alam kung nakikinig ba sila sa akin o hindi.

Nakarinig ako ng yapak at isa isa kong naramdaman ang pagyakap nila sa akin kahit na nakahiga na ako.

"Mama," mapaglambing na bulong ni Rehan ngunit hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ang kunwaring pagtulog.

"You not sleep, Ma." Narinig ko naman si Breil.

"Mama ko." Si Caly.

"Mama uwu," bulong ni Mark na nagpamulat sa akin.

Narinig ko ang marahang pagtampal ni Rehan sa kapatid niya kasabay ang pigil na tawa.

"That is not cute, Kuya Mark," ani Caly.

Nilingon ko sila at nakita ko ang mga mukha nilang nagpapa-cute. Nakaupo na silang apat sa gilid ko at todo ang pagpapapungay sa mga mata.

I sigh before getting up ang facing them. Paano ako makakahindi sa mga mukhang 'to?

"Nagtatampo si Mama sa inyo," panimula ko. Isa-isa ko silang tinitigan at kita kong may gusto silang sabihin but at the same time ay ayaw nilang sabihin, parang may pumipigil.

"You know guys how Mama wants you all to be open to her, right? You all know how I want all of you to be honest with me because Mama hate those individuals who lies. Ilang araw ko na bang tinatanong kayo kung anong problema at bakit lahat kayo ay parang may tinatago sa'kin?"

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now