CHAPTER 27

245 7 1
                                    

Chapter 27

I DIDN'T THINK that Achie can be this so overreacting. He didn't let me work for a month! Because of what? Because of that incident. Oh my goodness.

Katulad na lang ngayon, pinapahakot niya ang mga gamit namin mula sa bahay para ilipat sa mansyon. Bakit? Kasi baka daw maulit tapos wala siya doon. Ayaw niya dawng ma-byudo. Loko Loko talaga. Masyadong kinarer ang pagiging Asawa sa hospital.

"Achie tatadyakan kita d'yan 'ta mo ka. Kanina ka pa ha. Sabing kaya ko. Hindi ako lumpo," nauurat kong saad. Inilingan lang ako saka lumabas sa kwarto at matapos ang ilang minuto ay bumalik ito na may dala dalang tray na may juice at slice ng cake.

"Here, eat this. Are you tired? Should I massage you?" Napairap ako sa tanong niya. Lagpas bente na niyang tinanong 'yang linya na 'yan ngayong araw. Naiinis na talaga ako.

"Kakakain ko lang kanina 'di ba? Tapos papakainin mo na naman ako? Ginagawa mo ba akong baboy ha?" Inosente itong ngumiti at naghiwa ng piraso ng cake bago itinapat sa bibig ko. "There's nothing wrong with being fat or big. Voluptuous are still sexy. Just like that song that says every inch of you is perfect, from the bottom to the top," pakanta nitong saad sa huling parte. "So eat this na. Say ahh."

Ako na marupok, ngumanga. Sino ba namang hindi nganganga kung sinusubuan ka na ng mahal mo?

Inggit ka please.

Pinalipas namin ang araw sa kuwarto. Nanonood ng kung anu-anong mga palabas. Kung anong matipuhan ng mata, sige at nood. Sa gabi, nabulabog ang pag-idlip ko nang may kunatok at nang buksan ang pinto, ang mga bata ito. Napairap na nga lang ako nang makita ko ang klase ng ngiti ni Rehan sa labi.

Nagmano at humalik lang sila sa akin bago nagtungo sa kuwarto nila. Si Rehan ay may sarili na ding silid sa mansyon. Habang ang tatlong magkakapatid ay magkasama pa din. Request na din nilang tatlo 'yon na siyang hinayaan ko na lang kasi pumayag din naman ang mag-asawa at si Achie.

Nahiya nga ako noong una kasi bakit kailangan pang kuhanin ang gamit doon eh dagdag lang sa trabaho. Hindi na din ako nakareklamo kasi sumang-ayon na ang mag-asawa na dito na lang kami ng mga bata para mas ligtas. Baka daw kasi mapagod na naman ako ng sobra at mangyari na naman iyon.

Sa totoo nga nito ay sa ilang buwan kong pagpapahinga, sobrang payapa ng buhay namin. As in, walang gulo. Walang nanggugulo, walang unaaligid na mga tipaklong at kung anu-ano pang mga nakakabwesit.

"Maya would you like to come with me? I have to check the company since the partnership is near." Agad na nagpintig ang tenga ko sa narinig.

Hindi sinasagot, agad akong tumayo at kumuha ng damit sa closet bago pumasok sa Cr at naligo. "Are you sure it's okay? You might be tired there," rinig kong saad ni Achie sa labas ng cr.

"I'll behave, I promise!" sigaw ko at nagpokus na sa paliligo hanggang sa matapos ako at magbihis.

Nang nasa harap na ako ng salamin, agad na kinuha ni Achie ang suklay at nagsimulang suklayin ang mahaba kong buhok. "Your hair is really long and beautiful." Napangiti ako sa sinabi nito at nagtama ang tingin namin sa salamin ng ilang segundo bago ko pinabalik sa pagsusuklay hanggang sa matapos.

"Ingat ho kayo Maam and Sir!" masayang ani ni Manang bago tuluyang isinarado ang pinto ng sasakyan.

Sa wakas ay makakalabas na ako sa mansyon. Nasa klase ang mga bata kaya malaya akong gawin ang pwedeng magawa. Sa buong byahe wala akong ibang bukambibig kundi kung paano ako nae-excite sa oras na 'to at kung paano ko tiniis ang pagkaka-bored sa loob ng malaking bahay.

Agad na bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas kami ni Achie. Nagpahatid kasi kami kaya ayon. "Salamat po, ingat po sa pag-uwi," magalang kong sabi sa driver.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now