CHAPTER 9

274 4 0
                                    

Chapter 9

Kinakabahan na nakaupo sa harap ng mag-asawa, pilit kong tinatago ang kaba sa kaloob-looban ko na ano mang oras ay nagtatangkang lumabas.

"Pero bakit po, Ma'am, Sir?"

Hindi kasi ako makapaniwala sa sinasabi nila. Lalo na sa trabahong inaalok nila sa akin.

"Lasorous only listens to you. We've been trying our best to find someone who can fame them. Even I can't tame him."

Napakamot ako sa batok ko sa sinabi ng Mama ni Achie. Yes, gagawin nila akong taga-alaga sa tatlong aso nila lalo na si Lasorous.

Libre na daw lahat, hindi ko na daw kailangan ang tumulong sa mga gawaing 'mansyon' kasie obviously, hindi naman ito bahay lang. Mansyon ito.

May tutulugan din daw ako. Nalaman pala nila na umalis na ako sa trabaho ng walang pasabi kay Achie. Ang nirason ko na lang ay need ko ng break. Kunwari break kahit wala naman talaga masyadong ginagawa sa opisina ay nakikipag-away lang sa boss niya.

"Pero Ma'am, Sir, paano kung hindi ko na po sila makontrol? Baka ikamatay ko pa po. Mahal ko pa po ang buhay ko, Ma'am, Sir."

Totoo naman. Hindi natin alam kung ganon pa din ba ang magiging pakikitungo ng aso sa akin lalo na at halos isang buwan mahigit din kaming hindi nagkita.

"You wanna test it? Guard! Get Lasorous, please. Thank you!"

Napaayos ako ng upo at hindi na nagtanong pa ng kung anu-ano ay hinintay na lamang na dumating ang guard kasama si Lasorous.

Ilang minuto na ang nagdaan at walang guard na bumalik. Pinasunod ng Mama ni Achie ang isa pang guard at humahangos itong bumalik sa amin bago nagsalita.

"Lasorous won't move, Ma'am. I suggest that we go there instead of Lasorous coming here," saad nung Guard.

Napatingin naman ako sa Mama ni Achie at nakatingin din ang Papa ni Achie dito. Tumango ito at inaya kaming dalawa na puntahan na lang ang mga aso.

Umabot kami ng ilang minuto dahil may kalayuan ang bahay ng mga aso dito. At nang maraming namin ay pigil ang tawa ko nang makita ang nangyayari.

Ang guard na inutusan ni Ma'am kanina ay hindi na makagalaw ng maayos dahil nakapalibot dito ang tatlong aso.

"H-Help me," tanging lumabas sa bibig nito.

Narinig kong natawa at nailing ang mga magulang ni Achie sa nakita. Tatawa din sana ako nang tumingin sa akin ang Mama ni Achie at nagsalita.

"Go on, work your charm."

Anong charm? Ano gagawin? Tawagin ko ba si Lasorous? Lalapit ba ako sa mga ito?

Ilang Segundo pa ang nagdaan bago ko napagdesisyonan na tawagin na lang ang langalan niya at tingnan ang magiging reaksyon niya.

"Lasorous!" sigaw ko.

Agad na napatingin sa gawi ko ang mga aso at sabay na nagtakbuhan papunta sa akin kaya naman ay napaatras ako.

Tumatahol ang mga ito at nang makalapit sa akin ay tuluyan akong napaupi at natawa dahil sa bigat nilang tatlo.

Panay ang tawa ko sa bawat dila nila sa mukha ko at pagtatahol nila. Nang halos hindi na ako makahinga, pinigilan ko na sila at pilit na tumayo bago sila inutusan na kanila namang sinunod.

"Sit."

Agad silang natigil sa kakalikot at umupo. Napatingin naman ako sa gawi ng mag-asawa at sa dalawang guard na parang nakahinga ng maluwag. Kita ko sa ekspresyon nila ang pagka-impress sa nagawa ko. Maski ako ay nagulat.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now